(40) Ash Confession

9 0 0
                                    


ASHLEY POV.

Pagkapark ko ng kotse ko sa bahay bumaba agad ako. aish feel ko pagod na pagod nako, ang dami nameng tinapos ni Erin na project kaya sobrang nakakapagod talaga kainis.

Papasok na sana ko ng bahay ng maalala ko si Yao.

Bakit ganun? maisip ko pa lang yung pangalan ni Yao napapangiti na agad ako. omgg!! sa tuwing naiisip ko yung muka nya kinikilig nako.

Huhu ano bang ginagawa mo saken Yao Davey Lee? bakit kaba laging nakatambay sa isip ko ah?

Naisipan ko namang lumabas ng bahay para silipin si Yao kung andiyan na sya. may practice parin pa rin kaya sila hanggan ngayon? nang makalabas nako ng bahay pasimple kong sinisilip yung garahe nila Yao kung may kotse ba dun.

Kusang nagsiwalaan yung mga butterflies sa tiyan ko ng makita ko yung kotse ni Yao dun. myghaddd sigurado akong andiyan na sya. mas lalo ko pang tinitigan yung kotse para masiguradong andiyan na nga sya.

Ano kayang ginagawa ni Yao ngayon? kinwento nya kasi saken na sya lang pala nakatira sa bahay na yan. hindi kaya sya maboring diyan? ang laki laki ng bahay dito tapos mag isa lang sya?

Biglang kumunot yung noo ko ng may naaninag akong tao sa loob ng kotse nya. mas lalo ko pang tinitigan para makasigurado ako,

Nanlaki agad yung mata ko ng makita ko si Yao sa loob ng kotse.

AT MAY BABAE?

Nang malinaw ko na sila parang biglang nadurog yung puso ko sa nakikita ko.

Naghahalikan sila?

Hindi ko alam yung gagawin ko pero parang tumigil lahat ng sa paligid ko, tanging tibok lang ng puso ko yung nararamdaman ko. anong nagyayari saken? bakit pakiramdam ko unti unti ng namumuo yung mga luha ko sa mga mata?

Bakit ganto yung nararamdaman ko? gusto ko ng umalis dito, gusto ko ng pumasok, gusto ko ng magtago at umiyak iyak sa isang sulok pero hindi ko parin maigalaw yung mga paa ko.

Bakit ako nasasaktan ng ganito? bakit ang sakit sakit para sakin ng mga nakikita ko? habang pinagmamasdan ko silang naghahalikan at kitang kita ko sakanila na masaya sila para pinupunit yung puso ko.

Bakit Yao?

Akala ko ba gusto mo rin ako? akala ko ba lahat ng pinapakita mo may motibo? akala ko ba ako? akala ko ba ganito din yung nararamdaman ko katulad ko?

Siguro tama sila Heaven at Erin, masyado ko lang pinapaasa yung sarili ko. tapos sa huli masasaktan lang din naman ako. pinakilig lang ba talaga ko ni Yao? ginamit nya lang ba talaga ko?

Bakit Yao? bakit mo ginagawa saken toh? alam mong may gusto ako sayo pero pinapalapit mo pako sayo kaya eto ako ngayon umaasa sayo!!

"Sige Yao bukas na lang tayo magkita,"

"Basta text kita,"

"Bye,"

Kitang kita ko na naman kung paano hinalikan ni Yao yung babae sa lips hindi ko na kaya yung mga nakikita mas gugustuhin ko na lang tumungo kesa makita silang ganyan.

"Alis nako, bye see you!!"

Unti unti ng tumulo yung mga luha kong kanina pa gustong bumagsak. bakit ako nasasaktan ng ganito? bakit parang pinupunit, sinisira, tinatapakan yung puso ko? bakit sobrang nasasaktan ako sayo Yao? bakit moko sinasaktan ha?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Love is.." (On Processing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon