AYNS POV.Paakyat nako ng East Boys Room ng makita ko si Cindy na nakaupo sa hagdan. hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy lang sa pag akyat.
"Ayns sandali?" agad akong napatigil ng marinig kong nagsalita sya.
Nagulat ako dahil ngayon na lang ulit nya ko tinawag sa pangalan ko. dahil laging baby yung tawag nya saken, napasmirk ako ng kaunti.
Baka natauhan?
"Ayns kahit na hindi mo nako mahal, lagi mong iisipin na andito lang ako lagi para sayo" sabi nya pa at lumingon ako sakanya.
"Tsk, anong sabi mo? mahal? kahit kelan hindi kita minahal no." tanggi ko sa sinabi nya.
Ano ba tong babaeng toh? nababaliw na ba to? akala nya ba minahal ko sya? eh kahit nga percent wala kong naramdaman sakanya.
"Alam ko, siguro may nagpapasaya na sayo noh? siguro may iba ka ng mahal kaya ganun" seryoso nyang sabi at natigilan naman ako sa sinabi nya.
Bakit bigla kong natamaan sa sinabi ni Cindy? pakiramdam ko totoo yung sinabi nya.
Siguro nga may nagpapasaya na saken,
At kung may mahal nako. hindi ko alam, naguguluhan pako sa ngayon.
Tumalikod na lang ako at nagpatuloy sa paglakad.
"Ayns gusto mo ba talaga na iwasan na kita?" agad akong napatigil ng magsalita ulit si Cindy pero hindi ko sya nililingon. tama ba yung narinig ko?
"Ayns promise titigilan na kita, pero sa isang condition" napalingon naman ako sa sinabi nya. parang bigla kong natuwa dito kay Cindy ah.
"Magdate tayo sa sabado? bilang huli nateng pagsasama, pagkatapos nun hinding hindi nako lalapit sayo hindi na rin kita guguluhin pa," sabi nya habang nakatungo.
Tssk ang dami nyang alam, pwede naman nyang gawin na iwasan ako manghihingi pa ng condition.
Pero okay na rin, date lang naman eh. tsaka last na rin naman yun kaya ano pang inaarte arte ko?
"Papayag ako," walang gana kong sagot tsaka nya inangat yung ulo nya at kung kanina malungkot sya ngayon tuwang tuwa na sya.
"Basta pagkatapos nun layuan mo nako, nabibwiset lang ako sayo!" galit kong sabi tsaka ko tumalikod.
"Thankyou Baby," tanginang baby yan amp. naglakad na lang ako paakyat!
"Sa sabado ah?" malakas na sigaw nya. yun na yung huli kong narinig na sinabi nya. bwiset na babaeng to!
Siguro naman titigilan nya nako kapag nakipag date ako sakanya, Aish kung hindi lang talaga ano eh, hindi talaga ko makikipagdate sa Cindy na yon.
Dumiretso na lang ako ng E.B.R (Eastern Boys Room) nang makarating nako sa E.B.R pumasok na agad ako at naabutan ko silang lahat dun.
Dumiretso ako sa sofa at kumuha ng sandwich sa table.
"Oh bat ngayon ka lang?" bungad ni Sam saken.
"Ang daming pinagawa ni Ma'am Sy eh, badtrip" irita kong sabi.
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Teen Fiction"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...