"Wala kana bang nakalimutan Cass?" tanong ni Mommy habang inaayos yung mga dadalhin nameng mga bulaklak para kay Daddy."Kumpleto na po.." sabi ko habang inaayos yung mga gamit ni Divine sa bag, mukang gustong gusto ni Baby si Tito Dean, kanina pa sya karga ni Tito pero ni hindi man lang umiiyak, minsan pa nga ay tumatawa. hahaha. nararamdaman nya siguro na sobrang bait ni Tito Dean.
Nang maayos na namin lahat ng kailangan nameng dalhin ay lumabas na kame sa garden at inilock ni Mommy yun pinto. dumiretso na kame sa Kotse, sumakay kame ni Tito sa likuran, habang si Mommy naman sa harap tabi tabi yung isang bouqet ng bulaklak para kay Daddy. gusto ko kaseng dalawin si Daddy ngayon, ilang buwan rin namen syang hindi nadadalaw, kase parehas kameng busy ni Mommy habang ipinagbubuntis ko si Baby. kaya ngayon na lang namen sya madadalaw. naisipan na rin namen na magpicnic dun.
"Mukang gustong gusto ka ni Divine Kuya ahh.." sabi ni Mommy sa harapan habang nakatingin ng diretso sa minamaneho nya. agad akong napatingin kay Divine.
"Ganun talaga, nararamdaman nya na magandang babae yung nagbubuhat sakanya.." sabay tingin nya kay Divine. "Diba Baby Divv?" natawa naman kame ni Mommy sa sinabi ni Tito Dean. Magsasalita sana ko kaso nagsalita ulit sya. "Bagay sakanya yung nickname na Divv, para unique diba.." tumango tango na lang ako bilang sagot.
"Tito paglaki neto ni Divine, gusto ko ikaw lang ang mag aalaga sakanya ahh.." sabay pisil ng baba ni Baby. sobrang cute kasi ehh. nanggigigil ako. Hehe
"Ofcourse! why not, Lab na lab ko kayo eh.." nakangiting sabi ni Tito.
"Sabi ko naman kase sayo Kuya mag asawa kana, baka naman pag lumaki at nagkaanak na yan si Baby ikaw pa rin mag alaga.." natatawang sabi ni Mommy habang diretso paring nakatingin sa minamaneho. "Okay lang Sis, kesa naman mapangasawa ko babae din katulad ko.." Maarteng sabi ni Tito.
Kinuha ko muna si Divine kay Tito Dean kase siguradong pagod na sya. kanina pa nya buhat si Baby ehh. buti na lang at hindi umiiyak sa kanya. marunong mangigilala ang bata haha.
Ilang oras din ng makarating kame sa Cementery kung saan nakaburol si Daddy. pagbaba namin ng kotse, may ilang napapatingin saken. siguro nagtataka sila na ang bata bata ko pa para magkaroon ng Anak. hmm, wala naman akong pake kahit na pagtinginan nila ako. hindi ko kinakahiya yung Anak ko.
Dumiretso na kame sa Cementery, private toh, kaya wala masydong tao.. pagkadating pa lang namen ng puntod ni Daddy, ay halatang hindi na kame gaanong nakakadalaw, dahil sa lanta na yung mga bulaklak at yung kandila sobrang tunaw na tunaw na. ipinabuhat ko ulit si Divine kay Tito Dean para tulungan si Mommy na magsindi ng kandila.
Inilatag muna namen yung Scarp at saka yung ibang gamit namen.
Pagkaupong pagkaupo namen, hinawakan ko agad yung lapida ni Daddy. "Hi Dad, kamusta kana?" huminga ako ng malalim. "I'm sure miss na miss mo na kame, at siempre miss na miss kana din namen.." ngumiti ako ng sobrang lapad.
"Pa, siguro alam mong nalulungkot kame kaya binigay mo samen si Divine noh?" sabi ni Mommy, pero kahit nakangiti si Mommy halata naman sa mga mata nya na naiiyak na din sya.
"Miss na miss kana namen Dad, thankyou kase binigay mo samen si Divine," pakiramdam ko pati ako maiiyak na ren. sobrang miss ko lang talaga si Daddy. kung pwede lang sya mabuhay ulet ehh. kaso hindi na mabababalik pa.
"Ano ba kayo, tama na nga yan. magsisiiyakan pa kayo ehh, alam nyo namang ayaw ni Hendrix na malungkot kayo. lalo pa't andiyan kayo sa harap nya." tama, tama si Tito siguradong nalulungkot din yun si Daddy sa tuwing malungkot kame.
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Teen Fiction"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...