(23) Spotlight game.

5 0 0
                                    



Nakaupo kame ngayon sa sofa ni Ash at Erin, sa kabilang sofa naman sila Yao, Sam, Ky at Lucifer.

Hindi pala sumasama sa kanila si Zayntanas, siguro busyng busy kakaasikaso nya sa bitch nyang girlfriend.

Tinignan ko yung kabuuan netong loob kung nasan kame, akala ko pagpasok namen eto na yung loob ng bahay nila Ayns pero hindi pa pala, dahil punong puno to ng sofa at may stage sa gitna para nga daw sa Spotlight game nila.

Sa bawat nagbibirthday daw sakanila ginagawa nila tong Spotlight game nilang katuwaan kwento saken ni Ash kanina.

"Sana hindi ako maspot, hindi talaga ko marunong.." narinig kong sabi ni Erin kaya agad naman kameng napatingin sakanya ni Ash.

"Akala mo ikaw lang ako din nuh, buti si Heaven marunong kumanta.." sabi naman ni Ash.

Marunong akong kumanta pero ayoko na, dahil simula ng mawala si Daddy tinigil ko na rin yung pagkanta ko dahil pakiramdam ko sa tuwing kumakanta ko naiisip ko lang si Daddy.

Simula bata pa ko, si Daddy na lagi ang magtuturo sakeng kumanta at gusto nya paglaki magaling akong mang aawit. Grabe ang sasaya pa nga ni Daddy sa tuwing kumakanta ko nun, pero lahat ng yun nawala simula ng mawala din sya.

"Here we go again," natauhan naman ako ng magsalita sa harap ng mic si Ayns. kaya lahat naman kame na andito nakatingin sakanya.

"Sino kaya ang maiilawan ngayon? naeexcite nako.." sabi nya pa.

"So ano pang inaantay naten? mukang naeexcite na rin kayo eh. umpisahan na naten." sabi ni Ayns tsaka nagpalakpakan lahat ng andito.

"Let the game begin," pagkasabi nun ni Ayns, namatay yung ilaw dito at wala nakong makita dahil sobramg dilim talaga.

"Kinakabahan ako, sana hindi ako.." naririnig kong sabi ni Ash.

"Ako din," sabi naman ni Erin.

Maya maya lang may dalawang ilaw na ang umikot ikot na sigurado akong yun na yung spotlight, sa sobrang dilim dito yung dalawang spotlight lang ang nagbibigay liwanag.

"So Let's countdown Guys!" sigaw ni Ayns na halatang nasa mic parin.

"10!!"

"9!!"

"8!"

"7!"

"6"

"5"

"4"

"3"

"2"

"1"

Sabay sabay na silang nagbilang ng malakas. ganito ba talaga yung spotlight game nila?

"Paikutin na yan!" sigaw ni Ayns galing sa stage kaya umikot ikot naman yung spotlight na dalawa, at sa tingin ko mukang naghahanap na nga ng magduduet.

Shet, sana wag ako, ayoko din baka hindi din ako makakakanya ng maayos.

Nag ikot ikot lang yung spotlight.

"STOP!!"  sigaw ni Ayns.

Nagulat naman ako at napalaki yung mata ko ng tumigil saken mismo yung isang ilaw ng spotlight at napatingin din ako sa direksyon ng isang spotlight kung kanino umistop yun.

"Love is.." (On Processing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon