Pilit ko paring pinipihit at kinakalabog ang pinto para buksan, pero ayaw talaga."Tulong!! may tao ba diyan?" malakas na sigaw ko para marinig sa labas.
Pakiramdam ko kinakabahan nako dahil tago tong Cr na toh kaya imposibleng may makakarinig saken. Kinuha ko ulit yung phone ko sa bag at nagbabakasakaling may signal na. Pero badtrip naman walang signal.
Tssk ang malas ng araw ko bwiset.
"Tulonggg!!" Sumasakit na yung kamay ko kakahampas sa pinto. "Tulong!! Buksan nyo yung pinto.." Malakas ko paring sigaw.
feel ko naiiyak nako dahil sa kaba. Pano kung walang makarinig saken? Tapos hanggang bukas pako dito? Hindi hindi ayoko!
"Tulonggg!" Pilit ko paring hinahampas yung pinto. Maya maya namatay yung ilaw.
"Ahhhh!!!! Tulongggg!!!!" Kalabog ko sa pinto. Ayoko na dito sobrang dilim. wala manlang bintana dito.
Ayoko sa dilim, takot ako sa dilim. Tulungan nyoko!
Naalala ko na naman yung nangyari saken nung bata pako, nung nakulong ako classroom ko, ayoko nang maulit yon.
Unti unti na ngang bumagsak yung luha ko, dahil sa takot na nararamdaman ko. "Tulong!! May tao ba diyan?" Tawag ko ulit, sana naman may taong magbukas dito. Ayoko na talaga dito.
"Tulungan nyo ko pls. natatakot nako dito.." sunod sunod na patak ng luha ang lumalabas sa mata ko. ayoko dito nakakatakot, please tulungan nyo ko.
Ilang oras din akong nagsisigaw at kakahampas sa pinto pero parang walang nakakarinig saken.
"Tu-tulung-ngan nyoko." pahikbi kong sabi dahil sa sobrang iyak ko.
Natatakot nako dito, ayoko na dito. Feel ko anytime may magpapakita saken. Napaupo na lang ako sa sobrang pagiyak
Tumitingin ako sa paligid pero wala akong makita puro dilim lang. Natatakot na talaga ko, gusto ko ng lumabas dito. Nilagay ko na lang yung dalawang palad ko sa muka ko at doon umiyak ng umiyak.
Tulungan nyo ko, ayoko na talaga dito.
"May tao ba diyan?"
Bigla kong napatigil sa pag iyak ng marinig kong may nagsalita sa labas na boses lalake.
Agad akong tumayo at kinalampag yung pinto. "May tao po ba diyan? Tulungan nyo ko?!!" malakas na sigaw ko.
Parang bigla kong nabuhayan. "Please tulungan moko, please natatakot nako dito.." Naiiyak kong sabi sakanya. Kung sino ka man please tulungan moko.
"Oo tutulungan kita pero kailangan ko munang kunin yung susi, i'm sure nilock na toh.." Sabi nya mula sa labas.
Bakit parang familiar yung boses nya? Nararamdaman ko na paalis na sya pero bakit parang kinabahan ako ulit?
"Sandali san ka pupunta huh?" Malakas na sigaw ko sakanya, habang humihikbi parin. natatakot ako baka hindi na nya ko balikan.
"Kukunin ko yung susi para makalabas ka diyan.." sigaw nya din.
"Balikan moko pls? Ayoko na talaga dito.." pagmamakaawa kong sabi sakanya.
"Please?"
"I will.." naramdaman ko naman na umalis na sya.
Maya maya lang may bigla bumagsak na ewan at nagbigay ng malakas na ingay dito sa Cr. Kaya agad akong umupo at nagtaklob ng muka. "Ayoko na talaga dito.." Patuloy ko parin sa pag iiyak.
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Teen Fiction"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...