Minulat ko yung mata ko ng naramdaman kong may malamig na nakalagay sa noo ko."Gising kana pala," agad akong napatingin sa kanan ko kung saan nanggaling yung boses na yun.
"Tatawagin ko muna sya" sabi nung babaeng maganda tsaka sya tumayo at lumabas ng kwarto.
Inikot ikot ko yung mata ko para matignan ko yung kabuuan ng kwarto. asan ba ko? bakit ako nandito at saan to? hindi ko to kwarto, hindi namen to bahay.
Napatingin naman ng bumukas yung pinto.
Zayn? napakunot naman yung noo ko nung nakita ko sya. ahh, naalala ko na! magkasama nga pala kame kanina sa Village habang tumatakbo,
"Gising kana pala, kumain kana muna tapos uminom ka ng gamot, ang taas ng lagnat mo.." bungad agad ni Zayn ng makaupo sya sa sofa malapit sa kama, nilapag naman nya yung dala nyang tray na magpagkain at gamot sa table na katabi nya.
Sigurado kwarto nya to kase halatang panalalaki at may picture sa wall na Eastern Boys na magkakasama silang magkakaibigan.
"Bakit ako nandito?" tanong ko. bigla naman akong napatingin sa suot ko. iba na yung suot ko? nakatahirt na ko at pajama.
Agad nanlaki yung mata ko, wag mong sabihingg--
"Hoy wag mo nga kong pag isipan ng masama diyan!!" rinig ko namang sabi ni Zayn kaya agad akong napatingin sakanya.
"Si Ate ang nagpalit sayo, as if naman na papalitan kita no! kung ano anong iniisip mo!" sarcastic nyang sabi.
Bigla naman akong nabunutan ng tinik sa sinabi nya. hayss buti na lang, akala ko itong demonyo na toh yung nagpalit saken.
"Kumain kana, sobrang taas ng lagnat mo. paulan ulan kapa kasing nalalaman hindi mo naman pala kaya," sabi nya pa na halata namang naiirita.
"Nagpaluto ako ng lugaw na may itlog, kumain kana." sabi nya tsaka nya kinuha yung lugaw.
"Hindi ako nagugutom," walang gana kong sagot.
"Tssk kahit na kumain ka paren para makainon ka ng gamot mo! nang makaalis kana sa kama ko!" naiirita nyang sabi, agad ko naman syang tinignan ng masama.
"Sino bang may sabi na dalhin moko dito ha?" pagtataray ko ding sabi sakanya.
Tinanggal ko naman yung dimpo sa noo ko at pilit kong inupo yung katawan ko pero sobrang bigat, hindi ako makaupo. bakit ang bigat ng pakiramdam ko at nahihilo parin ako.
"Wag mo ng piliting tumayo, hindi mo pa kaya"
"Uuwi nako, hinahanap nako nila Mommy"
"Hindi na kailangan," agad agad nyang sabi.
Napakunot naman yung noo ko sa sinabi nya. muka namang nahalata nya yun kaya nagsalita ulit sya.
"Tinawagan ko si Ash sa phone mo na sabihin sa Mommy mo na sakanila ka muna, yung kotse mo nga pala pinaayos ko na at pinahatid ko na rin sa bahay nyo." paliwanag nya. kaya napahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nya. Wala nakong nagawa kaya humiga na lang din ako.
"Kumain kana anong oras na oh, 9 na hindi ka parin kumakain" dagdag nya pa.
Naramdaman ko din namang nagugutom nako, "Umupo kana muna," nilapag nya yung hawak nyang pagkain sa table at lumapit saken.
Hinawakan nya yung braso ko para maalalayan nya ko umupo, pinilit ko din namang makaupo. nang makaupo nako bumalik sya sa sofa at kinuha yung pagkain.
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Novela Juvenil"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...