Multimedia: Sapphire and Hadley
Featured song: Ruth B - Mixed Signals
⪼ S A P P H I R E
Hila-hila ang maleta, naglakad ako kasama sila daddy at mommy papasok ng airport. Pagkagaling ko sa bahay nila Blake kanina ay nagpalaam na ako para umalis pero hindi ko sinabi ang tunay na dahilan, na pupunta na ako ng Canada, na doon na kami maninirahan. Natatakot ako sa sasabihin nila sa akin. Ako 'tong nagplano-plano na babalik kami sa Academy para kay Dannah pero ako 'tong unang mang-iiwan.
"Sapphire, are you okay?" My father asked, looking worried at me. Kanina pa kasi ako walang imik magmula nang umalis kami sa bahay namin at sa tingin ko kanina pa ako napapansin nila daddy.
"Daddy, do we really have to live there? Hindi ba pwedeng vacation na lang?" I asked, almost sounded like I was pleading. I don't really want to go pero ayaw ko rin namang suwayin ang pamilya kong ilang taon kong hindi nakita para lang sa mga taong isang taon ko lang nakasama.
"Matagal na namin 'tong pinagplanuhan, Sapphire." My dad answered strictly. Wala na akong nagawa kundi manahimik. Umiwas ako ng tingin sa kanila at sakto namang tumunog ang cellphone ko. Silver's calling. A part of me doesn't want to answer the call kasi mas lalo lang mahihirapang umalis at iwanan ang lugar na 'to pero dahil gusto ko rin naman marinig ang boses niya sa huling pagkakataon, sinagot ko ang tawag.
"Where are you?"
I'm on my way to Canada, Silver.
"At home." Pagsisinungaling ko. Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin kay Silver at sa iba na paalis na ako ng bansa.
"Can I pick you up later? Let's go out? Watch some movies, I guess?" I smiled bitterly. Ni hindi man lang pala kami nagkasama ng matagal bago ako umalis.
"I'm not feeling well." Lies. Lies.
"Ah, okay. Take a rest. I love you." My heart aches all of a sudden. Hearing those words from him, parang mas lalo tuloy akong nahirapang ihakbang ang mga paa ko.
"I love you too." I said. Ako na ang nagbaba mismo ng tawag. Gusto ko hanggang doon muna, baka kung saan pa madala ang usapan at baka mawalan lang ako ng sasabihin o isasagot.
I'm sorry, Silver.
"Sapphire!" Mom called me nang mapansing hindi ako nakasunod sa kanila. Nahihirapan man, pinilit kong ngumiti sa kaniya.
I'm really sorry...
⪼ H A D L E Y
"Sorry na kasi." Kinurot ni Newt ang hita ko na agad ko namang sinagot ng pagpalo sa kaniyang kamay. Inirapan ko siya at ipinagpatuloy ang panonood ng movie.
"Hoy, baboy." Tinapik niya pa ako para lang makuha ang aking atensyon ngunit hindi ko iyon ibinigay sa kaniya. Bahala siya! Manigas siya lalo diyan. Baboy pala ha?
"Hadley Grace naman. Sorry na nga kasi." Inis na wika niya sabay kamot sa kaniyang ulo na para bang naiirita na sa hindi ko pagpansin sa kaniya. That's the reason why I don't want to accept his apology for now. Madali siyang mainis. Parang ako pa tuloy ang may kasalanan. Ilang minutong pagso-sorry pa lang ang ginagawa niya, suko na agad. In short, hindi siya matyagang manuyo.
"LQ na naman kayo?" Tanong ni Risei habang pinupunas ang magkabilang sapatos sa door mat. Kararating lang nila ni Blake mula sa supermarket kaya naman kabilaan ang dala-dala nilang mga supot na naglalaman ng supply ng bahay ni Blake. Dito na ang naging tambayan namin since wala namang kasama si Blake rito. Walang mga magulang na manenermon sa amin kapag magulo kami.
BINABASA MO ANG
Infernio Academy 2: Hell To Pay
Mystery / ThrillerUpon coming back to Del Fuego, they found out everything has gotten worse. In a short span of time, the townspeople turned into aggressive creatures and it's all because of Infernio Academy, the institution that deceived them all.