Chapter 34: But what's the reason

1K 90 58
                                    

⪼ R I S E I

Kagat-kagat ang ibabang labi at nakayukom ang magkabilang kamao, naglakad ako patungo sa kung saan. My vision was blurry and my steps seems forced and robotic. Maya't maya pang bumibigay ang mga tuhod ko dahil sa labis na panghihina pero nakukuha ko agad pabalik ang aking balanse kaya hindi ako tumutumba.

Ano 'to? Bakit ganito kasakit? Sobrang sakit. 

"Sei!" Liningon ko ang taong tumawag sa akin at nakita ko si kuya na inaaya akong lumapit sa kaniya. Nakaupo siya sa damuhan habang may hawak na isang baraha. Nang tuluyang makalapit sa kaniya ay nagulat pa siya nang makitang umiiyak ako. I wanted to wipe my tears and away and stop myself from crying pero ito ang kailangan ko ngayon...ang umiyak, ang iiyak lahat ng nararamdaman ko.

"Anong nangyari?" He asked and scanned me, huminto ang tingin niya sa nanginginig kong mga kamao. Ibinalik niyang muli ang tingin sa aking mga mata. "Risei." He wrapped his hand around my wrist and drew circles on my skin using his thumb. Kinagat ko ang ibaba kong labi at napahagulgol. Para akong batang nadapa at nagkaron ng malaking sugat sa tuhod.

"M-Masakit pala." I said between my sobs. 

Pero wala sa tuhod ang sugat na natamo ko. 

"Makikinig ako." Hinila niya ako paupo sa tabi niya at tuluyan na akong bumagsak. He wrapped his arms around me and gave me a warm hug. As he pressed my body towards him, I buried my face into his chest and cried. 

"W-We broke u-up." 

"In difficult times like this?" He exclaimed and I slightly nodded as an answer. Hindi ko man nakikita, alam kong naiinis siya ngayon. Ako rin, naiinis. Pero hindi kay Blake kundi sa sarili. Naiinis ako sa sarili ko kasi bakit nagkaron ako pagkukulang na naging dahilan para mang-iwan siya? Saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali? 

Binigay ko naman lahat ah? Pinaramdam ko naman na mahalaga ka. Na mahal kita.

"Nagsawa na siguro siya sa akin." Mapait akong tumawa. Totoo naman. Bakit hindi niya masabi ang dahilan kung baki niya kailangang makipaghiwalay? Hindi ako naniniwalang kailangan niya lang. Kung kailangan niya talagang makipaghiwalay, alam kong alam niyang kailangan niya rin magbigay ng katanggap-tanggap na dahilan. 

"Tsk, panget niya kamo." Inis na wika ni kuya sabay haplos ng buhok ko. 

Tumawa ako at pinunasan ang aking luha. Medyo kumalma na ako kumpara kanina. Binalot kami ng katahimikan. I adjusted my position and rested my head on his shoulder. 

"Pero alam mo kuya." Isang luha muli ang pumatak mula sa aking mata. Ngumiti na lang ako nang maramdaman ko iyon. "Mahal ko 'yon." Ngunit ang ngiting pinepeke ko ay agad ring nawala matapos kong magsalita.

"I know." His voice softened. 

"Mahal na mahal ko 'yon." Pagpapatuloy ko. Hinawakan ni kuya ang gilid ng ulo ko at nanatili lang iyon doon habang umiiyak ako.

Nasanay na akong nandyan palagi para sa akin. Nasanay na ako sa mga yakap at halik niya. Nasanay ako na laging naririnig ang boses niya. Nasanay na ako sa kaniya.

"Nakakainis kasi bakit ko sinanay ang sarili ko sa kaniya?" 

Ngayong wala na siya sa 'yo, Risei...ano ng gagawin mo? Paano ka babangon ulit? 

***

The leaves scud over the ground and take small flights into the air. I tossed my head back and raised my eyes to the sky. Pinakiramdaman ko ang ihip ng malamig na hangin na tumatama sa aking mukha. Tuluyan na akong tumigil sa pag-iyak pero syempre 'yung sakit, ramdam ko pa rin. Ang sabi nila ay makakatulong raw ang pag-iyak para mawala ang sakit kaya naman gusto ko pa sanang umiyak pero tila ba pati ang sarili kong mga mata ay napagod na rin sa akin.

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon