Chapter 37: Hellish night

999 85 39
                                    

Trigger Warning: Gore

⪼ S A P P H I R E

My eyes flung open as I heard a horrfying sound outside. Nagkatinginan kami ni Silver at sabay na napatingin sa pintong bigla na lang bumagsak dahil sa pagkakasira.

They are here.

Again.

"Calm down! They won't hurt you! Kami lang ang-" Napatigil sa pagpapa-alala si Silver nang biglang hablutin ng isang Narco ang kawawang babae at bigla na lang dinukot ang lalamunan nito. 

"What the fuck?" Labis akong nagulat. Muli kong tiningnan ang babae na ngayon ay nangingisay na sa sahig, tumitirik ang mga mata nito hanggang sa tuluyan nang bawian ng buhay. 

"Of course, we're not going to hurt them. We're just going to kill them!" My face is stoney but my heart is beating fit to burst. Unti-unti silang naglakad palapit sa amin. I don't know how many are they, but I know they can outnumbered us. They don't expect easy pickings and this isn't going to be easy.

It's going to be a bloody, hellish night.

In a snap, it had begun. I could hear nothing but the yells of the students, the growls of the creatures, and even gunshots.

A sudden gush of pain jolted throughout my body. Lumingon ako sa likod at agad akong yumuko nang makita ang paparating na kamao. I took a fistful of her shirt and connected my fist on her face. Napaatras siya sa ginawa ko kaya sinamantala ko na ang pagkakataong iyon para patumbahin siya.

Isang sipa ang naramdaman ko sa aking likod kaya nawalan ako ng balanse. Hinarap ko iyon at hindi ko inasahan ang atake niya kaya naman napaupo ako sa isang mono block. I ducked when he's about to attack. Hinawakan ko ang mono block mula sa pagitan ng aking mga hita, mabilis akong tumayo at binasag iyon sa kaniyang ulo.

Sumugod muli sa akin ang babae. Gamit ang paa ng upuan na nasira, itinusok ko iyon sa kaniyang sikmura dahilan para bumulwak ang dugo mula sa kaniyang tiyan. Alam kong wala iyong epekto sa kaniya dahil wala siyang nararamdaman kaya naman diniinan ko pa iyon hanggang sa tumagos ang bagay na hawak ko sa kaniyang likuran.

Two pairs of rough hands tried to seize me. I staggered backwards and slammed them into the wall. They groaned in pain. Isa pang Narco ang sumugod sa akin kaya mabilis kong siniko ang dalawang may hawak sa akin nang paulit-ulit hanggang sa tuluyan nila akong mabitiwan. Sinipa ko ang bagong dating at agad kong ibinaba ang aking paa bago pa niya iyon mahawakan at mahila.

"You would think that in this battle we'd loose right away?" I asked, attacking with so much force in every blow. My blood hummed in my veins as determination and anger took over. "Bitch, you're wrong!" I gritted my teeth and swung a punch, slamming into her face.

"Quinn!" Nilingon ko ang isang estudyanteng tumawag sa akin at agad niya akong hinagisan ng baril. Ginamit ko iyon para paputukan ng bala ang mga nakalaban ko. I smirked.

"Get the hell out of here. Kami na ang bahala." Sabi ko nang abutan niya pa ako ng bala. Tinanggap ko iyon at itinago sa bulsa ng panatalon ko.

"Okay, but I'll leave the gate open para mas mabilis kayong makaalis." Muling umangat ang isang sulok ng aking labi. Kung magkakaroon pa ng pagkakataong umalis. 

"Thanks." Iyon na lang ang sinabi ko pero bago pa man din ako makaalis, muli siyang nagsalita.

"Nakita ko ang kaibigan mo, parang wala na sa sarili."

"Who?" Bigla akong ginapangan ng kaba. Anong parang wala na sa sarili? Anong sinasabi niya? Sino 'yon?

"Medyo natakot ako kasi iyon ang simula kapag unti-unti nang nagiging Narco-"

"Sino nga?!"

***

"Ford!" Sigaw ko. Hinigpitan ko ang hawak ko sa aking baril habang nililibot ang tingin sa tahimik at madilim na main building.

"Ford Hendrix!" Ang sabi ng nakausap ko, dito raw siya nagpunta. Pero bakit parang wala namang bakas ng tao rito?

Isang hakbang at lingon sa kaliwa ang ginawa ko hanggang sa may bigla na lang pumulupot sa aking leeg at naramdaman ko ang kakapusan ng hangin. As a response, I kicked his shin, causing a groan from him. I turned around and my eyes grew wide when I saw him right in front of me. His menacing eyes were a blazing red.

"Ford..."  Words left me. I stared into those eyes burning with anger, and my heart fell silent. 

What happened to you, Ford?

"Don't ask what happened because you already know the answer!" He roared and shoved me harshly, I hit my back against the wall. He pinned me against it. Nalaglag ko ang baril ko at saglit siyang napatingin roon. Gusto kong umiyak. Hindi na siya 'to, hindi na si Ford itong kaharap ko. Hindi ko alam na ganito pala ang kahahantungan ng nagawa ko. Hindi ko alam. Hindi ko alam.

"You caused this!" Sigaw pa niya at hinampas ng malakas ang dingding. Napapikit ako at nag-iwas ng tingin. Ford hit the same spot once again, making me flinch. He's raging with anger. 

I pushed him away. "Wake the fuck up!" Hinila ko ang kwelyo niya at sinampal siya ng malakas. Iisa pa sana ako kaso ako naman ang natulak niya palayo.

I managed to reach my gun, but he kicked it to the other side. Tumayo ako at agad siyang pinaulanan ng suntok pero walang tumatama sa mukha niya kahit isa. Nang gantihan niya, pumutok ang labi ko at nabatbat na naman ako sa pader. Hinawakan niya ang buhok ko at inangat ako upang magpantay ang mukha naming dalawa.

"I'm awake, Sapphire."

"You're not!" I gritted my teeth and punched his face. He stumbled backwards and I took the opportunity to attack him again. I spun around and kicked his neck, causing him to lose his balance. Mabilis siyang tumayo na para bang walang nangyari. Muli kong naalala ang nabitiwan kong baril ngunit bago ko pa man iyon makuha, naunahan na ako ni Ford, kinuha niya ang baril at itinapon sa labas ng bintana.

Napatingin ako sa kaniya at hindi ko inaasahang tututukan niya ako ng isang patalim. Dahan-dahan akong napatayo habang nakatitig roon. I couldn't will my lips to move. As if stuck underwater, everything was slow.

"I'll kill you or you'll kill yourself?" 

Hindi ako nakasagot sa naging tanong niya. Basta natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatakbo palayo. 

Sa tahimik na pasilyo, umalingawngaw ang malakas niyang halakhak. 

Umakyat ako ng hagdan at nilingon siya ng isang beses nang makarinig ng isang bagay na para bang nagagasgas. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginagawa niya. Nakadikit ang dulo ng kaniyang patalim sa pader habang naglalakad siya patungo sa akin.

"Die!" He laughed like a villain as he said yelled that word. I flinched when he fastened his pace. Tumakbo ako at muli siyang nilingon. Malapit na siya sa akin. Hindi ko alam pero bigla akong natakot.

Hindi si Ford 'to. Hindi ako sasaktan ni Ford. 

Takbo lang ako nang takbo hanggang sa paglingon ko, wala na si Ford. I stopped and catched my breath.

I'll kill you or you'll kill yourself? 

Die.

And his voice whirled around my mind.

_

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon