Chapter 12: We'll stay

2K 138 126
                                    

Multimedia: Hadley, Sapphire, Ford

Chapter theme: BTS - You Never Walk Alone

⪼ S A P P H I R E

I win so many battle, when everyone else begins to fall apart I accelerate.

Kapag sinabing Sapphire Quinn, ang naiisip nila agad ay malakas, hindi nagpapatalo, mahirap hilahin pababa. But for me, that wasn't the Sapphire Quinn that I know. They made the real Sapphire Quinn like that, the hell and devils did. 

Tears blinded me and I turned, running as quickly as my long legs can carry me. The pounding sound of my running shoes echoed the whole field. It was past eight in the evening pero heto ako ngayon at tumatakbo. Ang pagtakbo ay ginagawa ko tuwing may problema ako at inaamin ko, gumagaan ang loob ko kahit papaano.

Magmula noong dumating ako rito ay hindi ko na nakita si Mr. President, siguro may inaasikaso na naman siyang kalokohan. As much as I want to stop him, hindi ko naman kung paano at saan magsisimula. Hindi man ako takot sa kaniya pero alam ko ang mga kaya niyang gawin at alam kong hindi ko kakayanin kapag nilabanan ko siya. He's a powerful devil, he could manipulate us and our fucking feelings kahit kailan niya gusto. 

Tumigil muna ako sa pagtakbo dahil nararamdaman ko na ang pagnginig ng aking mga binti. Ipinahinga ko ang magkabila kong kamay sa aking mga tuhod at hinabol ang hininga. Tumitig ako sa sapatos ko, ang pares ng sapatos na bigay sa akin nila mommy. Sa isang iglap, biglang bumaha sa aking ala-ala ang mga pinagsamahan namin. Kung mababawi ko lang ang oras na nilaan ko para kamuhian sila ay ginawa ko na, gusto kong iparamdam sa kanila na mahal na mahal ko sila pero huli na ang lahat. Paano ko magagawa 'yon kung wala na sila 'di ba? Ang hirap, ang sakit.

Napasigaw na lamang ako at muling tumakbo sa oval. Takbo ako nang takbo habang hinahayaan ang sarili kong umiyak. Kahit pa gusto ng bumigay ng mga binti ko ay pinagpatuloy ko pa rin ang pagtakbo. Sa ikalawang pagkakataon, nawala na naman ako, nabigo na naman akong iligtas ang mahal ko sa buhay. Noong una ang kapatid ko tapos ngayon ang mga magulang ko.

"Ano pa ba?! Kuhanin niyo na lahat! Kuhanin niyo na! Wala naman akong kwenta 'di ba?!" Malakas ko iyong sinigaw sa hangin.

Binilisan ko pa ang pagtakbo kahit pa nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga pesteng luha. Napasigaw akong muli nang bumagsak ako at mapaupo. Wala akong nagawa kundi mapahagulgol.

Nagulat na lamang ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod ko. Isang maputing braso ang pumulupot sa akin at ibinaon pa ng taong nasa aking likuran ang mukha niya sa aking leeg. "Sapphire, ano ba?"

Mas lalo akong naiyak nang marinig ang boses ni Hadley. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin at dinamayan ako sa pag-iyak. Napahawak ang nanginginig kong kamay sa kamay niya at ipinikit ang sariling mga mata. Gusto kong tumigil sa pag-iyak pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong kawawang bata ngayon, pakiramdam ko ay wala akong laban kahit kanino.

Parehas kaming nagpapalitan ni Hadley ng paghikbi. Iyak kami nang iyak habang nakayakap siya sa akin habang ako ay nakahawak sa kaniyang kamay. Napadilat na lamang ako nang may biglang umupo sa harap ko—si Ford. Ang masigla niyang mga mata tuwing nakikita kami pati na rin ang pilyong ngisi sa kaniyang labi ay wala na, hindi ko na makita. Gulo gulo ang kaniyang buhok at para bang wala pa siyang tulog.

"Nandito pa kami." Matapos niya iyong sabihin, para bang may mga kamay na humila sa akin pataas habang nalulunod ako. Pakiramdam ko ay muli akong nakahinga.

"We'll stay by your side no matter what." Basag ang boses ni Hadley habang sinasabi niya iyon sa akin. "Kahit itulak mo kami ulit palayo hindi ka namin bibitiwan." Bumitaw si Hadley at naupo sa gilid ko. Katulad ni Ford, mukhang wala rin siyang tulog. Halatang galing rin siya sa pag-iyak. Hindi ko alam kung anong problema nila pero nakasisiguro akong malaki iyon, hindi sila ang mga taong basta basta iiyak sa maliliit na bagay.

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon