Chapter 30: Reminisce us

1.4K 102 87
                                    

Featured song: One Republic - Counting Stars 

⪼ T H I R D  P E R S O N ' S

"We need to bring him down! If not, the whole country will be dead! Sinasabi ko sa inyo, sa atin niya sisimulan!" Said the young teenage girl while holding a piece of paper and a pen. "Makinig kayo sa akin! He's manipulating us!"

Kaso para itong nagsasalita sa hangin. Ni isa ay walang may gustong maniwala o makinig man lang.

Bumagsak ang magkabilang balikat niya. Ramdam na ramdam niyang wala siyang kakampi.

"What's that? Can I help you?" Isang lalake ang lumapit sa kaniya at doon siya nabuhayan ng loob.

"Yes please. Ikalat natin ang petition na 'to. Ginagamit tayo ng mga nakaupo sa taas."

Sapphire groaned. Sinubukan niyang hawakan ang sumasakit na ulo ngunit nang makitang nakagapos pala siya sa isang metal na upuan na may kung ano-anong aparatong nakasaksak, napairap na lang ito at mahinang napamura.

Pinikit ni Sapphire ang mga mata at sinubukang alalahanin ang nakaraan. She couldn't see anything aside from blurred faces. She remembered everything but not clearly, she still needs time.

"Yo, my head hurts." Wika ni Denver at paulit-ulit na kumurap.

Nilibot naman ng bagong gising na si Dannah ang paningin at napagtanto niyang nakakulong silang lahat sa isang malaki at kulay puting silid. May mga sampung upuan na gawa sa metal ang makina at doon sila nakaupo. May mahabang lamesa sa harap at flat screen sa harapan nilang lahat. Para silang nakakulong sa kakaibang uri ng classroom.

"Same, bro." Sinubukang gumalaw ni Ford ngunit hindi natuloy dahil nakagapos ito. "The fuck." He cursed and squeezed his eyes shut. Kilala ng lahat si Ford bilang matapang pero sa pagkakataong ito, unti-unti na siyang pinanghihinaan ng loob na makatakas. At gano'n rin ang iba. Nakakapagtaka nga na nakaya pa nilang mabuhay hanggang ngayon. Sa dami ng sinagawang tests, mabuti ay kinakaya pa rin ng mga katawan nila. 

"Minsan talaga napapahiling na lang ako na kapag sumigaw ako, darating bigla si Iron Man." Blake blurted out. Risei from his right side, scoffed at his statement, finding it hilarious.

"Bakit si Iron Man?" Mahinang tanong ni Dannah at pinilit tumawa.

"Bakit din? Gusto ko lang, insan." Blake sighed. Hearing the word 'insan' made Dannah smiled. Mukhang wala ng sama ng loob sa kaniya ang pinsan niyang si Blake. Siguro dahil napagtanto niyang wala naman talagang kasalanan si Dannah.

She was drugged and he finally knew about it.

An awkward silence. 

There's something inside them. Like a lengthy series of longing for each other's warmth. Everyone was slowly changing for the worse, katulad noong una ay hindi na naman sila nagkakasundo. They were like going back from the very beginning but worse since they're now distant for a reason. For a damn serious reason that only time can heal.

"We need each other, Blake. Walang sinabi 'yang si Iron Man kung tayo tayo na ang magkakasama." Sapphire used her calmest tone. Bagay na sobrang nakakapanibago dahil sa kaniya pa nagmula. "Ngayon natin kailangan ang isa't isa. Please, huwag na tayong mag-away-away."

Natahimik silang lahat, ngunit maya-maya ay...

"Sinong anghel ang sumapi sa 'yo?"

"Joke ba 'yon?"

"Uy, Sapphire! Ikaw ba 'yan?"

"Silver, hindi ba nasapian ang girlfriend mo?"

"Ewan ko rin. Kinilabutan nga ako."

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon