Chapter 13: Leave

1.7K 113 123
                                    

⪼ S A P P H I R E

"Sigurado ba kayong safe kainin 'yan?" Tanong ko sa dalawang kumakain ng hindi pa lutong instant noodles. Hindi kaya sila kabagan sa trip nila sa buhay? Marami pa namang pwedeng kainin rito sa cafeteria.

"Kung hindi 'to safe sana pala matagal na akong deads." Sabi ni Hadley sabay salpak ng noodles sa kaniyang bibig. Napangiwi na lamang ako. I'm not eating that shit.

"Try mo, Sapph." Inalok ako ni Ford ngunit mabilis ko iyong tinanggihan. Ilang oras na kaming nanginginain rito pero hanggang ngayon ay mukhang hindi pa sila busog. 

"Nga pala, kamusta na kayo ni Silver? Virgin pa ba kayo parehas?" Nasamid ako sa iniinom kong iced tea dahil sa tanong ni Ford. What the hell? Tama bang tanungin niya ako tungkol sa virginity?

"We're fine." I answered.

"We need more than that, Sapphire." Hadley wiggled her eyebrows na para bang desididong malaman ang sagot sa tanong niya. I just rolled my eyes and continued drinking.

"Daya nito. Okay, aminin game tayo. Ako na mauuna tapos ikaw na ang huli, Sapphire." Sabi ni Ford at umupo sa counter na pinagpapatungan ko ng aking braso. Nandito kami ngayon sa loob ng kitchen ng cafeteria, invading the cupboards and refrigerators. 

"Muntik ng may mangyari sa amin ni Dannah pero hindi natuloy kasi alam kong hindi pa siya handa." Ford stated. Hadley's eyes grew big and her mouth became wide open forming an 'O' shape. 

"Really?"

"Yeah." Sagot ni Ford kay Hadley. "Ikaw naman."

"Panget ang relasyon namin ni Newt, kasing panget niya." Umirap si Hadley matapos iyon sabihin. Now she's dissing Newt pero kanina lang ay iniiyakan niya pa ito. I really can't understand Hadley sometimes, malungkot siya ngayon pero mamaya sobrang saya na. Magulo.

"Obvious naman." Ngumisi si Ford. Nabaling ang tingin ng dalawa sa akin. Now it's my turn. What am I going to confess? 

"Hanggang make out lang kami ni Silver. Nothing's new, nothing's special." I blurted out. Muli akong uminom ng iced tea at tiningnan ang dalawa.

"May sasabihin ako." Yumuko si Hadley at pinaglaruan ang mga daliri niya.

"What is it?" I asked her. She looks sad again and it's bothering me. 

"Naiinggit ako sa relasyon niyo ni Silver pati na rin kila Risei at Blake." Pag-amin niya. Hindi na ako nagulat. The way Newt treated Hadley is not that good, parang kung kailan niya lang natripan na magpakasweet ay doon lang niya tatratuhing girlfriend si Hadley. Tanggap ko si Newt bilang kaibigan pero ang maging boyfriend ni Hadley? I don't know, I'm not sure.

"Ang mature kasi ng samahan niyo. Mas matanda naman si Newt kay Blake at Silver pero bakit ang isip bata niya minsan? Bakit gano'n siya? He should be better than those two." 

"Hadley..." Pagputol ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin. Nang magtama ang paningin naming dalawa ay tila ba umurong ang mga katotohanang gusto kong ilabas. I have already remembered everything kaya alam ko kung anong klaseng boyfriend si Newt kay Dannah at alam kong hindi ganito...Newt is better than you think he is.

"Bakit?"

"Maybe because he doesn't really like you." I'm sorry, Hadley pero iyon lang ang nakikita kong dahilan kung bakit gano'n siya umakto sa 'yo.

"Sapphire." Suway sa akin ni Ford.

"Sorry." Paghingi ko ng tawad nang mapagtantong nasaktan ko si Hadley. Pero anong magagawa ko? Kaysa naman itago ko sa kaniya ang katotohanan.

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon