Chapter 15: Her labyrinth

1.7K 118 222
                                    

Multimedia: Dannah

Chapter theme: Stray Kids - Mirror

⪼ D A N N A H

Kasalukuyan silang nagpaplano ng mga dapat gawin at maaaring paraan para sa problemang kinakaharap ng lahat.  Wala akong nagawa kundi tumanaw mula rito sa sulok. I hugged my knees and tried to mute my mind but failed. Ang daming sinisigaw ng utak ko. I wanted to cover my ears but I know it won't make a difference.

Bakit ba ako naging ganito?

Bakit ko ginawa ang lahat ng iyon?

Bakit sinisira ko sila at ang samahan namin?

Bakit ako nananakit?

I don't feel like myself. My heart seems lost so does my mind...my whole self. I feel like I'm on a maze, my own labyrinth that doesn't have an exit. I feel like I'm running without knowing the direction. 

But one thing's for sure. Hindi ko na kilala ang sarili ko. Parang hindi na ako 'to. 

Gusto ko mang pigilan ang kung ano mang mali sa akin pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko talaga ay nananaig na kadiliman sa loob ko. Kahit anong tulak ang gawin ko ay hindi na ito nawawala. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin. 

Please...please help me...

"Anong drama 'yan?" Thalia bent down slightly and offered me a drink. A forced a smile and thanked her. Umupo naman siya sa tabi ko at binuksan ang inumin niya.

"So, ang plano nila Silver at Sapphire ay lalabas tayo ng Academy ngayong gabi. Hindi lahat, syempre may mga matitira rito upang magbantay." Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik. 

"Hindi talaga ako makapaniwalang kaya nilang pag-isahin ang desisyon ng mga estudyante. I mean, how come? Hindi naman sila mind controllers, pero paano nila 'yon nagagawa?" Naiintindihan ko si Thalia. 

Hindi man ako gano'n katagal rito pero alam ko na agad ang takbo ng mga utak nila. Iba-iba, lahat ay may sariling paninindigan at desisyon. 

Pero kapag kasi sila Silver at Sapphire na ang nagsalita ay tila ba napupunta sa iisang daan ang lahat. They're so powerful. Paano nila 'yon nagagawa?

"Naririnig mo ba ako?" Tila ba naubusan na ng pasensya si Thalia dahil kanina pa pala ako hindi nakikinig sa mga sinasabi niya. Masyadong occupied ang utak ko.

"Sorry, pero ano ulit 'yung sinabi mo?" Tanong ko at napairap naman siya.

"Tumayo ka na diyan, lalabas na tayo ng Academy." She dusted her shorts and glared at me after. "Huwag kang tatakas."

***

Matapos kong ayusin ang aking buhok, hinigpitan ko ang pagkakatali ng jacket sa aking bewang para hindi ito malaglag. Nakaharap ako ngayon sa salamin rito sa lobby na kinalalagyan namin. Kanina pa kami nagkukulong rito kaya naman tagaktak na ang pawis ng lahat kahit pa naka-todo ang aircon. Hindi ko alam kung ano ang mapapala namin sa paglabas pero heto ako at nakikisama pa rin.

"Ready?" Tanong ni Silver sa lahat habang nakahawak sa pinto, naghihintay lang siya ng sagot namin bago niya ito tuluyang buksan. Sumagot ang lahat at kabilang na ako. I was glancing at him through the mirror and I flinched when he glanced back. Nagkunwari akong nag-aayos mula at hinintay na iiwas niyang muli ang tingin sa akin. Nang umiwas na siya ng tingin ay tila ba nakahinga ako ng maluwag at walang nagawa kundi bumuga ng hangin.

Nang binuksan ni Silver ang pinto ay bigla namang itong bumukas ng malakas kaya nawalan ito ng balanse. Pumasok ang lalaking hindi naman inaasahang darating ngayon, ang kapatid ni Silver na si Bronze at kasabi nito ang kaibigang si Giroux. "I already opened the gate, dalian niyong kumilos." Seryosong wiko nito at binuksan pa lalo ang pinto kaya muling natamaan si Silver.

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon