Chapter 17: Pissed off

1.8K 118 262
                                    

Multimedia: Sapphire and Silver

Content warning: Mention of death. Mature theme.

⪼ D A N N A H

Dinilat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang mataas na kisame. Sinubukan kong pakiramdam ang sarili ko at nang makaramdam ako ng sakit sa bandang sikmura ay doon ko nakumpirma na buhay pa ako. Idiniin ko pa lalo ang ulo ko sa unan at bumuntong-hininga. 

Akala ko mamamatay na ako. Akala ko patay na ako ngayon. Akala ko tutuluyan na ako ni Risei.

Kinapa ko ang tiyan ko at nang makaramdam ng kakaibang materyal na nakabalot roon ay bahagya kong inangat ang aking damit. May bandage na nakabalot sa aking tiyan. Sino ang gumamot sa akin?

Nilibot ko pa ang paningin at napagtanto kong lumipas na pala ang gabi. Tirik na ang araw sa labas. Kitang-kita ko iyon kahit pa natatakpan ng manipis na kurtina ang mga bintana. Kanino bang kwarto ito? Sino ang nagdala sa akin rito?

I heard a knock and I glanced at the door. Gusto kong sabihing pumasok na siya ngunit pati sa pagsasalita ay wala na rin akong lakas. Maya-maya lang ay bumukas na ang pinto, sa hindi malamang dahilan ay umakto akong natutulog. Ang pamilyar niyang yabag ay ang dahilan kung bakit mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking kumot. I kept on clutching the blanket tightly with every step he take.

"I know you're awake." Seryosong wika ni Blake at huminto sa gilid ng kama kaya nagkaroon ng anino sa aking mukha. "Dannah..." Lumambot ang boses niya kaya naman unti-unti ko ng dinilat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang kalmadong mukha ni Blake na nababahiran ng pag-aalala. He took a deep breath, opened his mouth but closing it again immediately. 

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya at ang una kong ginawa ay tinitigan siya. Magulo ang itim nitong buhok pero hindi naman masagwa tingnan. Mukha rin itong walang tulog. At kahit hindi niya sabihin, alam kong wala siya sa mood. 

"Masakit pa rin." Napatingin siya sa tyan ko ngunit agad niya ring ibinalik ang tingin niya sa aking mga mata.

"Tatawagin ko lang si Dr. Nio, sigurado akong magagawan niya ng paraan ang pagsakit ng sugat mo na 'yan." Aalis na sana dapat siya pero muli akong nagsalita. 

"Hindi naman do'n ang masakit." Napatigil siya sa paglalakad. Huminga ako ng malalim at lumunok. Nangingilid ang mga luha ko. Ang bigat sa pakiramdam.

"Saan?" Tanong niya nang harapin niya akong muli.

"Dito." Tumulo ang mga luhang pinipigilan ko habang hawak hawak ko ng mahigpit ang dibdib ko. Ang bigat sa puso ng mga nangyayari. Hindi ko na kaya. 

Sana tinuluyan na lang ako ni Risei. 

Sana namatay na lang ako. 

Wala rin naman akong ginawang tama sa mundong 'to.



⪼ S A P P H I R E

"Good afternoon po. Have you seen Silver?" Tanong ko kay Dr. Nio na kasalukuyang naghihiwa ng mga gulay. 

Siya ang tumulong kila Hadley pero dahil tinuro kami ni Hadley ay maging kami nila Risei ay nadamay sa tulong na iyon. Nandito kami ngayon sa bahay niya rito sa Del Fuego. Nagulat pa ako nang malamang dito lang siya namalagi magmula pa noong nagsimula ang pagkalat ng mga Narcotics. Kaninang madaling araw lang raw siya lumabas at hindi ko na alam kung bakit.

"Boyfriend mo?" I blushed and nodded. My God. I feel like a high school girl right now, iyon bang mga kinikilig sa crush nila tuwing iyon ang usapan.

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon