⪼ D A N N A H
Denver tapped his finger impatiently habang naghihintay ng milagro. Dahil nasa tabi ko lang siya, madali kong nakita kung paano niya itago ang pag-aalala sa likod ng blankong mga mata.
Since I talk less, I tend to observe more. Madali ako makahalata ng mga bagay-bagay at mabilis rin akong makiramdam. Titigan ko lang sila sa mata, alam ko na ang nararamdaman nila. Hindi naman kasi nagsisinungaling ang mga mata.
"Naiinip na ako." I heard Blake.
"Sino bang hindi?" Then Denver.
Napatingin ako sa arm rest ng upuan ko, may parte roon na nagdidikta ng heart beat ko at kung ano-ano pa. Natatakot akong gumalaw kahit bahagya dahil baka bigla na lang akong makuryente sa dami ng aparato.
Sana bumalik na ang dati. Pagod na pagod na ako.
Dati. Ang salitang ang sakit pakinggan.
Hindi ba ang sakit pakinggan kung ang bagay na nakasanayan mo ay parte na lang ng nakaraan?
Dati, magkakasundo pa kami.
Dati, nagtatawanan pa kami.
Dati, nagagawa pang magbiruan kahit maraming problema.
Kaso ngayon hindi na. Hindi namin magawang magkasundo, magtawanan at magbiruan dahil sa nangyari. Naging kalaban namin ang isa't isa. Kinalaban ko sila, sinira ko sila.
Ayaw kong ibigay kay Hadley lahat ng sisi dahil sa katunayan may kasalanan rin ako. Kung hindi ako naging tanga, kung hindi ako naging mahina, hindi ako maloloko ni Hadley at hindi mangyayari ang lahat ng nangyari.
Akala ko ba keen observer ka, Dannah? Bakit naloko ka?
"Anong iniiling-iling mo diyan?" Tanong ni Newt mula sa kabilang gilid ko. I looked at him and fake a smile. Of course, I won't tell him what's on my mind.
"Maiihi na ako, paano gagawin?" Biglang tanong ni Blake kaya napalingon kami ni Newt sa kaniya at maging ang iba.
"Umihi ka diyan." And of course, Risei is being a savage kahit pa boyfriend niya na ang kausap niya.
"Break na tayo." Blake sulked. I scoffed. Minsan talaga parang bata 'tong si Blake kay Risei pero minsan ay lalaking-lalaki siya. An ideal boyfriend kumbaga. Hindi nakapagtatakang maraming nagkakagusto sa kaniya. Siya kasi yung tipo ng taong maloko pero kayang magseryoso.
"I'm just kidding, love." Biglang bawi ni Risei. Lumapad ang ngiti ko sa labi ngunit agad iyong nawala nang may mapagtanto.
"Love?" I blurted out and with that, nagsunod-sunod na ang mga side comments. Ito ang hindi mawawala sa amin, ang mga side comments na punong-puno ng panglalait at pang-aasar. Okay sana kung walang pikon sa amin. Kaso maraming may issue sa anger management.
"Love pa more!" Tumawa si Newt.
"Love love pang nalalaman, maghihiwalay rin kayo." Sabi ni Shaiala kaya sinamaan siya ng tingin ni Blake at natahimik ang katabi kong si Denver. Napansin kong hindi pala sila nag-uusap ni Shai. What's wrong? Wala na ba sila or may problema lang? Wala na akong balita.
"Sama mo ha?"
"Anong love? Love-babo?" Ford joked and laughed like there's no freaking tomorrow. Hindi ko agad nakuha ang pinararating niya pero nang mag-process sa utak ko ay natawa rin ako.
"Mukha mo lababo." Inis na wika ni Blake pero hindi gaanong rinig dahil nangingibabaw ang tawa ng lahat.
"Hoy! Kahit tang ina kayong lahat, thankful ako na nakilala ko kayo." Natahimik ang lahat nang magseryoso si Ford.
BINABASA MO ANG
Infernio Academy 2: Hell To Pay
Mystery / ThrillerUpon coming back to Del Fuego, they found out everything has gotten worse. In a short span of time, the townspeople turned into aggressive creatures and it's all because of Infernio Academy, the institution that deceived them all.