Multimedia: Hadley and Newt
Featured song: Lauv - Never Not
⪼ H A D L E Y
"Hadley, sahog 'yan para sa carbonara, huwag mong papakin." Sinamaan ako ng tingin ni Blake kaya napatigil ako sa pagkuha ng bacon sa plato. Napanguso na lang ako at pinunasan ng tissue ang aking daliri.
"Nagugutom na kasi ako 'no."
"Kailan ba hindi?" Tiningnan niya ako habang naghihiwa ng mushrooms at ngumisi pa. Inirapan ko na lang siya. Kainis ang lalaking 'to.
"Hi." Bati sa amin ng bagong gising na si Risei. Yabang nito, patulog-tulog na lang tuwing hapon, akala naman niya ay tatangkad pa siya. Joke.
"Kamusta tulog mo?" Tanong ni Blake. Kinusot-kusot ni Risei ang kaniyang mga mata, nakasabog pa ang kaniyang buhok. Dumikit ito kay Blake at sinubsob ang mukha sa balikat nito. Napangiti si Blake nang yumakap sa kaniya si Risei na para bang isang batang naglalambing.
Napairap na lang ako. Sarap katukan ni Blake, pati itong si Risei!
"What do you want?" Binitiwan ni Blake ang kutsilyo at niyakap ang ulo ni Risei. Hinalikan niya pa ang buhok nito kaya muli akong napangiwi.
"Nothing. Just wanna hug you." Sagot ni Risei. Napailing na lang ako at dumukdok sa counter.
"My God! Pahingi ng love life!" I whined. Inikot-ikot ko pa ang stool na inuupuan ko kaya muntik na akong mahulog. Napasigaw ako kaya napabitaw ang dalawang magkayakap sa aking harapan.
"Anong nangyari sa 'yo?" Natatawang tanong ni Blake kaya muli ko siyang sinamaan ng tingin. Obvious namang alam niya, nagtatanong pa. Kainis talaga!
"Mamaya ka na gumanyan, nagluluto pa ako." Sabi ni Blake nang muling yumakap sa kaniya si Risei. Nang makawala si Blake, pupunta na sana siya sa ref para kumuha kung ano pero...
"Where are you going?" Risei whined and pulled Blake into a hug again. I'm cringing so bad. Kailan pa naging ganito si Risei?
Habang umay na umay ako sa dalawang nasa harapan ko, bigla na lang may sumigaw mula sa taas at para bang nagkakatuwaan pa sila nung kasama niya.
"Silver!"
"What?"
"Stop!"
"Aw, my baby is scared?"
Napatingin ako sa kisame at pinakinggan ang dalawa pang love birds. Ang hirap ng walang love life tapos napapalibutan ka ng mga love birds. Respeto naman 'di ba? Bida bida kayo masyado.
"Try me again!" Sigaw ni Quinn na para bang nagbabanta. Narinig ko ang halakhak ni Silver matapos no'n.
Hays. E 'di kayo na masaya.
Char. Masaya rin ako 'no! Love na love kaya ako ng sarili ko!
"Ang sweet na nila sa isa't isa 'no?" Tanong ni Risei kay Blake.
"Oo, parang tayo."
"Dapat na ba akong kiligin, Mr. Winter?"
"Opo, Mrs. Winter."
"Hay nako!" Sigaw ko sabay gulo ng aking buhok ngunit napatigil na naman akong muli nang marinig kong parang umuuga ang kama sa itaas. Sabay-sabay kaming napatingin doon nila Risei at pare-parehas pa kaming napanganga.
Dr. Nio owns this gorgeous mansion and yet he can't afford beds that don't squeak.
"Ayaw ko na!" Tinakpan ko ang tenga ko at tumayo mula sa stool. "Wala ka bang ipapabili, Blake? Gusto ko kayong layasan, mga leche!"
BINABASA MO ANG
Infernio Academy 2: Hell To Pay
Mystery / ThrillerUpon coming back to Del Fuego, they found out everything has gotten worse. In a short span of time, the townspeople turned into aggressive creatures and it's all because of Infernio Academy, the institution that deceived them all.