Chapter 9: More than you think

1.6K 117 156
                                    

Chapter theme: Ella Vos - Down In Flames

⪼ S A P P H I R E

Nananatiling nakatutok ang baril ko sa ulo ni Dannah. Hindi ko inaasahang ganito ang maaabutan ko pagbalik ko rito sa Del Fuego. Hindi ko inaakalang magiging ganito si Dannah.

Is she drugged?

"Hey, welcome back." Unti-unting umaangat ang isang sulok ng labi ni Dannah hanggang sa tuluyan na siyang tumawa na animo'y nababaliw.

Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon, nakatitig lang ako sa kaniya habang hinihintay na gumawa siya ng galaw na maaaring maging katapusan ng buhay niya.

"Bakit ka pa bumalik, Sapphire? Para ipahamak kami ulit?" Nanlilisik ang mga mata niya. Humigpit ang hawak ko sa baril dahil sa kaniyang sinabi. I came back to fix everything, to fix each other, to spill the truth...hindi ako bumalik para palakihin ang gulong sa akin pala nagsimula. 

"O baka bumalik ka para tingnan kung paano kami magsuffer ngayon? Look at your artwork, Sapphire Quinn." Tinuro niya ang paligid namin na para bang gusto niyang isampal sa akin ang katotohanan. "It's hella bloody." Binalik sa akin ni Dannah ang tinigin niya at ngayon ko lang napansin na namumula ang kaniyang mga mata, para siyang maiiyak sa galit.

"Masaya ka ba?" Mahinang tanong niya at napansin ko ang unti-unti niyang pagdukot ng kutsilyo mula sa kaniyang bulsa. 

"What if I say yes, are you going to kill me?" I asked.

Inangat niya ang kutsilyo kaya inangat ko rin ang hawak kong baril. Nakipagsukatan ako ng tingin.

Kahit saang anggulo tingnan, mas lamang pa rin ako ngayon. Bullets are way faster, it could end her life in just a few seconds pero hindi pa rin siya umaatras sa laban. Saan siya humuhugot ng tapang?

"So masaya ka nga, Sapphire?" Tumulo ang luha mula sa kaniyang mga mata kaya nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.

Para kila Blake at Risei na hindi maintindihan ang nangyayari, isa lang iyong luha ng pagkainis sa akin pero para sa akin, hindi lang gano'n. Her tears screams, sadness, tiredness, anger—samu't saring emosyon na iisa lang ang puno't dulo—ako

"Hindi." I answered honestly. 

"Good. You don't deserve to be happy, Sapphire Quinn." Isang bahagyang paggalaw niya lang sa kamay niyang nakahawak sa kutsilyo ay alam ko na agad na sa akin ang diretsyo no'n kaya bago pa man niya maibato sa akin ang patalim ay tinutok ko roon ang baril ko at mabilis na nagpakawala ng bala. Gulat na gulat si Dannah nang tumalsik ang kutsilyo niya sa damuhan.

"Shit, Sapphire." Napatingin ako kay Blake nang magmura ito. The next thing I knew, hila-hila na ako ni Risei paloob sa main building at gano'n rin si Blake kay Dannah. Kasabay rin namin sa pagtakbo sila Newt, Hadley, Denver at Ford habang ang mga nilalang na gustong pumatay sa amin ay nakasunod sa amin. Ang ibang estudyante ng Academy ay nagkaniya-kaniyang lihis na ng daan para masalba ang mga sariling buhay, may mga nakasunod rin sa kanila pero hindi kasing dami ng mga humahabol sa amin ngayon.

Lingon ako nang lingon dahil hindi ko makita ang taong gustong-gusto ko makita sa mga oras na 'to.

Where is he? Is he safe?

"Dito! Bilis!" Sumenyas si Risei kila Denver at pinagpipindot ang button ng elevator. Is she dumb? Wala kaming panahon para hintaying bumukas ang elevator 'no—uh nevermind, it's already open but—

"Fucking narcos!" Bulalas ni Risei nang dambahan kami ng dalawang babae mula sa loob ng elevator, napabitaw kami sa kamay ng isa't isa at kapwa napahiga sa sahig.

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon