Chapter 8: The Apocalypse

1.9K 133 123
                                    

Trigger warning: Gore

⪼ R I S E I

Napahawak si Shaiala sa aking kamay kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya at mistulang ako ay nahawa. "Bakit ayaw mong sabihin sa akin kung anong sinabi sa'yo ni Mr. President?" Tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot, hinigpitan niya lang ang pagkakahawak sa aking kamay. She's shaking and I even don't know why. Maybe because Mr. President threatened her.

"Hindi ka natatakot?" Tanong niya sa akin at huminto sa paglalakad rito sa madilim na hallway, gabi na ngayon pero ang ibang ilaw ay hindi pa rin binubuksan. Nakakadagdag kilabot pa ang walang hanggang katahimikan. Siguro kung bago sa akin ang lugar na 'to ay baka kanina pa ako nanginginig sa takot.

"Saan ako matatakot?" Tanong ko pabalik sa kaniya.

"Ang sabi mo pumayag siyang manatili tayo rito pero maaaring malagutan ng hininga anumang oras." Her voice started to shake. "Risei, magmula noong pumasok ako rito hindi na naalis ang paa ko sa hukay!" Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at kinalog ako ng bahagya. Naramdaman ko ang pagbaon ng kaniyang kuko sa aking balat kaya napangiwi ako at naitulak siya.

"So what are you going to do? Aatras ka?" I faked a laugh. "You're part of this, Shaiala. Death will chase you no matter where you at." And that hit her, natigilan siya at napaiwas ng tingin sa akin.

Totoo naman kasi, parte kaming lahat ng kung ano mang gulo na 'to kaya wala kaming magagawa kundi makipaglaro hanggang sa mahanap namin ang katotohanan na maaari naming gamitin laban sa kaniya.

At hindi ako aatras, hindi ako aalis sa lugar na ito ng hindi iyon nalalaman.

"We have to do something." Tumingin-tingin siya sa paligid na animo'y doon makakahanap ng paraan at ng kasagutan. Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya. Is she crazy? Oh God, Mr. President what did you do to her para magkaganito siya?

"Calm down!" Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nasigawan ko na lang siya. I don't know how to comfort people and how to make them feel better. 

"Risei, hindi mo kasi naiintindihan." Naiinis na wika niya. Alam kong may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya lang magawang sabihin. Kung death threat ang natanggap ko, ano kaya ang kaniya? May lalala pa ba sa natanggap ko or what?

"Help me understand your situation then." Napairap na ako.

"Basta, gusto ko nang umalis rito."

***

"Tahimik mo." Puna sa akin ni Blake habang nginunguya ang pagkain. Napatingin rin sa gawi namin sila Newt at Denver habang si Silver ay tahimik lang na kumakain kagaya ko.

"Hindi ko kailangang mag-ingay habang kumakain." Seryosong wika ko. Pasubo na sana ako nang bigla kong mapagtanto ang aking sinabi. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Bakit ba hindi ko makontrol ang pagiging masungit ko? 

"Hindi sa gano'n." Sumeryoso na rin ang tono ni Blake. Pinili ko na lang na huwag sumagot dahil baka lalo lang kaming magkainitan.

Natahimik muli kaming lahat, ang tanging maririnig na lang sa paligid ay ang mga kubyertos na tumatama sa mga pinggan.

"Normal ba lahat ng nakakasalamuha natin?" Rinig kong tanong ni Newt.

Iyon rin ang tanong ko magmula noong makita ko sila. Pero mukha namang hindi na sila katulad nung dati dahil normal na ang mga kilos nila, hindi na iisa ang galaw kundi kaniya-kaniya, parang normal na tao. Pero ewan ko ba...kahit gano'n alam kong may mali pa rin sa paligid na 'to. Para bang napakaraming sikretong nakatago. At katulad ng pinanghahawakan ko, hindi ako aalis rito hangga't hindi iyon nalalaman.

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon