Multimedia: Newt and Hadley
Chapter theme: Katy Perry - Wide Awake
⪼ H A D L E Y
As I lay under the night of thousand stars while feeling the cold night breeze touching my skin, I realized that your relationship with other people can change who you are. We are profoundly affected by those we love or who we treasure, responding unconsciously to their influence and becoming different people over time.
Numbness. I couldn't feel anything aside from this numbness; emptiness.
Dalawang araw na ang nakalilipas matapos ang nangyaring sakitan at sagutan sa pagitan namin ni Dannah pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang lahat. Awang-awa ako sa sarili ko and at the same time naiinis rin.
Bakit ba ganito? Bakit ba sa tuwing gusto ko maging masaya ay bigla na lang may kokontra? Why do I feel like I don't deserve to be happy?
Dalawang araw na akong hindi masyadong bumabangon sa kama. Ngayon na lang ulit. Wala akong gana sa lahat, nanlulumo pa rin ako dahil sa nangyari.
Napabuntong-hininga ako at ginawang unan ang aking kanang braso. Pakiramdam ko ay pinulbos ako ni Dannah matapos ng sagutan namin, sobrang nasaktan ako sa mga sinabi niya kasi nga totoo. Totoong nanghiram lang ako, totoong pinahiram lang naman sa akin si Newt.
Ang tanong...handa ba akong ibalik si Newt sa totoong may-ari nito katulad ng ginawa ni Ford kay Dannah? Am I ready to let him go, to set him free?
"Hadley." Someone called me. His voice...his voice never fails to make my heart skip a beat.
Newt Harrison, how could I let you go?
"Hey." Walang ganang bati ko pabalik. Hindi ko siya tiningnan pero alam kong naupo siya sa tabi ko.
"Bakit hindi ka lumalabas sa kwarto noong nakaraan? May sakit ka ba?" He was about to check my temperature but I pushed his hand away.
"I'm okay." I am not.
"Sure?"
"Yes." No.
"Okay, sabi mo 'yan." He smiled at me.
A fake smile crossed my lips, "Yeah." I said awkwardly. I'm not okay, I'm definitely not. I am broken and I need you to glue this shattered glasses again.
"Ano ka ba naman, babs? Sungit mo." Now he's talking like everything's fine. Wala lang ba sa kaniya ang nangyari two days ago? Wala lang ba sa kaniya ang posibilidad na baka mahal pa pala siya ni Dannah? Wala lang ba sa kaniya ang lahat o sadyang pinipilit niya lang itago ang pagiging apektado niya gamit ang isang pekeng ngiti?
"Don't wanna." Sagot ko. Ang dami kong gustong sabihin pero mas pinili ko na lang na tumahimik. Isa pa, hindi naman ako kasing tapang nila Sapphire at Risei na agad nasasabi ang mga nararamdaman nila kaya hindi ko rin alam kung paano sasabihin kay Newt na hindi naman talaga ako okay.
"Hadley, are you sure you're okay?" He sounded concern. Nakaramdam ako ng pagkainis. Hindi niya ba nakikita? Hindi ba siya marunong makiramdam?
"Do I look like I'm okay?" Pananarkastiko ko sa kaniya. Ayaw ko sanang sabihin iyon pero hindi ko na napigilan.
"Kaya nga nagtatanong ako." Naiinis na sabi niya. Ito na naman kami...
"Matuto ka namang makiramdam." Bigla na lamang nagtubig ang mga mata ko at para bang isang tulak na lang sa akin ay maiiyak na ako.
"Bakit ba kasi hindi mo na lang sabihin?" I looked at him, and I thought, 'If I was very brave or very honest, I would tell him.' He clicked his tongue and combed his brown hair due to frustration. Sa isang iglap bigla akong nawalan ng sasabihin. Bakit nga ba hindi ko na lang sabihin? Bakit kailangan ko pang magsinungaling?
"Because I don't know how."
"It's just between yes or no. Mahirap ba 'yon?"
"Hindi mo kasi maintindihan." As the wind blew hard I started to cry, wala na akong pakialam kahit pa makita ako ni Newt na umiiyak basta gusto ko itong mailabas. Ang hirap na, nahihirapan na ako. Lagi na lang kaming ganito. Hindi magkakaintindihan, mag-aaway, magbabati, syempre nakakapagod na rin. Matagal na akong nahihirapan sa ganitong sitwasyon pero hindi ko lang siya magawang bitiwan kasi hindi maitatangging naging parte na rin siya ng buhay ko.
"I caught a star last night." I blurted out. "It traveled inside my brain, my heart, my veins―it became a part of me..." Muli kong pinunasan ang mga luha ko at sinubukan siyang tingnan. His brown eyes were giving me a stare that was freezing my bones. Ang lapit lapit niya sa akin ngayon pero pakiramdam ko ang layo layo niya. Para bang may pader na nakaharang sa aming dalawa.
"Then I suddenly realized that I have to return it to the sky tonight." Hindi ko alam kung paano at bakit ko nasabi ang huling linya. Maybe because I'm tired, maybe because I'm suffocating and I wanted to breathe again...
"If we insist on staying longer than the necessary time, we lose the happiness." Pinakinggan ko lang siya habang tahimik na umiiyak. "May mga bagay na dapat nating bitiwan pagdating ng panahon, at kailangan nating tanggapin 'yon." I nodded a few times and wiped off my tears. Nanatili akong tahimik at gano'n rin siya. It was definitely an awkward silence, it was heavy and I feel like I'm drowning. Please, pull me up.
"Kung sa tingin mong kailangan mo na ngang ibalik ang sinasabi mong bituin, ibalik mo na. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo." I wanted to say that I'm talking about him, the star that I'm talking about is him but I feel like he already knew. Alam niyang siyang iyon kaya masakit para sa akin na marinig mula sa kaniya na dapat ko na iyong bitiwan at ibalik muli sa kalangitan.
"Alam kong napapagod ka na sa set up natin kaya nandito ako para kausapin ka tungkol do'n."
Please...no...hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya.
"At alam ko ring hindi mo pa kaya pero Hadley..." Isang luha muli ang pumatak sa aking mata na nasundan ulit ng isa pa. "Kailan mo kakayanin?" Hindi ko rin alam. Hindi ko rin alam kung kailan, Newt.
"Hadley, I'm letting you go." I feel like I'm broke into thousand pieces, shattered really. Kakaibang sakit ang naramdaman ko, panibago ito para sa akin. Siguro dahil ngayon lang naman ako ng nagmahal ng sobra kaya nasaktan rin ako ng sobra. My heart struggled to keep a steady beat, it was aching, breaking.
"Let go of me too. Let go of the strings before it strangles you." Hindi ko alam ang isasagot ko. Parang noong nakaraan lang ang saya naming dalawa pero bigla na lang naging ganito ang lahat. I feel like I'm falling from cloud nine and crashing to the concrete ground.
"Hadley, we gotta do this."
"But I can't!" Tumayo ako mula sa pagkakahiga at tiningnan siya. "Mahirap bumitaw, Newt. Kung para sa 'yo madaling 'yon pwes para sa akin hindi. Nahihirapan ako, Newt. Hindi ko kaya―"
"Mahal ko si Dannah!" Natigil ako sa pagsigaw nang isigaw niya ang mga katagang iyon. Tila mas lalo pa akong nabasag. Bakit naman ganito? Hindi naman 'yon totoo 'di ba? Hindi niya mahal si Dannah, nagbibiro lang siya.
"It's a joke, right?" I fake a smile and tried to convince myself that it was a big joke of him.
"Did I stutter? Do I look like I'm kidding?" Tanong niya pabalik kaya nawala ang ngiti sa aking labi. Muli akong naiyak pero sa pagkakataong ito hindi ko na itinago ang mukha ko o umiwas ng tingin. Hinayaan ko lang umagos ang luha ko habang nakikipagtitigan sa kaniya.
"Okay." I said softly. Tumayo ako at sinundan niya naman ako ng tingin. "I'm letting you go too."
Kahit mahirap sabihin ang mga salitang iyon, binitiwan ko pa rin.
Kahit mahirap tumalikod, ginawa ko.
Kahit mahirap humakbang papalayo, naglakad pa rin ako.
I have to accept the fact that sometimes we have to let go of what's killing us even if it's killing us to let go...
_
BINABASA MO ANG
Infernio Academy 2: Hell To Pay
Misteri / ThrillerUpon coming back to Del Fuego, they found out everything has gotten worse. In a short span of time, the townspeople turned into aggressive creatures and it's all because of Infernio Academy, the institution that deceived them all.