Chapter 10: Downfall

1.6K 109 78
                                    

Chapter theme: Post Malone - I Fall Apart

⪼ S A P P H I R E

Kitang-kita ko kung paano mamula ang mukha ni Dannah dulot ng pagkakasakal ko sa kaniya pero hindi ko pa rin siya binibitiwan. Ilang beses na niyang hinahampas ang kamay ko pero nakatitig lang ako sa kaniya gamit ang nanlilisik kong mga mata. "T-Tama n-na." Umubo siya ulit matapos niya iyong sabihin.

"You don't know what I feel." Para bang hangin lang ang lumabas sa bibig ko nang sabihin ko iyon. The demon inside me banished as the salty drop of anger called tear fell from my eye. Binitiwan ko si Dannah at napaupo siya agad sa sahig habang hawak ang namumula niyang leeg. 

Ni isa ay walang nagtangkang magsalita o tawagin ako nang maglakad ako palabas ng kwarto. Pinunasan ko ang luha ko ngunit tila ba isang gripo ang bumukas sa aking mata kaya nagsunod-sunod na ang tulo ng mga luha ko. Once again my emotions turn jagged and my insides tight.

Bakit naging ganito kasakit?

Napahawak na lang ako sa railings ng hagdan at napatakip sa aking bibig. My eyes were burning and my chest felt heavy as if it were filled with lead. I could no longer see clearly because of my tears. Sinikap kong huwag makagawa ng ingay habang umiiyak pero hindi ko mapigilang hindi humagulgol. Unti-unti akong napaupo sa sahig ngunit nananatili pa ring nakakapit ang kamay ko sa railings.

Nanaig ang ingay ng aking pag-iyak sa tahimik na lugar na ito. Brick by brick, my walls came tumbling down. My chest felt heavy and my hands are shaking. Iyak lang ako nang iyak, wala akong pakialam kung may makarinig o makakakita sa akin basta kailangan ko 'tong ilabas, wala na akong pakialam sa sasabihin at iisipin ng ibang tao.

Nakaramdam akong presensya sa harap ko, tila ba may umupo sa isa sa mga baitang ng hagdan. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Silver na nakatingin sa akin. Hindi ako nagsalita, wala akong sinabi at gano'n rin siya. Pinunasan ko ang basa kong mukha at nag-iwas ng tingin. Lalo lang bumigat ang loob ko nang makita ko siya, tila ba sinampal sa akin ang posibilidad na tama nga si Dannah...na wala nga akong kwenta.

"That emotional pain, it's fatal. Release it." I know and that's what I'm doing right now. Pero bakit gano'n, ilang minuto na akong umiiyak pero ang bigat bigat pa rin? Akala ko ba nakakagaan ng loob ang pag-iyak? "I'll listen." Wika pa ni Silver kaya napatingin na ako sa kaniya.

I try to find the courage to speak. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula at kung saan ako magsisimula. Ilang minuto rin akong hinintay ni Silver na magsalita, nakatingin lang siya sa akin. Kung dati ay nahihiya akong umiyak sa harap niya pero ngayon ay parang wala na sa akin. Ilang beses na 'tong nangyari dati, tuwing nanghihina ako, tuwing kailangan ko ng masasandalan si Silver ang laging nandiyan para sa akin. When the world is crashing in on me, he always picks me up. 

"My parents died in a plane crash." Nabigla siya nang sabihin ko iyon. Nagsimula na namang tumulo ang aking luha na agad ko ring pinunasan. "Noong papunta kami sa Canada, sinabi ng piloto na nagkakaproblema raw ang engine ng eroplanong sinasakyan namin. Natakot ako dahil bukod sa karagatan ang babagsakan namin ay kasama ko pa ang mga magulang ko. My mother held my hand tried to comfort me with soothing words pero bigla na lamang nagpagewang-gewang ang eroplano. And the next thing I knew? I was already in a hospital. Tinanong ko ang mga doktor kung nasaan ang mga magulang ko at sabi nila..." Tila ba kinapos ako ng hininga. I gasped for air and bit my tongue to stop myself from crying. "Ang sabi nila, wala na raw ang mga magulang ko." Tuluyan na akong napaiyak muli.

Bumaba si Silver sa hagdan at naupo sa aking harap upang yakapin ako.

"Ang sakit." I said between my sobs. Binaon ko ang mukha ko sa dibdib ni Silver at doon umiyak nang umiyak.

"Sorry kung umalis ako ng walang paalam. Sorry kung nang-iwan na lang ako basta basta. Mahal ko ang mga magulang ko kaya hindi ako makatanggi, ang hirap para sa akin kasi mahalaga rin naman kayo. Sorry, Silver. Sorry kung naging walang kwentang kaibigan ako. Sorry kung naging makasarili ako."

Hindi ko alam kung bakit hindi na maalis sa utak ko ang sinabi ni Dannah, tila ba tumatak na sa akin ang mga salitang binitiwan niya. Maybe because it's true, she's right.

I am the worst.

"Don't say that." Humiwalay sa akin si Silver at siya na ang nagpunas ng luha ko. "Kung wala kang kwentang kaibigan, hindi ka magdadalawang isip na iwanan kami pero nandito ka ngayon, bumalik ka, binalikan mo kami. You care for the people around you without even knowing. Hindi mo alam 'yon pero ako alam na alam ko, nakikita ko kung gaano kami kahalaga sa mga mata mo." Napatulala na lang ako sa mga sinasabi niya. Ang hirap paniwalaan na sa akin niya sinabi ang mga salitang iyon.

He wiped my tears once again and flashed a comforting smile. "You're the best person I've ever met, Sapphire."

⪼ D A N N A H

"Bakit ba sinundan mo pa ako?" Tanong ko kay Ford. Patungo ako sa girls' dorm ngayon upang magpahinga at matulog na pero mukhang guguluhin pa yata ako ni Ford bago ko 'yon magawa.

"Kailangan nating mag-usap." Seryosong tugon niya. Napahawak ako sa leeg ko na hanggang ngayon ay masakit pa rin. 

"News flash, wala tayong dapat na pag-usapan." Wika ko. Nagulat na lang ako nang higitin ni Ford ang braso ko at sapilitan akong hinarap sa kaniya. Muntik pa akong mawalan ng balanse dahil sa bilis ng pangyayari ngunit mabuti na lang at hawak niya ako kaya hindi ako tuluyang natumba.

"Kung ayaw mo na talaga, sabihin mo lang. Huwag mo akong pahirapan ng ganito." Nang titigan ko ang mga mata niya ay para bang isang hindi mawaring pakiramdam ang naramdaman ko. Suddenly, my mouth is too dry to speak. Nawalan rin ako bigla ng sasabihin sa kaniya. 

"Kung ayaw mo na talaga, ako na mismo ang tatapos. Ako naman ang nagsimula ng kalokohan na 'to." Isang kirot sa dibdib ang aking naramdaman.

Kalokohan? So kalokohan lang pala ang lahat para sa kaniya? Ako ang dapat na manakit at magtulak sa kaniya palayo pero bakit nababaliktad ang sitwasyon? Bakit parang wala lang sa kaniya ang lahat habang ako ay unti-unti ng napupunit.

"Kalokohan?" I scoffed and tried to compose myself. "Kalokohan lang ba ang lahat ng pinagsamahan natin?" Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ba't sinabi ko kay Thalia na hindi ko naman minahal si Ford?

O sadyang iyon lang ang pilit na tinatatak ko sa isip ko?

"Dannah, gusto lang na kitang ibalik kay Newt. Huwag mo na akong hilahin pabalik kasi alam ko namang itutulak mo rin ako ulit palayo." Ford is staring at me like I'm a stranger, yet worse. His eyes are cold like I've never seen. I can see my pain mirrored in his dark eyes.

Bakit ako nasasaktan? Hindi ba't ito naman ang gusto ko?

"Nanghiram lang ako, Dannah. Nanghiram lang din ako." Mahinang wika niya.

Mas lalong bumilis ang pagtulo ng mga luha ko nang sabihin niya iyon.Ang sakit. Ang sakit sakit. Bakit ganito? Hindi ko dapat 'to nararamdaman.

"Ford..." 

"Tapusin na natin 'to. Iyon naman ang gusto mo 'di ba?" Ngumiti siya ng mapait kasabay ng panginginig ng kaniyang mga mata. Habang nakatitig ako sa kaniya, hindi ko mapigilang hindi maisip ang masaya naming nakaraan. Noong araw na sinagot ko siya, noong mga panahong nagtatawanan kami, nag-aasaran, naglalambingan, yung mga panahon bang puro saya lang. I never seen this coming, hindi ko inakalang mapapalitan rin agad ng lungkot ang lahat ng sayang nararamdaman ng isang tao.

He walked towards me and slowly wrapped his arms around me, embracing me with warmth. There is something about his hug, something that making me stop from letting go. "Salamat pa rin." Nabasag ang boses niya na mas lalong nakapagpatindi ng iyak ko. Sinara ko ang magkabilang kamao ko habang pinipigilan ang sarili kong yakapin siya pabalik.

"Okay...salamat din." Bulong ko pabalik.

Kumalas siya sa pagkakayakap at mabilis na pinunasan ang tumulong luha. Hahawakan ko sana ang suot niyang jacket para hilahin siya pabalik pero umatras siya.

Tinalikuran na niya ako. Gusto ko siyang habulin, yakapin at sabihing huwag muna pero tila ba nadikit na ako sa kinatatayuan. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak habang tinitingnan ang papaliit niyang pigura.

"Sorry." Bulong ko at unti-unting napaupo sa sahig. 

_

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon