Chapter 39: Outrage

994 87 23
                                    

⪼ D A N N A H

I wore a horrified yet disguisted look. Hindi ko inaakalang ganito ang eksenang maabutan ko. At hindi ko inaakalang papatol si Ford sa isang katulad ni Thalia. 

Nakakagalit.

I smirked and clenched my jaw as I balled my fists. Naging visible sa maputla kong balat ang kulay berde kong mga ugat at ramdam ko ang pag-init ng aking mga mata. It feels so wrong pero pakiramdam ko ang lakas lakas ko sa mga oras na 'to.

"Oh, hi." Thalia faked a smile and cock and eyebrow while staring at me. "Dannah." Hindi ako nagpatalo at tinaasan ko rin siya ng kilay.

"Hi, bitch." Tumaas ang kilay ko nang banggitin ko ang pangalawang salita. Tila ba hindi ito makapaniwala kaya nawala ang naguumapaw niyang confidence. Napangisi ako.

"Kinakalaban mo na ako ngayon? Matapos kitang tulungan." She pouted and it makes me want to vomit. Lumapit ako sa kaniya pero bigla akong hinawakan ni Ford. Hindi ko muna siya pinansin dahil kumukulo na ang dugo ko sa babaeng 'to. Kung pagtulong ang tawag niya sa ginawa niya sa akin dati, then mali siguro ang pagkakaintindi niya sa salitang iyon.

"Uh, nevermind. Wala na rin akong pakialam sa 'yo. All I care about is this guy." Thalia pulled Ford's shirt and kissed him, half against his lips and half against his cheek.

Anger. Anger was eating me up from the inside, it was killing me.

"I like his kisses." Kinagat pa ni Thalia ang ibaba niyang labi kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis ko siyang sinugod pero sinangga niya agad ang una kong atake. I kicked her shin, causing her to stumble and fell.

"Bitch, you got some balls!" I snapped as I pull her hair. She screamed in pain kaya napahalakhak ako. Hindi ko alam kung bakit galit na galit ako sa mga oras na 'to. Ang bigat bigat ng loob ko.

"Dannah, stop!" Hinila ako ni Ford palayo pero itinulak ko siya palayo.

Nabaling ang atensyon ko kay Thalia nang siya naman ang tumawa ng malakas. "Bakit ka nagagalit ng ganiyan? Hindi ba't may Newt ka na?" Tumigil siya sa pagtawa at siya na ang kusang lumapit sa aking mukha.

Stop right there, Thalia.

"Sucking two at a time?" She asked. I didn't say anything, binitiwan ko lang ang buhok niya at sinampal siya ng pagkalakas-lakas. Hindi pa ako nakuntento, itinulak ko siya pasandal sa bintana ngunit hindi ko inaakalang mababasag iyon kaya naman nawalan siya ng balanse. Umalingawngaw sa buong pasilyo ang pagkabasag no'n at tila ba bumagal ang paligid nang makita ko ang pagkalaglag niya.

My breathing was heavy, untimed while staring at Thalia who was struggling to hold onto the window frame para hindi siya tuluyang malaglag.

"Dannah." Ford held my shoulder but I swung his hand away and gave him a slap. Hindi ko alam kung para saan iyon pero para bang nagkukusa na ang katawan ko na gumalaw. Para bang may nagdidikta na sa utak ko kung ano ang dapat kong gawin.

Nagpunta ako kay Thalia at akmang aapakan na ang kamay nitong sumusuporta sa kaniya pero may humawak na naman sa akin at sapilitan akong iniharap. Bigla akong umangat sa sahig dulot ng matinding pagkakasakal. Napaubo ako at naramdaman ko pa ang lalong paglitaw ng mga ugat ko.

"H-Hadley!" Sigaw ko ngunit masyado ng naiipit ang leeg ko kaya nabasag ang aking boses. Her red eyes raging with anger reflected on mine. May dugo sa gilid ng kaniyang labi na agad niyang dinilaan habang pinagmamasdan ako.

Idiniin ako ni Hadley sa bintana kaya napatingin ako sa aking gilid, kaunti na lang at malalaglag na ako pero wala akong maramdamang takot. Galit. Iyon lang ang nararamdaman ko ngayon. Isang matinding galit.

Magsasalita na sana siya ngunit bigla na lang siyang lumipad patungo sa dulo ng hallway. Nagpagulong-gulong ito matapos niyang mabatbat sa pader. Dumulas ang katawan ko sa paupo sa sahig dahil sa kakapusan ng hininga. Hinanap ng mga mata ko ang may gawa no'n kay Hadley at nakita ko si Ford na hawak hawak na ito sa kwelyo.

"Ano, Ford?! Sasaktan mo ako para sa babaeng 'yon?!" Hindi sumagot si Ford at muli niyang ibinato si Hadley sa pader. Napanganga ako dahil sa gulat pero sa loob loob ko ay natutuwa ako, tuwang-tuwa akong makita siyang nasasaktan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Ang alam ko lang, kapag may nakikita akong nasasaktan at kapag naibubuhos ko ang galit ko, natutuwa ako.

"Sinabi ko nang gagawin ko ang lahat para sa kaniya, naiintindihan mo?!" Sigaw ni Ford ngunit bigla siyang binigyan ni Hadley ng isang malakas na suntok sa panga. Hindi do'n natapos 'yon, umikot pa ito at nagpaulan ng ilang sipa na siyang naiilagan naman ni Ford. Both of their fists were never unclenching, veins popping on their temples.

I stood up and was about to join in but someone slammed me against the wall. It was Risei.

"Bitch, what?" I asked and I received nothing but a hard slap.

"Nothing. Natutuwa lang ako." 

I scoffed, tasting the metallic taste of blood. But the sting didn't bother me, she did. Her answer wasn't very specific pero alam ko ang nararamdaman niya at ang gusto niyang iparating.

"You're the bitchiest woman I've ever met, kaya siguro iniwan ka ng pinsan ko." Unti-unti ko siyang tinawanan hanggang sa mapahalakhak ako. Ngunit hindi ang pangalawa niyang sampal ang nagpatigil sa akin, nothing did.

"Truth hurts, Risei Yareli." I moved my face closer to hers and my breath ghosted to her milky skin.

"He loves me!" Parang batang sigaw niya na para bang ipinaglalaban ang gusto niyang laruan.

Pathetic.

"So wrong." I teased and she lunged, fist connecting with my jaw. A painful sound echoed and I fell to my knees. Susugod pa sana siya ngunit may pumigil sa kaniyang gawin iyon—and surprisingly...it was Blake.

He came back.

But, too late.



_

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon