Chapter 14: All new

1.7K 114 121
                                    

Multimedia: Blake and Risei

⪼ S A P P H I R E

I banged myself against the door and immediately locked it. I almost lose my balance because of the damn Narcos out there who kept on pushing through. Nagpupumilit silang pumasok rito sa loob ng boys' dormitory kung saan nandidito ang halos lahat ng mga estudyante. Ang mga matatapang nilang mukha ay ngayon nabahiran na rin ng takot. 

Dinaganan na rin ni Blake ang pinto. He looked upon the ceiling and tried to keep his breath steady. Tagaktak ang kaniyang pawis dahil nga isa siya sa mga nagligtas sa mga estudyanteng muntik ng malagay at nalagay na sa alanganin. May sugat pa siya kanang braso na hanggang ngayon ay patuloy pa ring dumudugo.

"You're bleeding." Tiningnan niya iyon pero hindi siya nakasagot sa aking tanong dahil patuloy pa rin siya sa paghabol ng kaniyang hininga. Muli na namang dinamba ng mga Narcos ang pinto kaya bahagya kaming nawalan ng balanse ni Blake.

"Kumuha kayo ng mga pangharang! Huwag kayong tumunganga!" Blake shouted, veins popping out. He's scary. Kind people are really frightening. 

Kung hindi pa sinabi iyon ni Blake ay hindi pa nila maiisipang kumilos. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa pinaghalo-halong emosyon na nadarama ko. Nagsimula na silang maghanap ng mga magagamit na pangharang kaya umalis na kami ni Blake mula sa pagkakasandal sa pinto. 

"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin. Pumunta kami sa sulok at hinayaang ang ibang estudyante naman ang gumawa ng aksyon. Nakapatay ang ilang ilaw kaya hindi ko gaanong makita ang mukha ni Blake lalo pa't madilim na rito sa kinalalagyan namin. 

"Still breathing." Bahagya akong tumawa. I almost died earlier, hindi ako makapaniwalang nagawa akong isahan ni Leah. I'm so going to rip her into pieces kapag nakita ko siya ulit.

"Good. Hinahanap ka pala ni Silver kanina." Nagpunas siya ng pawis ngunit ang dumudugo niyang braso ay hindi niya pinapansin. He looks unbothered about it.

"I'm with Hadley and Ford earlier. Where is he, by the way?" I asked and glanced at the crowd. 

Then there's him. Palinga-linga siya sa paligid na para bang may hinahanap. Tatawagin ko na sana siya ngunit saktong nagtama ang mga mata naming dalawa. He pushed the people out of his way and ran towards me. Dumistansya sa akin si Blake at maya-maya lang ay naramdaman ko na ang yakap sa akin ni Silver. 

"Gustong-gusto mo talaga akong pinag-aalala 'no?" Tanong niya matapos humiwalay sa pagkakayakap. He held my shoulders and stared at me eyes. Pinunasan niya ang pawis ko at muli na naman akong niyakap.

"Hanapin ko na nga ang girlfriend ko, lintek kayong dalawa." Blake walked away after that. Natawa na lang ako ng bahagya habang si Silver ay patuloy pa rin sa pag-aalala.

"Sorry kung wala ako sa tabi mo kanina. Sorry." My hand reached out for his back and patted it lightly. 

"It's okay, baby." Bulong ko at niyakap siya pabalik pagkatapos. I'm not a sweet person pero pagdating kay Silver ay para bang nagiging ibang tao ako. He's making me soft. He's driving me crazy. 

Matapos ng kaunting pag-uusap, naupo kami sa sulok at pawang nakahawak sa kamay ng isa't isa. Tumahimik na rin ang mga nilalang sa labas, wala na ring dumadamba sa pinto. Umalis na yata sila.

"Akala ko kanina iniwan mo ako ulit." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at sakto namang napatingin ako sa kaniya.

"Stop. You're making me feel bad." Biro ko sa kaniya kahit totoo naman. Ayaw kong iyon ang maisip niya tuwing nawawala ako sa kaniyang paningin. Pakiramdam ko na-trauma na siya sa ginawa kong pag-alis no'n. Hindi ko na 'yon uulitin. Hindi na akong mang-iiwan ulit. They're going to be my top priority especially Silver.

"I won't do that again." Ipinatong ko ang kamay ko sa magkahawak naming kamay at bumuntong-hininga. Biglang sumagi sa isipan ko ang mga dapat kong sabihin sa kaniya. Ang daming nangyari sa akin noon na hindi niya alam. Kailangan niyang malaman ang mga bagay na 'yon.

"Silver..." I called him and he hummed. 

"Minsan ba napaisip ka kasi pakiramdam mo lahat ng bagay ay bago?" Tanong ko at nang tingnan niya ako, alam ko na agad na tama ang hinala ko.



⪼ R I S E I

Tahimik kong pinagmamasdan ang mga Narcos na isa-isang naglalakad palabas ng dorm, mukhang napagod na yata sila kakapilit pumasok. Hinahangin ang buhok ko kaya maya't maya ko iyong inaayos. Ito ang pangatlong beses na makakita ako ng mga gano'ng klaseng nilalang at inaamin ko, noong una ay natakot ako sa kanila pero ngayon ay parang unti-unti na akong nasasanay.

Kailangan na naming maayos ang problemang 'to bago pa man din lumala ang sitwasyon, bago pa man kami maubos.

"Mrs. Winter." 

Bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ang mababang boses ni Blake. Inalis ko ang pagkakahawak ko sa railings at nilingon siya pero agad akong napaatras at dumikit pa ang likuran ko sa bakal nang kulungin niya ako. Napaatras ang ulo ko dahil kaunting lapit na lang ay mahahalikan na niya ang labi ko. 

I stared at his face...perfect. He's perfect. There's a visible scar on his face but I don't consider it as a flaw. Mula sa itsura hanggang sa ugali, lahat iyon ay tanggap ko. Ang sabi niya sa akin, marami raw mali sa kaniya, may hindi siya gusto sa ugali niya kaya naiinis siya sa sarili niya. But honestly, that's what's make him perfect. His imperfections makes him perfect. 

"Anong Mrs. Winter?" I asked and he chuckled. Sa sobrang lapit ng mukha niya ay para bang ayaw ko ng pumikit dahil baka mamaya ay bigla niya na lang akong halikan. 

"Kinilig ka naman." Pinigil ko ang ngiti ko at sinamaan siya ng tingin. "Hindi ka talaga kinikilig sa mga banat ko?" Nawala ang ngiti niya at humiwalay na sa akin kaya muli akong umayos ng tayo.

"Hindi." Pagsisinungaling ko. Kung alam mo lang, Blake Damon, tuwing nakikita lang kita ay bumibilis na ang tibok ng puso ko. Tuwing hahawakan mo ako, yayakapin, hahalikan, hindi ko alam ang gagawin ko dahil pakiramdam ko sasabog na ako sa samu't saring emosyong pinapadama mo. That's all new, Blake. Bago sa pakiramdam ang lahat ng iyon, hindi ko pa iyon nararamdaman dati. 

"Okay." He walked away and my lips cracked a smile. I chuckled and pulled him towards me.

"Tara nga rito." Nakangiting sabi ko at niyakap si Blake na parang batang nagtatampo. Kinulong ko siya sa magkabilang braso ko at kada segundo ay pahigpit nang pahigpit ang aking pagkakayakap. Hindi ko man nakikita, alam kong nakangiti siya ngayon.

"Kahit para kang bata minsan, hindi kita kayang iwan." Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi, siguro dahil naalala ko ang pang-iiwan ni Sapphire noon pati ni Shaiala. Ipinapangako kong hindi ko iyon gagawin sa kanila lalo na kay Blake.

"Kahit ang sungit mo madalas, hindi rin kita kayang iwan." Bahagya siyang kumalas sa yakap at nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinalikan. Akala ko ay isang simpleng halik lang iyon pero nang igalaw niya ang kaniyang labi ay para bang nagwala na ang puso ko. Napahawak siya sa magkabilang pisngi ko at umabante dahilan para mapaatras ako. Idinikit niya ako sa railings kasabay ng pagdiin ng kaniyang halik. I held his shirt and closed my eyes tightly. We kissed passionately, sweetly. We're not into sweet words but into sincere actions. Dito namin pinaparamdam na mahal namin ang isa't isa kasi alam naming hindi sapat ang salita.

"Ano? Kinikilig ka na ba?" Asked Blake. He rested his forehead on mine and smiled.

"Hindi pa rin." Pang-asar ko sa kaniya.

"Okay." Pag-uulit niya ng sagot niya kanina at mas lalo pang lumawak ang ngiti ko nang muli niya akong halikan. I answered his kisses and pulled the collar of his shirt. 

Silly Blake.


_

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon