⪼ R I S E I
"Hindi ko alam, okay? Pare-parehas tayong nakapikit kanina kaya malamang walang nakakaalam sa atin kung nasaan siya." Nasapo na lang ni kuya ang sariling noo matapos ko siyang tanungin.
I let the cold morning wind hit my face. It slightly made my eyes watery but I didn't blink. Inayos ko ang aking buhok at luminga-linga sa paligid.
"Couldn't find Blake." Iyon ang unang sinabi ni Sapphire matapos niya kaming balikan ni kuya. Napasuklay na lamang ako sa aking buhok at kinagat ang ibaba kong labi habang nakatitig sa kawalan.
Kanina, pagkagising naming lahat ay kulang na kami. Wala na si Blake at malamang kinuha siya ni Mr. President. Galit na galit ako. Ang ayaw ko sa lahat ay pinakikialaman ang mga taong mahahalaga sa akin.
"Sei, bumalik na tayo sa loob. Hindi niya tayo pwedeng mahuli, mawawala ang tiwala niya sa atin." Hinawakan ako ni kuya Ford pero iwinakli ko ang kamay niya. Hindi ito ang panahon para intindihin ko ang tiwala tiwala na 'yan.
"Kuya, hindi! Kailangan ko siyang hanapin, baka mamaya kung ano ng nangyari!" Tutol ko. Nakita ko kung gaano ako kagustong pagsabihan ni Sapphire pero mas pinili niyang manahimik upang si kuya Ford ang magsalita.
"Risei, makinig ka." Hinawakan ako ni kuya sa magkabilang balikat at wala akong ibang makita sa mga mata niya kundi otoridad. "Mas kailangan natin ng tiwala ni Mr. President. Isipin mo na lang na kapag nakuha na natin ito ng buo, mahahanap mo na si Blake."
***
I took a sip of my iced tea.
Totoo kaya ang sinabi ni Mr. President kanina na pinagkakatiwalaan na niya kami at hahayaan na niya kaming makakakilos ulit ng malaya?
Pero syempre may kapalit.
Silver made a deal with him at iyon ay magiging estudyante kami rito muli. I know it's unfair, frustrating rather.
Most of us already graduated pero magiging parte na naman kami ng eskwelahan na ito, para na rin naming kinulong ang mga sarili namin sa impyerno sa ikalawang beses. Para kaming mga ibon na nagpakahirap makawala sa hawla para lang ikulong muli ang mga sarili.
Pero mas ayos na 'yon kaysa wala. Iyon kasi ang naisip na plano ni Silver upang makuha ang tiwala ni Mr. President. At mukhang gumagana namin. Once na makuha namin ang tiwala niya ng buo, magtatanong kami ng mga impormasyon at hihingi ng pabor kung maaari bang makapunta sa organization at doon na namin isasagawa ang plano.
Kung sinisira niya kami, sabay-sabay namin siyang hihilahin pababa.
"So you're telling me that Mr. President didn't do anything?" Nahampas ni kuya ang lamesa at napataas ang isang kilay ng lalaking kausap niya. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Jaz Coswell. Kasamahan namin siya sa final list pero ano pang ginagawa niya rito?
"Wala siyang kwenta. Sising-sisi ako kung bakit ako nagpa-uto sa kaniya."
"Fuck. Wala talaga siyang ginawa para matigil ang pagsugod ng mga Narcos rito?"
"He doesn't care about us, Ford. Katulad lang namin kayo."
"What do you mean?"
"What do you mean?" Tanong ko sa kaniya at ibinaba ang baso na hawak. Lumapit siya sa akin at tumingin sa paligid, para bang tinaalam niya kung may ibang makakarinig.
"Lahat ng napapasok rito ay mga taong pumirma sa petition ni Quinn."
So hindi lang pala kami ang pinarurusahan ni Mr. President kundi pati na rin ang lahat? Because somehow, they are still part of the process to kick him out of his position back then. Ang tyaga lang talaga ni Mr. President para hanapin pa kami isa-isa.
Iba talaga ang nagagawa ng paghihiganti.
***
Gabi na at oras na para matulog. Hanggang ngayon, wala pa rin si Blake at hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung totoo bang hinahayaan na talaga kami ni Mr. President na makakilos kahit kaunti? Pakiramdam ko at lumuwag na ang pagkakasakal niya sa amin ng bahagya.
Papasok na sana ako sa dati kong kwarto para magpahinga pero naramdaman ko na parang may sumusunod. Lumingon ako sa likuran at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang taong kanina ko pa hinahanap. Magulo ang buhok nito at pagewang-gewang kung maglakad.
"Blake." I said under my breath. I ran towards him and I could see how drowsy his eyes were. Umangat ang isang sulok ng labi niya habang pinagmamasdan ako.
"Saan ka galing? Pinag-alala mo ako." Hindi ko na maipinta ang mukha ko sa labis na pag-aalala. Hinawakan ko ang balikat niya. "May masakit ba sayo?" Nang umakyat ang kamay ko patungo sa kaniyang mukha, hinuli niya iyon at iwinakli.
I was about to ask but he quickly captured my lips kaya hindi na ako nakapagsalita. His kisses were aggressive and I couldn't catch up to his pace. Napakunot ang noo ko dahil sa ginagawa niya. Hindi dahil sa hindi ko 'to gusto, pero maraming panahon para rito. Sa ngayon, gusto ko muna siyang tanungin. I tried to push him but he pushed me against him, as my back hit the cold wall.
"Blake!" His hands went down my side and held my waist, pulling me closer. He's really preventing any sort of space between me. And for fuck's sake, why is he doing this? He's acting strange!
"Let me." Bulong niya mismo sa aking tenga at para bang nagtaasan ang mga balahibo ko. Tila ba iyon lang ang kailangan para patigilin ang mga kamay kong tumutulak sa kaniyang dibdib. His breath is now ghosting over my lips. I shut my eyes tightly as I let my lips dance with his.
And yes, I kissed him back. I locked my arms around his neck and my fingers were now twisting his already messy hair.
He began to shift and I quickly followed without even breaking the kiss. Napahawak ako sa bawat parte ng pader na nadaraanan namin upang hindi ako mawalan ng balanse. Narinig ko ang pagbukas ng isang pinto at bigla ko na lang naramdaman ang pagbuhat niya sa akin paloob. Dinilat ko ang mga mata ko at napakapit ako sa leeg niya para hindi ako malaglag.
Nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa. I know something's off pero hindi ko na lang iyon pinansin. Baka nago-overthink lang ako.
He threw me on the bed and hovered above me, quickly pinning my hands above my head. "I love you." Then he kissed me again.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kung gaano ko kamahal si Blake. Hindi pa man din kami gano'n katagal pero pakiramdam ko ang laki na ng papel niya sa buhay ko. I love him. I really love with all my heart. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito, sobrang lalim at parang hindi ko na kayang umahon.
"Ikaw lang." Naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa ilalim ng t-shirt ko. "Ikaw lang kahit ano pang mangyari." Tumango ako at hinayaang lunurin ang sarili ko sa mga halik niya.
"Mahal kita." Bumaba ang halik niya patungo sa aking leeg at naramdaman kong unti-unti na niya iyong minamarkahan.
"Sobrang mahal kita."
"Blake..." Muli akong napahawak sa kaniyang dibdib at naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Humiwalay siya sa akin at naghabol ng hininga. Nang nakita ko ang mga mata niya, nakasisiguro na talaga akong may mali. May ibang nasa isip niya. Kakaiba ang mga halik na ibinibigay niya sa akin. Pakiramdam ko hindi si Blake ang kaharap ko ngayon.
"May gusto ka bang sabihin sa akin?" Gusto kong umiyak habang nakatitig sa kaniya. Kumabog bigla ang dibdib ko at bigla akong nahirapang huminga. Tinaas ko ang magkabila kong kilay habang naghihintay ng sagot mula sa kaniya.
"Mahal kita pero ayaw ko na."
_
BINABASA MO ANG
Infernio Academy 2: Hell To Pay
Mystery / ThrillerUpon coming back to Del Fuego, they found out everything has gotten worse. In a short span of time, the townspeople turned into aggressive creatures and it's all because of Infernio Academy, the institution that deceived them all.