⪼ B L A K E
Tahimik akong ngumunguya ng pagkain habang pinagmamasdan ang kaharap kong love birds. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin na mas madikit na si Inferno at Sapphire isa't isa. Naningkit ang mga mata ko nang nakangiting hinawakan ni Sapphire ang braso ni Inferno at pinalapit ito. Lumapit naman si Inferno at maya-maya lang ay napangiti ito sa binulong sa kaniya ni Sapphire.
Dito pa sa harapan ko nagpakasweet, mga mukha kayong ibon.
Sandali...
Kailan pa ako naging bitter?
Pero pansin ko lang, sila lang ang may magaang atmosphere. Lahat kami rito ay parang mga nalanta. Ang awkward, takte. Try kaya nila kaming kausapin 'no? Bida bida sila e, kitang may alitan pa 'tong grupo. 'De joke.
"Blake, can you pass me the salt?" Tanong ni Leah sa akin. Itinukod ko ang kutsara sa plato at ipinatong ang baba ko roon habang dahan-dahang ngumunguya.
"Ayaw ko nga." Ngumisi ako ng mapang-asar kaya napatingin sa akin ang lahat.
"Please." Nang dahil sa sinabi niya ay napilitan akong abutin ang asin ngunit bigla iyon inilayo ni Sapphire at tinaasan pa ng kilay si Leah.
"You're salty enough, B. You don't need this." Namangha ako at natawa dahil sa sinabi ni Sapphire. Grabe! Idol ko talaga 'to pagdating sa pambabara!
"Blake, can you pass me the water?" Nawala ang saya sa mukha ko nang utusan ako ni Bronze.
"Wala ba kayong mga kamay?!" Ibinagsak ko ang kutsara sa plato at nakalikha ito ng ingay. Mabuti na lang wala rito si Dr. Nio kundi lagot ako roon.
"Nasunog kasi si Leah do'n kaya paki-abot 'yung tubig! Tsk." Sinamaan pa ako ng tingin ng loko. Bigla na naman akong napangisi. Ayos rin pala 'tong si Bronze. Sira ulo rin.
"Wow, Sapphire. Bitter ka pa rin ba sa paghalik ko sa boyfriend mo?"
"Malamang, gaga ka ba?" Rinig kong bulong ni Risei na nakaupo sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin.
Pero, hoy Leah. Nakakatakot galitin 'tong si Sapphire, wala siyang sinasanto. Sana umayos ka.
Naalala ko tuloy kung paano niya saktan si Dannah noon nung napuno siya. Nakakatakot ang mga mata niya, nakakatakot siya. Hindi ko alam na gano'n pala siya magalit. Ngayon alam ko na talaga kung bakit ang taas ng tingin nila rito.
***
"Hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Dannah?"
Napatigil ako sa pagtutuyo ng buhok ko nang marinig ang boses ni Hadley. Napatigil na rin ako sa paglalakad nang makita ko ang kinaroroonan niya.
"Hindi pa rin." Si Risei pala ang kausap niya. Naalalala ko na naman ang away naming dalawa kanina. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Paano siya kumakain?" Tanong ni Hadley.
"Dinadalhdan ni Blake ng pagkain. Pa-importante 'di ba?" Sumandal si Risei sa pader at ngumisi. Napakunot ang noo ko. Hayan na naman siya.
"Exactly. Baka kasi natakot sa 'yo kaya hindi na siya lumabas sa kwarto." Tumawa si Risei dahil sa sinabi ni Hadley pero maya-maya ay napahugot na lang siya ng malalim na hininga.
"But Hadley, seriously...hindi ko sinasadyang gawin 'yon sa kaniya." Iniyukom ko ang kamao ko at nagsimula na itong manginig. Napasuntok na lang ako ng bahagya sa pader dahilan upang bumuka ito ulit.
"Seryoso?"
"Yeah. I'm starting to hate her again pero hindi ko sinasadyang barilin siya." Napangisi ako at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tuluyan na akong nagpakita sa kanilang dalawa.
"Hindi mo sinasadya?" Bahagya ko pang hinaluan ng tawa ang tanong ko. Umalis si Risei mula sa pagkakasandal niya sa pader at gulat na napatingin sa akin. Napaatras si Hadley nang umabante ako. Kinunot ko ang noo ko at hindi makapaniwalang tiningnan si Risei.
"Sino bang niloloko mo rito?" Tanong ko sa kaniya.
"A-Aalis muna ako." Hindi ko pinansin ang umalis na si Hadley dahil nakatitig lang ako kay Risei habang hinihintay ang sagot niya.
"Sarili mo?" Tanong ko pa.
"Blake, pag-aawayan pa ba natin 'to?" Kinalma niya ang sarili niya at muling sumandal sa pader. Pinag-ekis niya ang magkabilang braso sabay iwas ng tingin sa akin.
"Pag-uusapan." Pagtatama ko. Pinag-awayan na namin 'to kanina, ayaw ko ng maulit 'yon, ayaw kong bumigat ang loob niya.
"Tumingin ka sa akin." Mababa at seryosong boses na ang ginawa ko pero hindi pa rin siya sumunod. "Risei, tumingin ka sa akin."
"Para saan pa?! Para makita ko ang mga mata mong pinagsisigawan na nakakadisappoint ako?" Tumaas ang tono ng boses niya habang nakatingin sa kurtinang hinahangin. Napahinga na lang ako ng malalim at pinamunas ang twalya sa aking mukha.
"Hindi." Narinig ko ang mga patak ng ulan na unti-unting lumalakas. Kumukulog na rin at kumikidlat. Lumapit ako sa kaniya pero iniwas niya ang sarili niya. Galit pa rin siya sa akin. Siguro nga nasaktan ko siya kanina.
"Risei-
"Blake, alam kong galit ka pa rin. Alam kong hindi ka pa rin naniniwala. Naiintindihan ko naman e." Humina ang boses niya na tinabunan ng malakas na buhos ng ulan.
"Risei kasi pinsan ko 'yon. Importante rin siya sa akin."
"Blake, hindi ko nga kasi sinasadya!" Tuluyan na siyang napasigaw at napatingin sa akin. Hindi ko alam kung paano nangyaring hindi niya 'yon sinasadya.
"Hindi ka naniniwala 'no?" Ngumisi ito. Hindi ako makasagot kasi tama siya. Hindi ako makasagot kasi baka masaktan siya.
Nagulat ako nang bigla siyang umupo at nagsimulang umiyak. Lumuwag ang pagkakayukom ng mga kamao ko. Umiiyak siya at ako ang dahilan no'n. Niyakap niya ang mga tuhod niya at sinubukang pigilin ang bawat hikbi.
"Yareli..." Lumapit ako sa kaniya at umupo sa kaniyang harapan. Tuluyan na akong nanlambot. Ayaw na ayaw kong nakikita siyang umiiyak.
Inalis ko ang mga kamay niyang nakaharang sa kaniyang mukha at pinunasan ang mga luha nito. Kasabay ng paglakas ng iyak niya ang paglakas pa lalo ng ulan.
"Naniniwala na ako." Sorry, sorry. Magsisinungaling muna ako. Hindi ko kayang nakikitang ganito ka.
Niyakap ko siya at kaagad naman siyang yumakap pabalik. Kumapit siya sa shirt ko at ibinaon ang mukha sa aking dibdib. Pinatahan ko siya sa pamamagitan ng paghagod sa likod nito. Tahan na...ang sakit makita na umiiyak ka lalo pa't ako ang dahilan.
"Blake?" Pagtawag niya sa akin.
"Hmm?"
"Kanina...noong oras na 'yon..." Mukhang tinutukoy niya yata ang oras kung saan binaril niya si Dannah.
"Bakit?"
"Para kasing hindi ako ang kumontrol sa katawan ko."
_
BINABASA MO ANG
Infernio Academy 2: Hell To Pay
Mystery / ThrillerUpon coming back to Del Fuego, they found out everything has gotten worse. In a short span of time, the townspeople turned into aggressive creatures and it's all because of Infernio Academy, the institution that deceived them all.