Multimedia: Blake and Risei
Chapter theme: Ruelle - Closing In
⪼ R I S E I
I am still annoyed right now. It's been two days magmula nang malaman namin na nasa Canada na pala si Sapphire. How dare she? Tama bang iwanan niya kami ng hindi man lang nagsasabi? But in the first place, tama bang umalis siya? Siya 'tong nagplano-pano para bumalik sa Infernio Academy pero siya pa 'tong unang mang-iiwan. Nakakainis.
"Naiinis ka pa rin kay Sapphire?" Tanong sa akin ni Blake habang bitbit niya ang aking bag na naglalaman ng mga kagamitan ko. Patungo kami ngayon sa Del Fuego upang bumalik sa Academy. Dapat sa isang linggo pa sana dahil sabi nila Trevor, kailangan ng masinsinang pagpaplano. Pero ayaw ko nang tumanga.
Dannah needs us.
Binuksan ko ang van at sumakay na. "Sino bang hindi?" Tanong ko. Kahit nga si Hadley na may pinakamahabang pasensya para kay Sapphire ay nakaramdam rin ng inis. Hindi ko na sana paabutin pa ng ganito katagal ang inis ko sa kaniya kung nagpaalam lang siya sa amin, kung nagsabi man lang siya. Kung kaibigan niya kami, kung kaibigan ang turing niya sa amin kailangan open siya sa amin.
"May rason naman siguro siya." Tumabi sa akin si Blake.
"Dapat lang na may rason siya." I need a deep reason why she got away, we do need her explanation. She should talk to us, she should reach out for us first not us on her. It's been twelve hours since Hadley liked that post. Sinabihan ko siyang gawin iyon para ipaalam kay Sapphire na alam na naming nasa Canada siya without telling her directly. Pero hanggang ngayon wala pa rin siyang sinasabi sa amin, hindi pa rin siya nagpaparamdam sa amin kahit active siya sa Instagram magdamag.
"Shhh. Kalma na." Hinawakan niya ang kamay ko matapos niyang maibaba ang mga bag daming dalawa. He played and pinched my small hand, gawain niya ito tuwing napapansin niyang naiinis ako o wala sa mood, and suprisingly, it really works. Napangiti ako dahil sa ginagawa niya at napatingin sa kaniya, napatingin rin siya sa akin at ngumiti pabalik. May kakaiba talaga kay Blake na labis na nakapagbibigay ng ngiti sa mga labi ko.
"Nakakainis lang kasi." I said. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at hinayaan siyang paglaruan pa ang kamay ko.
"Blake! Baka gusto mong i-lock ang bahay niyo!" Napalingon kami ni Blake sa sumigaw na si Denver. Hirap na hirap ito sa pagbubuhat ng mga bag, paniguradong bag nila iyon ni Shaiala.
"Pa-epal." Binitiwan na niya ang kamay ko at muli akong nilingon. Nagtaka ako nang makakita ako ng pilyong ngiti sa mga labi niya. Magtatanong na sana ako ngunit bago ko pa iyon magawa ay ninakawan niya ako ng isang mabilis na halik sa labi bago magtatakbo palayo na para bang isang bata.
"Magnanakaw!" Abnormal talaga ang lalaking 'yon!
"Magnanakaw? Nasaan?!" Sigaw ni Denver at nabitiwan ang isang bag, pupulutin na sana niya iyon ngunit nagkalaglag rin ang iba kaya naman bumakas ang inis sa mukha niya. "Mamaya na ang mga bag na 'yan. Ano, Risei? Nasaan ang magnanakaw? Tang ina. Bubugbugin ko 'yon." Maangas na wika niya habang pinatutunog ang mga buto sa daliri.
Kunot-noo ko siyang tiningnan. Isa pa 'tong abnormal. That's what you get from hanging out with Blake often. "Pinaglock mo ng bahay nila." Sagot ko sa kaniya kaya kumunot ang noo niya na para bang napapaisip pa. Slow.
"Ayos na lahat?" Tanong ng kararating lang na si Hadley.
"Yup, tara na dito."
Habang naghahanap ng mauupuan si Hadley, habang nagpupulot si Denver ng mga bags at habang naglalakad palapit sa amin si Newt at Blake ay bigla na lamang may humampas sa nakabukas na pinto ng van kaya napatigil kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Infernio Academy 2: Hell To Pay
Mystery / ThrillerUpon coming back to Del Fuego, they found out everything has gotten worse. In a short span of time, the townspeople turned into aggressive creatures and it's all because of Infernio Academy, the institution that deceived them all.