Chapter 28: Caging the lions

1.3K 113 122
                                    

⪼ S A P P H I R E

Isang maingay na tunog ang narinig ko. Hindi ko alam kung saan mismo nanggagaling dahil parang nakapalibot ito sa akin. I tried to open my eyes and scan the place but failed. I don't know anymore. My senses went off. Latang-lata ang katawan ko, kahit pa ang talukap ng aking mga mata. Nahihirapan rin akong huminga ng maayos. 

Suddenly, I heard a bang from someone. Para bang isang malaking bagay na humampas sa isa pang bagay. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag dahil hindi rin naman ako sigurado. 

"Sapphire!" Pero ang boses na iyon, para bang ang linaw sa pandinig ko. Kilala ko na agad kung sino...

"Sapphire." Napahinto siya sa gilid ko at sinuri ako. Dumampi ang mainit niyang kamay sa braso ko at sinubukan akong pakawalan. "Fuck." Silver cussed, looking frustrated. Magulo ang buhok nito at maputla ang balat. Tumutulo rin ang pawis sa kaniyang noo kaya pinunasan niya iyon sabay kagat sa maputlang labi.

"Silver..." I uttered his name

"We're going to leave." He pushed the red button beside me. "Now." Naramdaman kong natanggal ang mga bakal na pumipigil sa akin na gumalaw. Without a word, he slipped his arms under me, lifting me in a bridal way. My hands immediately went around his neck. I feel numb, I feel dead. I rested my head on his chest and closed my eyes. 

I feel so weak right now. 

Nang makaalis sa kwartong iyon, nakita kong walang katao-tao sa hallway. Tanging ang tunog lang ng nakakarinding alarm lang ang naririnig at ang bawat paghinga ni Silver. Walang tao sa pasilyo kaya naman mas nakakilos ng maayos si Silver ng walang iniitindi.

"Put me down." Tinapik ko ang balikat niya. Tumulo ang pawis nito pababa sa kaniyang mukha pero hindi niya iyon magawang punasan dahil buhat buhat niya ako. I look like a fucking damsel in distress and I hate it. Ayaw kong nagmumukhang mahina. 

"Silver!" I heard someone called my boyfriend's name. It was Wesley who was running towards us, forehead dripping with sweat. Nang makaabot siya sa amin, tinuro niya ang fire exit na nalagpasan namin.

"Where are they?" Tanong ko. Wesley lead the way and we followed. Tinadyakan niya ang lock ng pinto pero hindi iyon nasisira. 

"Fuck, where's the card?" Kinapa niya ang pantalon at hindi naman siya nabigong mahanap ang hinahanap niyang card. Iniswipe niya iyon sa lock at kusa na itong bumukas. He pushed the door open and let us pass before closing it. Nilock niya iyon bago muling ipagpatuloy ang pagtakbo.

"Hindi ko alam kung nasaan sila. Maging si Trevor ay nawawala. We're supposed to get you guys out of here." He paused and swallowed. "Together. But he's nowhere to be found." 

Hindi kami sumagot ni Silver. Tahimik lang kaming bumababa ng hagdan at kahit pa buhat ako ni Silver, hindi iyon naging sagabal. Tuluyan na kaming nakababa at agad kami sinenyasan ni Wesley na lumiko sa kanan at doon namin nakasalubong sila Risei at Blake. Muntik pa kaming magkabanggaan ngunit mabuti na lang at mabilis silang nakaatras.

"Sapph, what happened?" Asked Risei who looked confused and concerned at the same time.

"Ask questions later." Wika ni Silver at siya na ang nanguna sa pagtakbo. 

"Wes, saan tayo?" Silver asked without looking back. Diretsyo lang ang tingin nito sa daan.

"Sa storage room raw ang diretsyo nila." Sagot ni Blake. Naramdaman ko na unti-unti ng nahihirapan sa akin si Silver kaya naman nagpumiglas ako at tumalon mula sa kaniyang bisig. I landed perfectly on the floor at tumakbo na para bang walang iniindang kahit ano. Hindi ko alam kung saan ko nahuhugot ang lakas ko sa bawat mabibilis na hakbang na aking ginagawa, basta ang alam ko lang ay kaya ko, walang masakit sa akin kaya hindi ako nahihirapan.

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon