Chapter 38: Desire

1K 84 130
                                    

Multimedia: Newt and Ford

⪼ F O R D

Napatigil ako sa paghabol kay Sapphire nang may humablot sa aking damit at kasunod no'n ang pagtama ko sa sahig. Dumulas ako at nabatbat pa ang likod ko sa isang lamesa. Nabitiwan ko ang kutsilyo at wala na rin ang ngisi sa aking labi. 

"What do you think you're doing?!" A familiar voice shouted at me. I looked up to find the owner of that voice. Naramdaman ko ang pagkulo ng aking dugo nang makitang si Newt ito. 

"What am I doing?" I teased and he immediately went closer just to punch me in the face. Napaiwas ako ng tingin dahil sa lakas ng suntok niya, nalasahan ko rin ang sarili kong dugo kaya muli akong napangisi.

"Hindi bagay sa 'yo ang maging inosente." Ngumisi ito. Hinablot niya ang kwelyo ko para sana bigyan pa ako ng isa pang suntok ngunit hindi niya iyon natuloy nang unahan ko siya. Napaatras ito at nahawi pa niya ang mga bagay sa ibabaw ng counter. Lumapad ang ngisi ko at agad siyang nilapitan. Bago pa man din siya makadepensa, muli ko siyang sinuntok sa mukha dahilan para dumugo ang ilong nito.

"Akin si Dannah." I pinned him against the wall while holding his collar. Nang ngumisi ito, lalo ko pa siyang idinikit sa pader. Pinupuno niya ako. Matagal ko na siyang pinagtitimpian pero ngayon hindi ko na pipigilan ang sarili ko. Gagawin ko na ang dapat kong gawin.

"Nagpapatawa ka ba?" Tanong niya. Muli ko siyang sinuntok pero parang wala pa ring nababawas sa galit ko.

"Ikaw ang nagpapatawa!" Sigaw ko sa mismong mukha niya. "I saw you kissing Hadley before! What was does that supposed to mean?!" 

Ano 'yon? Dalawa ang mamahalin niya? 

Hindi. Akin lang si Dannah.

His face dropped it's expression, looking shocked from what I've said and asked. "Gago ka." Bulong ko bago siya itapon sa sahig. Pinulot ko ang kutsilyo at agad siyang dinambahan ngunit mabilis siyang nakaiwas bago pa man din tumama sa ulo niya ang dulo nito. 

"I have a reason. Alam ko ang bagay na iniisip mo ngayon and I'm telling you, you're wrong." He defended. 

"Well, fuck you and your reason." Sino ba siya para paglaruan ang nararamdaman ni Hadley? Tapos inaagaw pa niya sa akin si Dannah? Pakapalan na ba 'to ng mukha? 

"Drop your knife." Utos niya. Tinitigan ko siya ng matalim habang naghahabol ng hininga. Nasa magkabilang dulo kami ngayon ng maliit na lab na ito at parehas nagpipigil ng sarili. Gusto ko siyang saktan pero may maliit na parte na nagsasabi sa akin ni huwag dahil mali iyon. Para bang nagtatalo ang isip ko. May nagtatalo sa loob ko.

"I'll drop it once I have killed you." Muli akong sumugod sa kaniya at agad siyang umilag. We're both blocking each other's attacks ngunit isang maling galaw ang nagawa ko kaya nawalan ako ng balanse. Agad kong sinipa ang sikmura niya nang makalapit siya sa akin kaya naman parehas na kaming nakasalampak sa sahig. 

"I hate you." I whispered and picked up the knife. Pumaibabaw ako kay Newt at nakita ko ang takot sa mukha niya. Ilang ilag at depensa ang ginawa niya hanggang sa sahig ko maitusok ang kutsilyo kaya tumalsik ito. Napamura ako at walang nagawa kundi gamitin ang magkabila kong kamao. Sinuntok ko siya ng maraming beses.

Vengeance is in my heart, death in my hand, blood and revenge are hammering in my head.  

I saw the blood in his face and it satisfies me.

So much.

***

Lumabas ako ng silid na iyon, punong-puno ng dugo ang mga kamao ko at may talsik rin sa puti kong damit. Mula sa isang bintana, kitang-kita ko ang umuusok at nasusunog na training hall pero wala akong pakialam. Sa ngayon, wala akong ibang iniisip kundi ang sarili ko.

"Ford." Muli, may tumawag sa akin at bago pa man rin ako makalingon ay itinulak na niya ako pasandal sa pader at sinimulang halikan. 

Is this her? Why does it feel like her?

Kinilala ko ang mukha niya at bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang nakapikit niyang mga mata. Sinabi ko na nga ba't ako ang pipiliin niya sa dulo. 

We exchanged position and her arms immediately went around my neck. I shut my eyes and kissed her back. The sensation felt unreal. But I want this...I needed this. 

"I love you, Dannah." I whispered against the crook of her neck.

Newt have no idea how much I love this girl. Noong inagaw niya sakin 'to, nanahimik lang ako kasi mukhang iyon ang makakabuti dahil pinili naman siya ni Dannah. Nakakatawa. Ang kontrabida ko naman tingnan. Ang laki kong hadlang sa kanilang dalawa.

Pero anong magagawa ko? Noong nakita ko siya noong araw na iyon, sinabi ko sa sarili ko na siya na. Nang makita ko ang mga mata niya, alam kong siya na. Not so long ago I was alone and lost, and then she came along and everything felt like home. Ang laki ng papel niya sa buhay at mahirap para sa akin na punitin iyon ng basta basta.

"I'm not Dannah but I'm better than her." She replied.

What?

"Ford?" Another voice called my name and my eyes met Dannah's. I froze in surprise. What the hell? Then who am I kissing?

"Fuck!" Napakalas ako sa babaeng hinalikan ko at nanlaki pa lalo ang aking mga mata nang makita ang mukha ng taong inakala kong si Dannah.

"Thalia?" I stepped back in horror and disgust. 

"Surprise." Sumandal ito sa pader at pinaglaruan ang dulo ng kaniyang buhok.


_

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon