Chapter 25: Ruined

1.3K 110 128
                                    

⪼ D A N N A H

Minulat ko ang mga mata ko at natagpuan ang sarili kong nakatayo sa pagitan ng dalawang mataas na aparato. 

Kahit wala akong maramdaman dahil sa pagkamanhid ng katawan ko, alam kong may mali. Para bang hindi nakalapag ang mga paa ko sa sahig. Hindi naman ako nakabigti o nakatali sa kung saan, hindi ko alam kung paano ako nakakalutang. Hindi naman ako makayuko dahil para bang nanigas ako at tanging ang mga mata ko lang ang nakakakilos. 

I groaned and tried to move but failed. Kahit anong gawin ko, hindi ko maikilos ang sarili ko. Inilibot ko na lang ang paningin ko. Nasa loob ako ng isang malawak na kwarto at nagkalat ang mga kagamitan na nakikita ko lang sa Science Lab. Walang kahit sino rito sa kwarto bukod sa akin. 

Nasaan ang iba?

Anong nangyari?


⪼ B L A K E

"Okay, naiintindihan kong kailangan niyo akong pakainin pero hindi niyo naman ako kailangang hawakan. May girlfriend ako 'no, papatayin ako no'n pati kayo. Awooo!" Sinubukan kong takutin ang dalawang babaeng nakasuot ng lab coat pero walang epekto. May bakal namang nakapulupot sa magkabila kong pulso pero bakit kailangan pa akong hawakan sa balikat nitong babaeng nasa likuran ko? 

"It's an order, Mr. Winter." Wow, rhyme. Kung hindi lang kayo mga babae, kanina ko pa kayo nasipa. 

"Fine." Pagsuko ko na lang. Ano pa nga ba? Wala na akong palag sa mga 'to.

Muli niyang sinubo sa akin ang kutsarang may lamang pagkain at agad ko naman iyong nginuya ngunit nang may mapagtanto ako, napatigil ako sa pagnguya. 

"Why did you stop? Eat. Kailangan mo ng lakas para sa susunod na test." 

"Wala bang ketchup?" Kunot-noo kong tiningnan ang plato na may lamang kanin at fried chicken. Ang dry, potek. Hindi naman sa nag-iinarte ako pero parang gano'n na nga.

"Huwag ka nang umarte." Tumayo siya ng tuwid at lumapit sa akin lalo. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at sapilitang ibinuka ang bibig ko sabay subo ng kutsarang may lamang pagkain. Pinilit kong lumaban ngunit humigpit ang pagkakahawak ng isang babae sa aking balikat. Agad akong nasamid dahil nga punong-puno ang bibig ko. 

Nang mangamatis na ang mukha ko sa sobrang pula, doon lang nila ako binitiwan. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng hangin at nablanko ang utak ko. Ang sakit rin sa baga, dahil kada pag-ubo ko ay para bang nagagasgas ito, epekto ng kemikal na pinalanghap sa amin roon sa mall.

Presidente talaga siya ng kabaliwan. Pupulbusin ko siya kapag nagkita kami.

"Oras na para isagawa ang sumunod na test. Dalhin na natin siya sa ikatlong palapag." May pinindot siya sa likod ng upuan ko at kusang nawala ang bakal na nakapulupot sa mga pulso ko. 

"Dalhin niyo muna ako kay Yareli. Gusto ko siyang makita." Sinamaan ko sila ng tingin, inaasahan na masisindak sila pero hindi, tinawanan lang nila ako. 

Hindi ko nagustuhan ang tawa nila lalo na't hindi naman ako nagbibiro. 

Nag-aalala na talaga ako kay Yareli. Hindi ko pa siya nakikita.

"Makikita mo rin siya pero hindi pa sa ngayon." Iniyukom ko ang mga kamao ko hanggang sa manginig ang mga ito. 

Hahawakan na sana nila akong muli ngunit inatras ko ang upuan at mabilis na tumayo. Kahit nanlalambot pa ang mga tuhod ko, pinilit kong tumakbo ng pagkabilis-bilis. Automatic na bumukas ang pinto rito sa cafeteria kaya nakalabas ako agad ng walang kahirap-hirap. Nilingon ko ang dalawang babae at nang makita ko sila na hinahabol ako ay binilisan ko pa lalo ang pagtakbo.

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon