Chapter 35: Putting the blame

1K 94 51
                                    

Multimedia: Silver and Sapphire

⪼ S A P P H I R E

Pinagmasdan ko ang mga bago at dating estudyanteng abala mag-training. I feel out of place dahil ako lang ang hindi naka-uniform rito sa training hall. Mabuti na lang at malayo ako sa kanila kaya hindi ako agaw eksena. Mr. President set us free para raw makalanghap muna kami ng sariwang hangin. 

Pero alam kong hindi lang iyon ang dahilan.

The clock is ticking fast. Pero wala pa kaming nagagawa. Ni hindi ko nga alam kung nagtitiwala na ba sa amin si Mr. President o pinalalabas niya lang na meron na bilang parte ng panibago niyang laro.   

At maaring hinayaan niya kaming maging malaya ngayon dahil ito na pala ang huli.

I brushed my hair, sighing. 

I don't know what to do now. I don't how to fix these anymore. I came back here without a single preparation kaya heto ang nangyari sa akin. Matapos ng plane crash, saglit lang ang pamamalagi ko sa ospital bago ako tumakas sa lugar na iyon. Bumalik ako rito sa Academy nang wala man lang kaplano-plano.

Punong-puno ng what ifs ang utak ko. 

I groaned and quickly dialed his number. Itinapat ko ang cellphone ko sa aking tenga at kinagat ang ibaba kong labi. Agad niyang sinagot ang tawag kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Hey." Silver greeted me.

"Kinda need someone." Sinapo ko ang mukha ko gamit ang aking palad. Hindi ko alam pero bigla na lang akong naluha. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Dapat hindi ako agad nakialam noon. Dapat nagplano muna ako. At mainam kung pinaalam ko na lang sa mga pulis ang balak ni Mr. President para hindi na nadamay pa ang mga kaibigan ko.

"Where are you?"

"T-Training hall." 

"Are you crying?" He asked pero hindi ko iyon pinansin. Pinunasan ko ang luhang pumatak mula sa mga mata ko at inayos ang aking buhok. 

"Hurry."

"I'm already running." Pinigilan ko ang ngiti ko nang marinig ang pagtakbo at paghugot niya ng hininga. "Stay there. I brought ice cream." He said and I couldn't help but smile.

"Thank you."

***

"How come na nakuha ka agad ng ice cream?" Tanong ko. Sasagot na sana siya pero may nakita siya sa gilid ng labi ko, kumuha siya ng tissue at ipinunas roon. 

"What are you? Four?" He wore a disgusted face as he showed me the piece of tissue with an ice cream stain on it. I glared at him.

"Yeah. Has a four years experience of breaking everyone's bones." Sagot ko sa kaniya at umangat naman ang isang sulok ng kaniyang labi.

"Ooh, scary." Biro niya sa akin.

Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "I hate you." 

He suddenly grabbed my arm, pulling me closer. "Oh hell, what are you doing?" Tanong ko nang bigla niya akong yakapin. It was slightly uncomfortable since nakaupo kami parehas.

"Bakit ka umiiyak kanina?" Tanong niya habang hawak ang aking ulo. Tila ba nawalan ako ng lakas pumalag at ibinaon na lang ang ulo ko sa kaniyang dibdib.

"Kasalanan ko lahat." Pagkasabi ko no'n, agad siyang humiwalay sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat. Tinitigan niya ako. "Kasalanan ko. Wala akong kwentang kaibigan." Nasabi ko na ito sa sarili dati pero ngayon ko lang labis na naramdaman kung gaano iyon katotoo. Pinahamak ko sila. Wala akong kwenta.

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon