Chapter 4: Going back to hell

2.3K 136 117
                                    

Chapter theme: Ruelle - Game of Survival

⪼ R I S E I

Nagising ako nang makarinig ng malakas na tunog na tila ba ma pinupukpok na metal sa hindi kalayuan. Nang magsink-in sa aking utak kung nasaan at anong nangyayari sa lugar na 'to ay napabalikwas ako at agad na hinanap ang pinanggagalingan ng ingay.

Then there...I saw Pheonix blocking the doorway para lang hindi makapasok ang mga bayolenteng mamamayan ng Del Fuego na naging blank space na ang mga utak. Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan niya itong binuksan at isa-isang nilabanan ang mga sumugod sa kaniya.

"Bakit hindi man lang niya ako ginising?" 

Tumayo ako at pinulot ang isang monoblock saka hinagis sa mga tao na papasok na sana rito sa kwarto. Nang dahil roon, napaatras sila at napatingin naman sa gawi ko si Phoniex na hindi ko muna pinansin. Mabilis kong binangga ang sarili ko sa pinto at nilock ito. Naramdaman ko ang malakas nilang pwersa sa aking likuran ngunit panatag naman akong hindi nila masisira ang pinto dahil yari ito sa metal.

Pinatumba ni Phoenix ang huling nakapasok bago muling ibaling ang tingin sa akin. Tagaktak ang pawis nito na tila ba kanina pa nakikipaglaban. I saw a deep cut on his left arm, it's still bleeding pero parang wala lang ito sa kaniya. Bago pa man siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.

"Bakit hindi mo ako ginising? Natulungan man lang sana kita." There's one thing that the whole squad taught me. To help other people. Minsan kasi, mas okay yung tutulungan ka sa iba lalo na sa mga nangangailangan. We really need each other. I don't want to deny it anymore.

"I don't need your help." Masungit na wika niya at sinubukang patigilin ang paglabas ng dugo mula sa kaniyang sugat. Nilibot ko ang mga mata ko sa opisina at hindi naman ako nabigong makahanap ng first aid kit sa isang lamesa. Lumapit ako roon at kinuha. It's a good thing, kumpleto ang mga pangunahing pangangailangan para malunasan ang sugat niya.

"Sit." Kinawit ko ang aking paa sa swivel chair kaya umusad iyon papunta sa harapan ni Phoenix na ngayon ay nakakunot ang noo.

"Mukha ba akong aso?" Tanong niya sa akin. Nagmamatigas pa, grabe na nga ang pagdudugo ng kaniyang braso.

I rolled my eyes, "Just be obedient, Phoenix. Sige ikaw rin, baka ma-infect ang sugat mo." Wika ko at muli naman siyang nagmatigas kaya napairap ako sa ikalawang pagkakataon. I never knew that helping someone who never wanted help in the first place could be this hard.

"I don't take no as an answer." Wika ko. Hinawakan ko ang kaniyang braso na agad niyang winakli. That left me with no choice. Ginamit ko na ang lakas ko upang iupo siya sa swivel chair. Inilagay ko ang kanang tuhod ko sa upuan, sa pagitan ng kaniyang hita upang hindi siya makaalis. Nabigla siya sa ginawa ko, bakas iyon sa kaniyang mga mata ngunit hindi ko na lang pinansin.

"Huwag kang magulo."

Sinimulan ko ng gamutin ang kaniyang sugat at sakto namang tumigil na sa pagpupumilit pumasok ang mga nasa labas, sa tingin ko ay umalis na sila. Ramdam na ramdam ko naman ang titig sa akin ni Phoenix kaya nakaramdam ako ng pagka-ilang. Why is he staring too much? Mag dumi ba ako sa mukha? O sadyang ngayon lang siya nakakita ng maganda?

"Stop staring." Inis na wika ko na sinagot niya ng isang pilyong ngisi.

"Why? Ang ganda kaya ng view." Hindi naalis ang ngisi sa kaniyang mga labi na ikinainis ko. Sumandal siya sa swivel chair kaya naman gumalaw ito dahilan para mawalan ako ng balanse. At ang resulta? Mas lalo kaming nagkalapit, napahawak rin ako sinasandalan niya. He threw his head as he combed his hair using his fingers. Ibinalik niyang muli ang tingin niya sa akin at nilaparan ang ngisi.

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon