Chapter 6: Testing her

1.9K 114 78
                                    

Multimedia: Hadley

Chapter theme: Ruelle - Madness

⪼ H A D L E Y

Slowly, I opened my eyes. I closed them once again then I opened and blinked. My head hurts so bad! Para bang binibiyak ito at ang katawan ko ay parang isang lantang gulay. Sinubukan kong gumalaw ngunit ang mga mata ko lang ang nagtagumpay. Napagtanto kong nakatali pala ako sa isang upuan sa loob ng isang kulay puting kwarto na walang ibang laman kundi ako at ang inuupuan ko.

Where am I? Where exactly am I? Am I still at Infernio Academy? And my friends! What happened to them? Are they breathing fine?

Ginalaw ko ang daliri ko, sumunod ang aking kamay ngunit isang matinding sakit ang rumagasa sa buong katawan ko. Para akong na-ground ng kuryente. Damn it! Iyon ba ang epekto ng weapon na ginamit sa amin? Kailan ito mawawala? Kapag nagkaroon na ng forever?

Kakalbuhin ko talaga ang Papa ni Silver pati ang mga tauhan niya.

Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari sa akin kanina at hindi naman ako nabigong alalahanin ang mga iyon. Ang huling natatandaan ko ay bigla na lang akong napabitaw kay Newt at tumilapon ang buong katawan ko sa isang picture frame na nakasabit sa dingding kaya nabasag iyon, kasabay kong bumagsak sa sahig ang mga piraso ng bubog. No wonder why my body felt numb, sa sobrang raming sugat, sa sobrang hapdi ay nagmamanhid na ito.

Bago ako mawalan ng malay kanina, nasilayan ko pa ang pakikipag-away nila Newt sa mga armadong kalalakihan ngunit sa huli ay pare-parehas rin kaming natalo. Hindi dahil sa mahina kami, sadyang napakarami nila kaya hindi kami nakapalag. Para bang expected na ni Mr. President ang pagdating namin.

The door opened suddenly and Mr. President and his bodyguards came in. Tinaliman ko ang tingin ko sa kanila at sinubukang kumawala sa upuan dahilan para humalakhak si Mr. President. "Hindi ka makakataas, Hadley Grace."

"Stop mentioning my second name, masyadong anghel ang datingan." I joked but still glaring. God knows how much I wanted to break his neck right now.

Muli siyang tumawa ngunit mas mahina na kumpara kanina.

"There's no such thing right now that is worth laughing for." Kapag talaga lumalabas ang pagiging mataray o maldita ko ay napapa-english na lang ako bigla. Bakit? Hindi ko rin alam.

"There is." Sagot niya. My brows drew a straight line. Huwag niya lang masabi-sabi na nakakatawa ang itsura ko ngayon dahil kaya kong paliparin ang sapatos ko patungo sa mukha niya.

"What? Your face?" I laughed. Imbis na pansinin ang panlalait ko sa kaniya, sinenyasan niya lang ang isang tauhan niya na lumapit sa akin. Huminto siya sa harapan ko dala-dala ang isang laptop.

"Let's test your emotions. Titingnan ko kung hanggang saan ka tatagal." Mas lalo akong nagtaka. Anong pinagsasasabi nito?

Binuksan ng lalaki ang laptop at tumambad sa akin ang isang videong naka-pause sa mismong simula. The screen was all black kaya hindi ko alam kung saan patungkol ang video. Baka mamaya ay bold pala 'to, give me a warning please.

"I'm not into xxx vids." I rolled my eyes.

"Don't worry, it's better than that." Hindi ko alam pero bigla akong tinamaan ng kaba. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Bakit pakiramdam ko ay hindi maganda ang laman ng video? Knowing Mr. President, he likes to play with everyone's feelings. He could make our feelings and minds rollercoaster-like.

"Ready?" Tanong niya na agad niya namang binawi. "Dapat pala hindi na kita tinatanong niyan. Now that you entered the deepest ring in hell, you always have to be ready."

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon