Chapter 20: The last time

1.6K 114 93
                                    

Multimedia: Ford and Dannah

Chapter theme: Taylor Swift - Breathe

⪼ D A N N A H

Sinilip ko ang labas sa pamamagitan ng pagbukas ng bahagya sa pinto. Madilim na at walang kaingay-ingay, mukhang tulog na silang lahat. It was 2 in the morning pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kumakain ng hapunan. Dinalhan ako ni Newt kanina pero tinanggihan ko dahil wala akong ganang kumain.

Napangiwi ako nang kumirot ang sikmura ko. Hindi ko pa gaanong kayang tumayo at maglakad pero kailangan. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong humingi ng tawad. 

I walked outside the room without making any noise. I closed the door carefully behind me. Sana lang talaga ay wala akong makasalubong na isa sa kanila. Hindi pa ako handang makita o makausap sila. Alam kong kinamumuhian nila akong lahat. Baka kung anong magawa nila sa akin. At oo, natatakot ako. Nagbalik na naman ang dating ako na takot sa lahat ng tao. 

Nang makarating sa kwarto niya ay napatigil ako. 

Kaya ko bang gawin 'to? 

Kaya ko ba siyang makita? 

Kaya ko bang makipag-usap sa kaniya?

Ilang buntong-hininga ang ginawa ko bago ko tuluyang pihitin ang door knob. Bumungad sa akin ang isang malaking kamay kung saan siya nakahiga. At sa tabi ng kama na iyon ay isang dextrose at isang oxygen tank. Pero mukhang ayos na siya at stable na ang paghinga kaya hindi na ginagamit pa ang oxygen tank.

Maingat kong isinara ang pinto at habang naglalakad palapit sa kaniya ay hindi maiwasang hindi manginig ang mga kamay ko. Malamig na nga ito, nanginginig pa. Wala akong magagawa, abot abot ang kabang nararamdaman ko.

"Ford..." Halos walang boses na lumabas sa bibig ko. Huminto ako sa gilid niya at pinagmasdan ito. Maputla ang balat niya at may galos rin ang kaliwang pisngi. Magulo ang brown na buhok nito at tuyo na ang mapupulang labi.Katulad ko, may benda ring nakabalot sa kaniyang tiyan ngunit mas malapad at mas makapal ang kaniya. 

"I'm so sorry." Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko. Anong ginawa ko? Ang sama ko. Ang sama sama ko!

"Hindi ko sinasadya. Sorry. Sorry." Hinawakan ko ang kamay niya at idinikit ang noo ko roon. Sana ngayon wala ka ng nararamdaman para sa akin, hindi kita deserve, masyado na kitang nasasaktan. Hindi mo man napapansin, unti-unti na kitang sinisira. Wala kang ginawa kundi protektahan at mahalin ako pero anong ginawa ko? Wala akong ginawa kundi saktan ka.

"Lalayuan na kita. Hindi na kita guguluhin. Hindi na ako magpapakita sa 'yo ulit, sa inyong lahat." Napagdesisyunan kong magpakalayo-layo na lang para wala na akong masira pa. Natatakot kasi ako sa sarili ko, hindi ko makontrol ang sarili ko. Ayaw ko ng may mangyari pang hindi maganda na ako may kasalanan. 

"Salamat sa lahat. Sorry sa lahat. Sana kapag nagkita tayo ulit, masaya ka na." Hinalikan ko ang kamay niya at hinaplos ito. Muli ko siyang pinagmasdan. Mas lalo akong naiyak kaya naman pinunasan ko na ang mga mata ko. "Kung magkikita pa tayo ulit." Idiniin ko pa ang pagpupunas sa mga mata ko ngunit hindi iyon nakakatulong dahil mas lumakas pa ang pag-iyak ko.

Bibitiwan ko na sana ang kamay niya para makaalis na ako ngunit laking gulat ko nang humawak siya pabalik. 

Gising siya...

"Matapos mo akong saktan, aalis ka na lang bigla?" Idinilat niya ang mga mata at tiningnan ako. Ibinaba ko ang kamay kong nakadikit sa aking pisngi. Hindi ko inakalang gising siya, hindi ko inakalang naririnig niya pala ang mga pinagsasasabi ko. 

"Ang galing. Hit and run." Ngumisi ito at binasa ang ibabang labi. "Kaso daig ko pa ang nasagasaan." My heart shattered into pieces by hearing those words. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. 

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon