Chapter 16: Pain and regrets

1.5K 109 143
                                    

⪼ D A N N A H

Matapos kong masaksihan ang pagbagsak ni Ford sa ibaba ay nagtalsikan ang tubig. Para bang pati ako ay nasampal ng tubig dahil bigla na lang akong bumalik sa realidad. 

Anong...anong ginagawa ko?

"Dannah, anong ginawa mo?!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Risei at nang harapain ko siya ay bigla niya na lang akong sinakal at binangga sa bakal. "Anong ginawa mo?! Bakit mo 'yon ginawa?! Fuck you! Ikaw ang dapat na mamatay!" Sigaw niya habang nakasakal sa akin. Pinaulanan niya ako ng sampal hanggang sa dumugo ang labi ko.

Anong ginawa ko? Hindi ko rin alam...

"Silver!" Napalingon ako kay Sapphire nang isigaw niya ang pangalan na 'yon. Silver suddenly dive into the water, creating a loud splash. My heart is beating fast against my chest.

Kinakabahan ako. Natatakot. Para akong masusuka sa sobrang takot. Takot na takot ako sa sarili ko sa mga pagkakataong ito. At natatakot rin ako sa pwedeng mangyari kay Ford.

Mas lalo pa akong nagulat nang bigla ring tumalon si Hadley. Napakagat na lang si Sapphire sa ibabang labi niya at hinagod ang buhok. Nakita ko ang kagustuhan niyang tumulong sa pagligtas kila Ford pero hindi niya magawa.

"Kapag namatay ang kuya ko, ako na mismo ang tatapos sa buhay mo!" Hinila ni Risei ang buhok kaya tinamaan ako ng matinding sakit. There's a static sound that deafens me, I suddenly couldn't hear Risei's voice and everyone around me.

Ito na naman...

Napasigaw ako dahil roon at naitulak ko pa ng malakas si Risei kaya bumangga siya sa isang nakataob na kotse. Nakalikha iyon ng malakas na ingay at saktong nawala na ang matinis na tunog na naririnig ko. 

Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Hindi na ako 'to. Tulungan niyo ako...

"Dannah, ano bang ginagawa mo?!" Si Blake naman ang lumapit sa akin matapos niyang tulungang makatayo si Risei. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. Napangiwi ako dahil sa sakit. Nanlilisik ang mga mata niya at napakahigpit ng hawak niya sa baril na anumang oras ay pwede niyang gamitin sa akin kapag may nagawa na naman akong hindi maganda.

"Tulungan mo ako." I mouthed. I couldn't find my own voice. Please, I have a lot of things to say. 

Kumunot ang noo ni Blake at tila ba hindi naintindihan ang sinabi ko. "You are fucking insane." Madiin na wika nito. Nanginginig na siya dahil sa galit habang ako ay dahil sa takot.

"Teka, tama na." Pinaghiwalay kami ni Newt at tinago niya ako sa kaniyang likuran. Wala akong magawa kundi mapakapit sa damit niyang puno ng dugo. "May mali kay Dannah-"

"Exactly!" Sigaw ni Sapphire habang nakahawak sa pulsuhan ni Risei na ngayon ay dumudugo na pati ang noo. "May mali sa kaniya! Ayon ang problema!" Sapphire snapped.

"Intindihin niyo kasi!" Nagulat ko nang biglang sumigaw si Newt. Humigpit lalo ang pagkakahawak ko sa damit niya at ipinikit ng mariin ang aking mga mata.

"Huwag mong sabihing naiintindihan mo ang takbo ng utak ng babaeng 'yan?!" Sigaw ni Risei na ngayon ay nagpupumiglas mula sa pagkakahawak sa kaniya ni Sapphire. 

"Hindi pa sa ngayon pero pinipilit ko siyang intindihin. May mali, Risei." Kumalma na ang boses ni Newt at naramdaman ko ang kamay niyang unti-unting hinawakan ang nanginginig kong kamay. Umatras siya kaya mas lalo pa kaming nagkadikit. 

"Wala akong pakialam! Sinaktan niya ang kuya ko! Anong klase ka?!" Bigla akong naiyak nang ibaling ni Risei ang tingin niya sa akin. Bigla akong nanghina lalo. Magkakatabi sila Sapphire, Risei, at Blake habang nakatingin sa akin. Hindi maipinta ang mga mukha nila. May bahid ng pagkadismaya, inis, galit...

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon