Chapter 23: They're all here

1.5K 123 100
                                    

Multimedia: Casts

⪼ H A D L E Y

"Sorry." Kumalas na ako sa pagkakayakap at pinunasan ang luhang tumulo sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa pero isa lang ang alam ko, hindi ko na iyon dapat ulitin pa. Ako lang rin naman ang mahihirapan kapag nilapit ko na naman ang sarili ko sa kaniya.

Pero bakit gano'n? Why am I hurting alone? Why am I suffering alone? 

"It's okay." Sabi niya kahit alam ko namang hindi. Lumunok ito at magkasabay pa kaming umiwas ng tingin. Nauna na akong maglakad habang iniisip ang ginawa ko kanina. Bumuntong-hininga na lang ako at pinilit iwaksi iyon sa aking isip.

"Breathe." And I breathed. Tuwing ang daming nangyayari sa paligid at iyon ang lagi kong sinasabi ko sa aking sarili. 

Para malibang, inilibot ko na lang ang tingin ko. Bakas ang karahasan rito sa mall. Nakatumba ang mga kagamitan at sobrang daming kalat. May mga natuyong dugo rin sa sahig at sa mga pader. Namatay na rin ang musika na kanina ay lumilikha ng ingay. Wala ng katao-tao sa paligid at napakatahimik na rin.

"Dito." Nauna si Newt sa paglalakad dahil mas alam niya ang daan kaysa sa akin. Sumunod na lang ako. Tahimik lang kaming naglalakad ngunit maya't mayang napapakunot ang aking noo dahil pakiramdam ko ay hindi lang kami ang tao rito. Para bang may sumusunod sa amin. Napahawak na lang ako sa aking swiss knife sa aking bulsa.

"Hadley..." Nagulat na lang ako nang biglang tumigil sa paglalakad si Newt at muntik pa akong mabunggo sa malapad niyang likod. 

"Why?" I asked. Nilingon niya ako and a hint of confusion crossed his face.

"Naririnig mo ba 'yon?" Tanong niya. Nilibot niya ang tingin niya sa paligid at huminto iyon sa isang direksyon. Para bang may nakita siyang kung ano na nakapagpabigla sa kaniya. Dala ng pagtataka, nilingon ko na rin iyon at—

"Shaiala..." I mouthed. 


⪼ S A P P H I R E

"Ang sabi ni Dr. Nio ay bawal raw umalis! Patay tayo!" Sinubukan kaming pigilan ni Blake ngunit desidido na talaga kaming lahat. Hindi kami pwedeng tumunganga lang, hindi namin pwedeng hayaan na lang sila Hadley doon sa Mall. 

Nang hablutin ni Blake ang braso ko, doon na ako nagalit. Iwinakli ko iyon at pinanlisikan siya ng mga mata. Napatigil silang lahat at napatingin sa amin. "I don't care about his rules, Blake. Our friends needs our help." I breathed heavily while staring at his eyes. Reality seems to hit his brain. Mukhang nakukuha na niya ang punto ng pag-alis namin ngayon.

"Sasama kami!" Isang matinis na sigaw ang narinig ko kaya muling kumulo ang aking dugo. Nilingon ko si Leah na ngayon ay nagsusuot na ng sapatos. Nasa tabi niya si Bronze na mukhang wala namang balak sumunod.

"Stay right there. We don't need you." I rolled my eyes. Pinangunahan ko sila sa paglalakad palabas ng gate. Since wala kaming magagamit na sasakyan, no choice kami kundi tumakbo. Hindi rin naman kalayuan ang mall sa bahay ni Dr. Nio.

"Teka, maglalakad lang ba tayo? Paano si Dannah?" Napalingon kaming lahat kay Blake. Nakahawak si Dannah sa kaniyang sikmura pero wala akong makitang bakas ng sakit sa mukha niya. She seems fine so why bother? At isa pa, hindi naman siya sasama sa amin kung hindi niya kaya.

"Sino ba ang nagsabing sumama siya?" Bulong ni Risei kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ito ang oras para mag-away. She rolled her eyes at me and I did the same.

"Let's go. Mabilis lang kumilos ang mga Narcos lalo na't alam nila kung nasaan ang target." Silver zipped up his jacket. 

Mabuti na lang talaga at naisipang lumabas ni Bronze kanina kaya nalaman niya na sumunod pala ang mga Narcos kila Newt at Hadley. 

Infernio Academy 2: Hell To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon