Chapter 03

1.2K 120 140
                                    

"Ayah! Ayah!" tawag ni Hanna. "Ang gwapo nung kumakanta!"

Hindi narinig ni Aliah ang sinabi ng kaibigan dahil sa hiyawan ng mga kababaihan at mga binabae sa tuwing madadaanan sila ng tingin ng lalaking kumakanta. Sa dami ng tao ay hindi na halos makita ang lalaki sa entablado.

"Ow-em-dyi! Did he just look at me?" maarteng sabi ni Miriam. Inayos pa nito ang salamin sa mata upang masigurado na siya nga ang tinitignan ng lalaki sa entablado. "Right! He's looking at me, girls!"

Pinalo ito ni Hanna sa balikat, "Huwag ka ngang feeler! Sa akin siya nakatingin! Oh-my-pink-gosh, guyth! Nakakalimutan kong may boyfriend ako!"

Mula sa pagkakayuko ay inangat ni Aliah ang tingin at mula sa kakaunting puwang sa pagitan ng mga ulo ng mga nasa harapan niya, sinilip niya ang lalaki. Nanlaking bigla ang kanyang mga mata sa nakita, "Seth!"

Sabay na napatingin sa kanya ang mga kaibigan.

"Ano? Nagmura ka ba?" tanong ni Miriam.

"What? Did you just say a bad word?" tanong rin ni Hanna.

"Yung totoo, Han? Translator kita?" nanunuyong sabi ni Miriam. "In-english mo lang sinabi ko e."

"Ay! Sorry na, Yam. Mapapatawad mo pa ba ako?" natatawang sagot ni Hanna.

"Ang sabi ko," umpisa ni Aliah, muling napatingin ang dalawa rito, "siya si Seth."

Itinuro ni Aliah ang lalaki sa entablado at sinundan naman ng dalawa ang kanyang itinuturo. Nagulat ang mga ito. "Kilala mo siya?"

Tumango siya at hindi na mapakali sa kinatatayuan, "Girls, pwede bang maglakad-lakad na muna tayo sa labas?"

"Kakanta pa nga tayo, di ba?" tutol ni Hanna.

"Ang dami kasing tao e," katwiran niya.

Hindi na nagsalita ang dalawa at muli na lamang ibinaling ang tingin sa entablado.

Tumalikod na lamang siya. "Sige, hintayin ko na lang kayo sa labas."

"Sandali!" sabi ni Miriam. Hinawakan siya nito sa braso. "Bakit ka ba nagmamadali? 'Yung totoo, Ayah, may nakaraan ba kayo ng lalaking ito?"

"Ha? H-hindi! Nahilo lang ako. Tama. Nahihilo lang ako," sabi niya at humawak sa ulo.

"You're a terrible liar, Ayah!" sabi ni Miriam.

"Aliah Verde? Ikaw ba yan?"

Natigilan silang tatlo nang umalingawngaw ang tinig ng lalaki sa mikropono. Lahat ay napalingon sa kanilang gawi. Dahan-dahan namang ibinaling ng tatlo ang tingin sa entablado. Nakita nila ang mapuputing ngipin ng lalaki at ang kumikislap nitong mga mata habang nakatingin sa kanila. Napansin din nila ang ilan pang pares ng mata na nakatingin sa kanila. Nataranta ang tatlo. Nagkatinginan sila at magkakasabay na tumakbo palabas ng amusement arcade.

Binitawan ng lalaki ang mikropono at tumunog ang nakapupunit sa taingang tunog ng speaker. Nag-ingay ang mga tao habang tinatakpan ang kanilang mga tainga. Nawala ang atensiyon ng lahat sa tatlong magkakaibigan.

"Bakit nga ba tayo tumatakbo?" usisa ni Hanna.

"Basta. Tumakbo ka na lang," paliwanag ni Miriam.

"Ayaw niyo bang pinagtitinginan tayo? Lakas kaya makaganda nun!"

"Sshh.. Don't," hinihingal na sabi ni Miriam, "speak!"

"Sandali lang, Verde! Please," sigaw ng lalaki mula sa kanilang likuran.

Napatigil sa pagtakbo si Aliah. Ganun din ang dalawa.

"B-bakit kayo tumakbo?"

Humarap dito si Hanna, "Trip lang naming magpahabo—"

Breaking The WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon