KAKATAPOS lamang ng klase nila Aliah. Kasama niyang naglalakad sina Miriam at Hanna sa corridor ng kanilang University.
Nagulat sina Aliah at Miriam nang biglang tumili si Hanna. Natataranta nitong inalabas sa kanyang bag ang isang sobre, "Grabe, girls, ang sweet ng boyfie ko. Tignan niyo! Binigyan ako ng love letter!"
"Leme see!" Hinablot ni Miriam ang sobre at binasa ang sulat doon, "Everytime our eyes meet, this feeling inside me is almost more than I can take. Baby, when you touch me I can feel how much you love me. And it just blows me away?"
Nakangiting tumatango si Hanna habang binabasa ni Miriam iyon, "Sweet, ayt?"
"Sigurado ka bang love letter 'to? Lyrics ng Amazed to eh!" natatawang sabi ni Miriam. Binasa niya itong muli ng pakanta.
"Hindi kaya!" iritableng sabi ni Hanna at hinablot ang sulat kay Miriam. Ibinalik muli nito sa sobre ang sulat at inilagay na sa kanyang bag. Natatawang nagkatinginan sina Miriam at Aliah.
"Siya ba 'yung nililigawan ni Clarence?" Natahimik silang tatlo nang marinig ang pag-uusap ng dalawang babae na nakatayo sa kanilang dadaanan. Pasimple nilang sinulyapan ang mga ito.
Nakataas ang kilay ng mga ito at para bang nandidiring nakatingin kay Aliah. Nainis sina Miriam at Hanna sa tingin ng mga ito. Haharapin na sana nila ito kung hindi lang sila pinigilan ni Aliah. Nilagpasan na lang nila ito at ramdam nila ang pagsunod ng tingin ng mga ito sa kanila.
"Hindi naman pala maganda," natatawang sabi ng babaeng mukhang walis-tambo ang buhok na para bang sa mumurahing salon lang nagpa-rebond. Tumawa naman ang babaeng kausap nito na maganda sana, baduy lang manamit. Naka-blue tops ito, yellow skirt, at naka-running shoes na kulay pula. Stick na lang ang kulang e pagkakamalan na itong watawat ng Pilipinas.
"Birds of the same feather flocks forever!" natatawang sabi ng babaeng baduy.
Nag-init ang ulo nila Miriam at Hanna sa narinig. Paatras nilang binalikan ang dalawang babae, hila-hila sa bag si Aliah. Tinignan nila nang masama ang dalawang babae. Nagulat ang mga ito at natigil sa pagtawa.
"Excuse me? It's birds of the same feather flock TOGETHER!" taas-kilay na sabi ni Miriam. Naghalukipkip siya at ganun din si Hanna. "May problema ba kayo sa amin?"
"Wala," mataray ring sagot ng dalawa at sabay ring naghalukipkip, "pero sa kanya, meron!"
"Ayah!" tawag ni Miriam kay Aliah na noo'y nasa likuran nila. Nag-give way siya para kay Aliah at tinapik ito sa balikat, "Sa'yo raw sila may problema e."
Nakangiti namang lumapit si Aliah dito, "Hi! May problema raw kayo sa akin?"
Nagsalubong ang kilay ng dalawang babae at sabay na ngumiwi. Nagpameywang ang babaeng mala-tambo ang buhok. "Plastic! Nakakainis ka!"
"Miss, bago mo sabihing nakakainis ako tanungin mo naman muna kung natutuwa ba ako sa'yo, huh?" sabi ni Aliah at nakangiting itinaas ang kilay.
"Whatever, bitch! Hindi ka maganda!" inis na sabi ng babaeng baduy.
"Sorry, girls! Wala kasi ako sa mood manlait ngayon. Pwede bang pakibulsa na lang muna ng mga mukha niyo?" sabi ni Aliah. Kumuha siya ng salamin sa kanyang bag at nakangiting inabot iyon sa dalawang babae, "Siya nga pala, mukhang mas kailangan niyo nito. Tinuruan kasi ako ng mga magulang ko na magbigay sa mga less fortunate."
Hindi umimik ang dalawang babae. Kinuha ni Aliah ang kamay ng babaeng baduy at inilagay doon ang salamin. "Mamaya niyo na ako pasalamatan kapag nagamit niyo na, huh?"
Tumalikod na si Aliah sa mga ito at naglakad na.
"Saan ang sumba, te?" natatawang tanong ni Hanna sa babaeng baduy. Tumingin naman siya sa babaeng mala-tambo ang buhok. "Uy! Saan ka nagpa-rebond? Para maiwasan namin 'yang salon na 'yan! Bwahaha"
BINABASA MO ANG
Breaking The Walls
Ficção AdolescenteAliah Verde was raised by her grandparents in Cebu. When her grandparents died, happiness has been a thing of the past for her. She has been preoccupied by her own sorrow and minimized her contact with people. Knowing Aliah's sorrow and depression...