NAKAUPO si Clarence sa sulok ng drawing room. Hawak niya ang isang acoustic guitar at pina-practice tugtugin ang All of me ni John Legend. Itinigil niya ang ginagawa nang makitang humahangos si Samuel papasok ng room.
"Renz! May mga babae raw na nag-aaway sa corridor," hinihingal na sabi nito. "Dahil daw sa'yo!"
"Sa akin?" kunot-noong tanong niya. "Sino?"
"Si Ali 'yung isa, p're! Di ko kilala 'yung apat pang—"
Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Samuel ay tumayo na si Clarence. Inabot niya kay Samuel ang hawak na acoustic guitar at patakbong lumabas ng room. Binitbit naman ni Samuel ang naiwang bag ni Clarence at sumunod dito.
"Shit!" bulong ni Clarence nang madungaw mula sa second floor sina Aliah. Sinasabunutan ito ng isang babaeng 'di niya mamukhaan. Dali-dali siyang bumaba ng building. Papalapit na siya kila Aliah nang may biglang sumigaw na ikinagulat niya.
"Hoy!" sigaw ng isang lalake. Hinanap ni Clarence kung sino iyon. Mula sa crowd ay lumabas ang mukha ng kanyang karibal. Kinusot niya ang kanyang mata upang masiguro na totoo ang kanyang nakikita at hindi nga siya nagkamali. Paano kaya ito nakapasok sa kanilang University?
Sinundan niya ng tingin si Seth. Seryoso ang mukha nito at nakapako lamang ang tingin nito sa iisang direksiyon. Nilagpasan siya nito. Natauhan lamang siya nang makitang hinawakan nito sa kamay si Aliah at kinabig papalapit sa kanyang dibdib.
At sa isang iglap lamang, hawak na ni Seth ang mundo niya. Hindi siya makagalaw na para bang tumigil sa pagtibok ang kanyang puso. At bawat pagtibok nito'y sadyang napakakirot.
"Pre? Okay ka lang?" tanong ni Samuel. Hindi niya ito pinansin at naglakad lamang palapit kila Aliah. Napatigil lamang siya nang biglang humarang sa kanyang view ang kanilang Dean. Hindi na niya naintindihan ang mga sinabi nito dahil ang atensiyon niya ay nakatuon lamang kay Aliah. Gumigilid na ang luha sa kanyang mga mata, wala siyang nagawa para kay Aliah. Hindi man lang niya ito napagtanggol.
Lumakad nang palayo ang kanilang Dean at nakayuko namang sumunod sila Aliah dito. Patakbo siyang lumapit kay Aliah at hinawakan ito sa braso. Marahang lumingon sa kanya si Aliah, bakas ang naghalong hiya at lungkot sa mga mata nito, "R-renz."
"Ali," nanginginig ang kanyang kamay na nakahawak kay Aliah, "sorry!"
Dahan-dahang inalis ni Seth ang kanyang kamay sa braso ni Aliah, "We have an agreement!"
Hinintay niyang magsalita si Aliah subalit tumalikod na ito. Inalalayan ito ni Seth sa paglalakad. Nakayuko na lamang siyang sumunod sa mga ito.
"Pre!" narinig niyang tawag ni Samuel. Nilingon niya ito. Itinaas ni Samuel ang kanyang bag at tumakbo palapit sa kanya. Inabot nito ang bag. Noo'y nakapasok na sa Dean's office sina Aliah kaya't naghintay na lamang sa labas si Clarence kasama si Samuel.
"May problema ba, pre?" tanong ni Samuel. May pag-aalala sa mga mata nito.
"Bakit ganun, pre," malungkot na sabi ni Clarence habang isinusukbit ang camouflage na knapsack, "madalas na napapahamak 'yung mga taong mahalaga sa akin? Karma ba ito o sumpa?"
Tinapik siya ni Samuel sa likod, "Huwag mong sisihin ang sarili mo, pre. Wala kang kontrol sa lahat ng bagay na nangyayari. Hindi mo ito ginusto, di ba?"
"Ayaw ko ng mangyari 'yung nangyari dati," malumanay na sabi ni Clarence. Gumilid ang luha sa kanyang mata, "Hindi ko hahayaang may mapahamak muli dahil sa akin."
"Anong balak mo ngayon, pre?"
Seryosong tumingin si Clarence dito. "Lalayo na ako. Hindi ko kakayanin kung pati kay Aliah ay may mangyaring masama."
BINABASA MO ANG
Breaking The Walls
Teen FictionAliah Verde was raised by her grandparents in Cebu. When her grandparents died, happiness has been a thing of the past for her. She has been preoccupied by her own sorrow and minimized her contact with people. Knowing Aliah's sorrow and depression...