NAGISING si Aliah sa ingay ng kuting na si Alice na nasa kanyang paanan. Kinakakagat nito nang mahina ang paa niya at ikinikiskis ang ulo doon. Inangat niya ang kanyang ulo upang tignan ito.
"Alice, ano ba 'yun?" antok pa niyang sabi. Tumingin siya sa wall clock na nakasabit sa dingding ng kwarto. Alas siyete na ng gabi. Mahimbing pa ring natutulog ang mommy niya sa kanyang tabi. Wala pa rin ang kanyang daddy.
Dahan-dahang tumayo si Aliah at binuhat ang kuting na kanina pang nangungulit sa kanya. Kasama niya itong lumabas ng kwarto. Sa labas ng kwarto ay makikita ang mga antique na gamit. Makaluma ang istilo ng bahay at mapapansin na iilang gamit lang ang mayroon ito kaya naman napakaluwag nitong tignan.
Iginala pa ni Aliah ang kanyang paningin at nakita ang sala. May isang malaking couch at isang maliit na lamesa roon na gawa sa kahoy, may mga bulaklak na ukit ang mga ito. Sa tapat nito ay isang malaking Sony Bravia flat screen TV. Nakasabit ito sa dingding ng sala na siyang sumalungat sa makalumang istilo ng buong bahay.
Habang buhat ni Aliah si Alice ay nilibot niya ang sala. Wala siyang iba pang nakita ritong larawan kundi ang isang painting. Nakaguhit dito ang isang koi fish na may kulay kahel, itim, at puting tagpi. Sa palibot naman nito ay may mga aquatic plants. Napakahusay nang pagkakaguhit nito kaya naman hindi maiwasan ni Aliah ang mamangha.
"What, tita?" Mula sa kinatatayuan ni Aliah ay narinig niya ang boses ni Brett. Sa tono ng boses nito ay parang galit siya sa kausap. Lumakad siya patungo sa pinanggagalingan ng boses na iyon. "Why do you need to do this?"
Habang sinusundan ni Aliah ang pinanggagalingan ng boses ay papalapit siya nang papalapit sa kusina. Napaatras siya nang makitang palakad-lakad sa kusina si Brett. May kausap ito sa cellphone. Mula sa pinto ng kusina ay sumilip lamang siya.
Uminit ang pisngi ni Aliah at nanlaki ang mga mata nang makita si Brett na apron at white silk pants lamang ang suot. Ang biceps at dibdib nito ay nakalabas mula sa apron na suot. Nagbubutil-butil ang pawis nito sa init ng apoy sa kalan. Napalunok si Aliah at agad na inalis ang tingin dito. Sumandal siya sa may pintuan, pumikit at pilit inaalis sa isipan ang kanyang nakita.
Humahalimuyak na ang bawang at sibuyas na iginigisa ni Brett. Nakaramdam siya ng pagkalam ng sikmura. Hinimas niya ang kanyang tiyan upang pakalmahin ito.
"But please, I-i can't, tita. You know, I can't just-- Okay! Okay! Just give me a little time to--"
Napakunot ang noo ni Aliah sa narinig. Bakit ba tila nagmamakaawa itong si Brett sa kanyang kausap?
"H-hello? Hello? Tita? Fvck!"
Muling sumilip si Aliah sa pinto at nakita niyang inis na inihagis ni Brett ang cellphone sa mesa. Nagulat siya sa pagbagsak noon sa mesa kaya't nabitawan niya si Alice. Tumakbo itong papasok sa kusina at umakyat sa mesa.
Nag-panic si Aliah at hinabol ito. "Alice!"
Nang akma na niyang dadamputin si Alice sa mesa ay napaangat ang tingin niya kay Brett. Doon lamang niya napagtanto na nasa loob na siya ng kusina, kaharap si Brett. Pilit siyang ngumiti dito at binuhat si Alice, "S-sorry."
Seryoso lang na nakatingin sa kanya si Brett kaya't nakaramdam siya ng pagkailang. Nagpupumiglas na si Alice sa kanyang hawak. Hindi niya iyon pinansin. Tumalikod na siya kay Brett at sinubukang pakalmahin si Alice, "Psst! Alice, ano ba?"
"Ali!"
Napatigil si Aliah. Muli niyang naalala si Clarence. Hindi siya lumingon at hinintay lamang ang sasabihin nito.
"Nagugutom na ata si Alice? Pakainin mo muna."
Lumingon siya rito at muling nakita ang seryoso nitong mukha. Nang mapansin ni Brett na nag-aalangan si Aliah ay bahagya itong ngumiti. Iniwan muna nito ang niluluto at lumapit sa Refrigerator. Naglabas ito ng freshmilk at naglagay sa isang platito. "Pwede na ba itong freshmilk?"
BINABASA MO ANG
Breaking The Walls
Teen FictionAliah Verde was raised by her grandparents in Cebu. When her grandparents died, happiness has been a thing of the past for her. She has been preoccupied by her own sorrow and minimized her contact with people. Knowing Aliah's sorrow and depression...