WEDNESDAY, araw ni Seth ngayon kaya matiyaga itong naghintay sa labas ng University nila Aliah. Naghintay ito ng humigit kumulang isang oras. Sa paglabas ng University ay kasama ni Aliah ang dalawa niyang kaibigan na sina Hanna at Miriam.
Tumayo na si Seth mula sa kinauupuan nang makita sila Aliah. Lalapit na siya sa mga ito nang patakbong lumapit sa kanya si Hanna. Napatigil siya.
"Hi, Seth! Salamat sa pagsundo!" nakangiting sabi nito at ipinulupot ang braso sa leeg niya. Nagulat siya sa pagyakap nito, nakangiti ngunit salubong ang kanyang mga kilay sa pagtataka. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin.
Lumapit din si Miriam sa kanila. Hinila nito ang ilang hibla ng buhok ni Hanna, "Hoy! Ambisyosang frog! Anong ginagawa mo?"
"Ay! Sorry, Seth! Na-carried away lang!" pa-cute na sabi ni Hanna habang nakayakap pa rin sa kanya. Nginitian lamang niya ito. Napahalakhak si Hanna sa kilig.
"Ano bang klaseng tawa 'yan? Parang tawa ng tambay!" pang-aasar ni Miriam.
"Bakit? May tawa bang pang may trabaho?" taas-kilay na tanong ni Hanna.
"Lol!" Taas-kilay ring sabi ni Miriam. Hinila niya si Hanna at napabitaw ito mula sa pagkakayakap kay Seth. "Payakap nga rin ako, Seth."
Hindi na nakakibo si Seth at hinayaan lamang ang dalawa na nag-aagawan sa pagyakap sa kanya. Tumingin si Seth kay Aliah at nakita itong nakangiti habang nakatayo sa di kalayuan. Nakamasid lamang ito sa kanila. Makita lang ni Seth ang matamis na ngiti ni Aliah ay sapat na para makaramdam din siya ng kasiyahan.
Naramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Miriam kaya't nabaling muli ang atensiyon niya rito.
"Hala siya! Talandi rin e, 'no?" pang-aasar ni Hanna.
Bumitaw si Miriam sa pagkakayakap at dinilaan si Hanna, "Akala mo ikaw lang, huh?"
Natatawang lumapit si Aliah at sinuway ang mga kaibigan, "Kawawa naman si Seth, nilamog niyo na."
"Ay! Sorry! Sorry!" sabay na sabi ng dalawa at kunwari'y pinagpagan ang katawan ni Seth.
"Pwede ka ring yumakap, Aliah!" nakangiting sabi ni Seth.
"Uyy! Duma-the moves!" tukso ng dalawa.
"Kayo talaga, puro biro! Tara na!" Nakangiting sabi ni Aliah. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kayang tumingin sa mga mata ni Seth nang hindi kumakabog ng mabilis ang dibdib.
"Sige na, Ayah, mauna na kayo! May date kayo, di ba?" sabi ni Miriam. Kumaway na ito at nagpaiwan na sa waiting shed kasama si Hanna.
***
DINALA ni Seth si Aliah sa isang fine dining restaurant. Nagutom daw kasi ito sa paghihintay kaya't inaya si Aliah na kumain. Hindi naman lubos akalain ni Aliah na sa ganito kagandang lugar sila kakain. Maging ang mga pagkain dito ay hindi niya kilala kaya't hinayaan na lamang niya si Seth na um-order.
Habang kumakain ay hindi mapigilan ni Aliah ang mamangha sa napakagandang ambience ng lugar kaya't patuloy niyang inililibot ang kanyang tingin. Sa movie lang kasi niya nakikita ang mga ganitong klase ng lugar na may naglalakihang chandelier, mga antique na gamit, at mga musikerong patuloy na nagtutugtog ng violin. Lahat ng tao rito ay nakapostura. Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa suot niyang uniporme.
"Masyado namang magarbo rito, Seth. Parang hindi naman ako bagay dito. Ang gaganda nila oh."
"Mas maganda ka pa rin sa kanila," nakangiting sabi ni Seth at hindi maalis ang tingin kay Aliah. Saglit na napatingin si Aliah kay Seth. Nagkasalubong ang kanilang tingin. Agad namang binawi ni Aliah ang tingin at itinuon na lamang sa kanyang pagkain.
BINABASA MO ANG
Breaking The Walls
Teen FictionAliah Verde was raised by her grandparents in Cebu. When her grandparents died, happiness has been a thing of the past for her. She has been preoccupied by her own sorrow and minimized her contact with people. Knowing Aliah's sorrow and depression...