DUMATING na ang kaarawan ni Aliah, habang mahimbing siyang natutulog ay naramdaman niya na may dumampi sa kanyang noo. Dahan-dahan niyang iminulat ang isa niyang mata habang ang isa ay nanatiling nakapikit. Bumungad sa kanya ang nakangiting imahe ng daddy niya. Nakaupo ito sa gilid ng kanyang kama, "Good Morning, anak!"
"D-dad?" hindi makapaniwalang sabi niya.
"Surprise!" nakangiting sabi nito. Hinaplos nito sa ulo si Aliah, "Pasensiya ka na, anak, ha? Laging wala si Daddy sa tabi mo."
Hindi pa rin makapaniwalang nakatingin si Aliah dito. Hindi niya alam kung panaginip ba o totoo ang kanyang nakikita. Mula sa bulsa ng daddy niya ay may inilabas itong isang maliit na box, "Happy birthday! I have something for you!"
Kinuha ni Aliah ang box at tumingin sa daddy niya.
"Open it!" nakangiting sabi nito.
Binuksan niya ang box. Sa loob noon ay may isang white gold na kwintas at ang pendant ay ang limang letra ng kanyang pangalan. Hinipo niya ang bawat letra at nakangiting tumingin sa daddy niya, "Salamat, daddy."
Hindi malaman ni Aliah kung paano niya i-eexpress ang kanyang kasiyahan. Natutuwa siya sa presensiya ng daddy niya at 'yun lang ay sapat ng regalo para sa kanya, "I missed you, dad."
Ngumiti ang daddy niya at niyakap siya, "Wala po ba kayong pasok, dad?"
Kumalas sa pagkakayakap ang daddy niya, "Wala. Kaarawan ng prinsesa ko e, kaya dapat dito lang ang King sa tabi niya."
Labis ang tuwa ni Aliah sa sinabi ng daddy niya. Ngayon lang niya naramdaman ang paglalambing ng isang ama, "Anak, inaantok ka pa ba? Kung gusto mo pang matulog, matulog ka pa."
"Babangon na po ako," nakangiting sabi niya.
"Okay. Let's have breakfast, nagluto ng paborito nating tapsilog si mommy. C'mon!" sabi ng daddy niya pagkatapos ay tumayo na ito at lumabas ng kwarto.
Dali-dali namang sumunod si Aliah. Pagkalabas niya ay sinampal niya muna nang ilang ulit ang sarili, "Aww! Hindi ito panaginip. Oh my God! Hindi ako nananaginip!"
Lumakad siya papuntang dining room, "Mom, Dad?"
Napatigil siya nang makita ang kanyang parents. Sabay na napalingon ang mga ito sa kanya. Ngumiti ang mommy niya, "Come here, honey. Let's eat!"
Bago lumapit ay sandali muna siyang pumikit, "Thank you, Lord!"
Niyakap siya ng mommy niya at hinalikan sa pisngi, "Happy birthday, honey!"
Walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman ni Aliah. Kahit ngalay na ang kanyang labi sa pag-ngiti ay hindi pa rin ito nagsasawang ngumiti.
Habang kumakain sila ay sinabi ng mommy niya na pupunta sila ng Mall. Muntik na siyang mabulunan sa narinig. Sa apat na taon kasi niyang paninirahan kasama ng mga magulang ay hindi pa sila nakapamasyal nang magkakasama, "Ano po'ng gagawin natin sa Mall, Mom?"
"I'll buy you a dress."
Napatigil sa pag-kain si Aliah, "Dress?"
"Yup."
"Para saan po? Hindi naman po ako mahilig sa dress."
Ngumiti ang mommy niya, "Honey, you're 18 na remember? Kailangan mo nang sanayin ang sarili mo na magsuot ng dress. You should look like a woman na."
***
NASA mall na sila at pumipili ng dress. Ilang store na ang kanilang napasukan subalit wala pa rin siyang magustuhang dress.
BINABASA MO ANG
Breaking The Walls
Teen FictionAliah Verde was raised by her grandparents in Cebu. When her grandparents died, happiness has been a thing of the past for her. She has been preoccupied by her own sorrow and minimized her contact with people. Knowing Aliah's sorrow and depression...