Chapter 20

617 71 23
                                    

ILANG MINUTO matapos mag-walk out ni Aliah ay nakita naman nila Miriam at Hanna na nagmamadaling tumakbo palabas ng room si Seth. Sinundan nila ito ng tingin at agad na kinuha ang kanilang mga bag upang habulin ito. Palabas na rin sana sila ng pinto nang bigla silang harangan nila Ms. Baduy at Ms. Tambo.

"Ey, social timers! Sabihan niyo 'yang bitchy friend niyo na huwag siyang mag-inarte dahil hindi siya maganda! May pa-walk out walk out pa siyang nalalaman. Pwe!" sabi ni Ms. Tambo.

"Ay! Nakakaloka 'to! Tinawag tayong social timers, Hanna girl? As in 'social timers' talaga?" natatawang sabi ni Miriam. "Mas malala pa pala ang tama ng mga ito sa'yo e!"

"What are you talking about?" inis na sabi ni Ms. Baduy. "Do you think we're brainless just like your freaky friend? The nerd! Stop us! Tigilan niyo kami, ha?"

"Stop us? Aba'y tinagalog pa," natatawang sabi ni Miriam.

Natawa rin si Hanna rito, "Okay, we'll stop you only if you give us alone!"

Gulat na napatingin si Miriam sa kaibigan, "Mukhang nagkakaintindihan kayo? Kayo na lang kaya ang mag-usap? I'm outta here."

Hinawi ni Miriam ang dalawang babaeng nakaharang sa pinto. Sa lakas ng pagkakahawi niya ay wala ng nagawa ang mga ito. Agad namang humabol si Hanna sa kaibigan. "Uy, Yam! I'm just jokening only e. Promise! Close my heart!"

Natawa si Miriam dito at hinawakan ito sa braso. "Ikaw talaga, ang cute cute mo. 'Yun ay kung hindi ka lang kamag anak ni Booba. Promise, CROSS my heart!"

"Ito naman!" parang batang sabi ni Hanna.

"Anyways, style ko lang 'yun para maka-walk out tayo," bulong ni Miriam. Hinigpitan niya ang pagkakahawak kay Hanna. "One... two... three... takbo!"

NANG makalabas sila ng University ay natanaw nila si Seth na nag-aabang ng jeep. Pumara na ito ng jeep at nasa akto nang sasakay.

"Seth!" buong lakas nilang sigaw. "Seth, sandali!" 

Napalingon si Seth sa dalawa at hindi na muna ito sumakay ng jeep. Patakbo silang lumapit dito. Noo'y kunot-noong nakatingin si Seth sa kanila, "Bakit?"

"Foot rest! Sandali lang, nakakapagod kaya tumakbo!" hinihingal na sabi ni Hanna. Nakayuko siya at ang kanyang mga kamay ay nakatukod sa magkabilang tuhod.

"Watch your word," saway ni Miriam sa kaibigan habang nakatakip ng panyo sa bibig upang itago ang pagkahingal. Pinagpawisan sila sa pagtakbo.

Namumuo rin ang butil ng pawis ni Seth na hinayaan lamang nitong tumulo mula sa kanyang sintido, pababa sa baba at leeg. Ang hot nitong tignan lalo na kapag pinagpapawisan. Lalong uminit ang pakiramdam ng dalawa nang makaharap na nila si Seth. Sabay silang napalunok at pasimpleng inayos ang kanilang mga buhok. 

"S-seth, kami na lang muna ang kakausap kay Ayah," mahinahong sabi ni Miriam nang mabawi na ang normal na paghinga. "Narinig namin yung sinabi ni Ayah kanina, Seth. Payong kaibigan lang, kung magmamahal ka, huwag mong isakripisyo at ibuhos ang lahat ng mayroon ka. Magtira ka naman para sa sarili mo. Tandaan mo, lahat ng umaapaw ay nasasayang." 

Hindi umimik si Seth. Umiwas ito ng tingin habang pinipigil ang pagtulo ng luha. Umalis na sina Miriam at Hanna. Naiwan doon si Seth na nakayuko at tulala.

Nakangiting bumulong si Hanna kay Miriam, "Ang galing mo, Yam, saan mo naman nakuha yung sinabi mong 'yun? Parang familiar?" 

"Psst! 'Wag kang maingay, quotes 'yun!" seryosong sabi ni Miriam at sabay silang napahagikgik.

"Kapag nagmahal ako..." 

Napatigil sila sa paghagikgik nang marinig nilang nagsalita si Seth. Marahan silang lumingon dito. 

Breaking The WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon