NAGING balisa na si Aliah matapos makausap si Seth. Pumasok siya ng silid at naupo sa tabi ng mga kaibigan. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat subalit hindi pa rin mapalagay ang isip niya.
Naiinis siya sa sarili dahil hinusgahan niya agad ang pagkatao ni Clarence. Hindi man lamang niya ito binigyan ng pag-aalinlangan. Binitawan niya ang ballpen na hawak at tumingin sa mga kaibigan.
"Yam, Han," tawag niya, "puwede bang kayo na ang tumapos nito? Kailangan ko lang makausap si Clarence. Ako na lang gagawa ng assignments niyo sa Accounting. Ha? Thanks!"
Hindi pa man nakakasagot ang dalawa ay sinukbit na niya ang kanyang bag at tumakbo nang palabas ng silid.
"Hay... Pag-ibig nga naman. Hahamakin ang lahat masunod lamang," umiiling na sabi ni Miriam.
***
NAGTUNGO si Aliah sa Engineerig Building kung saan sa palagay niya'y naroon si Clarence. Nang makarating doon ay nagtanong siya sa mga kalalakihang nag-uumpukan, "Pwede bang magtanong? Kilala niyo ba si Clarence?"
"Clarence?" sabay-sabay na sabi ng mga ito.
"Ahm, nakalimutan ko kasi 'yung surname niya e."
"Si Clarence Atkins, Miss?" tanong ng isa sa mga kalalakihan. Hindi siya sigurado sa apelyido pero tingin niya ay iyon nga ang sinabi ni Clarence nang magpakilala ito sa kanya.
"Oo, 'yung moreno na makulit tapos tumutugtog sa banda," pagkukumpirma niya.
"Siya nga, Miss," sagot muli ng lalake. "Tingin ko nasa room 311 pa siya?"
"311?" paniniguro niya.
Ngingisi-ngising tumango ito.
"Salamat," sabi niya at tumalikod na. Narinig niyang humagikgik ang lalake at ang mga kasama nito. Nilingon niya ang mga ito na sabay-sabay namang tumahimik na ani mo'y mga batang nahuli mong may ginagawang kapilyuhan. Hindi na lamang iyon pinansin ni Aliah.
Hinanap na niya ang room 311. Bumaba. Umakyat. Kumanan. Kumaliwa. Ilang beses na niyang naikot ang building subalit hindi niya makita ang room 311.
Napagtanto niyang napag-trip-an siya ng mga kalalakihang kanyang napagtanungan. Salubong na ang kanyang kilay at padabog nang bumababa ng building, kinasusuklaman ang mga lalaking napagtanungan kanina.
"Hi, Miss!" bati ng isang lalake mula sa grupo ng kalalakihang nakatambay sa may hagdan.
Hindi niya ito pinansin.
"Hanap mo ba ay pag-ibig? Nandito lang ako," natatawa pang dugtong nito.
Ibinaling ni Aliah ang tingin dito. Nanlilisik ang kanyang mata sa inis ngunit kumalma siya nang makilala ang grupong ito.
Nakita niyang tumayo ang isang lalake at kinaltukan ang lalaking nagsalita kanina, "Gago, Matt. Si Aliah 'yan!"
Nagtataka siyang napatingin sa lalaking tumayo. Kung hindi siya nagkakamali ay ito si Samuel. Nakangiti itong lumapit sa kanya, "Hi! Hinahanap mo si Renz?"
Tumango siya, "Hindi niyo ba siya kasama?"
"Gago, p're, nabuntis ata ni Renz?" bulong nung isa pa.
Narinig ni Aliah ang sinabi nito kaya't inis niya itong tinignan, "Excuse me?"
"Hoy! Tangina, John. 'Yang bunganga mo, ha! Respeto naman oh!" saway ni Samuel habang itinuturo ang lalake.
Nabigla si Aliah sa pagmumura ni Samuel kaya't bahagya siyang napaatras.
Tumingin itong muli sa kanya, "Pasensiya na, Aliah, mga tarantado talaga ang mga 'yan. Huwag mo na lang pansinin. Tara, dun tayo!"
BINABASA MO ANG
Breaking The Walls
Teen FictionAliah Verde was raised by her grandparents in Cebu. When her grandparents died, happiness has been a thing of the past for her. She has been preoccupied by her own sorrow and minimized her contact with people. Knowing Aliah's sorrow and depression...