LUMIPAS ang ilang araw ay nakapasok na si Aliah. Itinago niya sa mga kaibigan ang nangyari. Unti-unti na ring bumalik sa normal ang kanyang buhay. Malayo man ang apartment na kanilang tinutuluyan ay hindi naman siya nahihirapan sa pag-biyahe. Nariyan din naman sina Seth at Clarence na sumusundo at naghahatid sa kanya.
"Ali," sabi ni Clarence. Hinatid niya si Aliah pauwi at ngayo'y naglalakad na silang papasok ng apartment nila Aliah, "gusto sana kitang imbitahan bukas na kumain sa labas."
"Bukas?"
"Oo, pwede bang mahiram ang isang Sunday mo?" nakangiting sabi ni Clarence habang kumakamot sa kanyang batok.
"Clarence, kasi..."
"Please?" nakangiting sabi nito na parang batang humihingi ng pabor.
"... hindi kasi ako pwede bukas, Clarence."
Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ni Clarence, "Ganun ba?"
Tumango si Aliah, "Next time na lang, Clarence. Sorry."
"Di mo naman kailangang mag-sorry, Ali," sabi ni Clarence at pilit na ngumiti. "Sige, pasok ka na!"
Kumaway siya kay Aliah bago tumalikod at lumakad nang palayo. Napahilamos si Aliah sa kanyang mukha pagtalikod ni Clarence. Hindi niya masabi rito na una na niyang na-commit ang Sunday niya kay Seth.
***
"Ano'ng problema, anak? Para kang naluging intsik diyan ah!" puna ng daddy niya habang sila ay kumakain.
"Wala po."
"Gumugulo pa rin ba sa isip mo ang mga nangyari?"
"Hindi po."
Naramdaman niya ang paghawak ng mommy niya sa kanyang braso, "Ano'ng problema, honey?"
Nilingon niya ito, "Nagi-guilty ako, mommy. Niyayaya po ako ni Clarence na kumain sa labas bukas pero una na po akong naka-oo sa imbitasyon ni Seth kaya tinanggihan ko na po si Clarence."
"Pumayag ka nang hindi nagpapaalam sa amin?" seryosong tanong ng daddy niya.
"Alfonso..." saway ng mommy niya.
Napakamot sa ulo si Aliah nang ma-realize ang kanyang ginawa, "Sorry, dad, nawala po sa isip ko."
"Hindi... hindi ka sasama kay Seth o kay Clarence. Unless, pumunta sila rito at ipagpaalam ka."
"Opo, dad."
"Honey, don't worry about Clarence. Mabait na bata naman 'yun, I'm sure na maiintindihan niya."
Nagkunwaring inuubo ang daddy niya. Sabay silang napalingon dito ng mommy niya. Inilapit ng daddy niya ang bibig malapit sa tainga ng kanyang mommy. "Di naman halatang botong-boto ka kay Clarence?"
"Pinapagaan ko lang ang loob ng anak natin," bulong rin ng mommy niya.
"Mom... dad, masyado po atang malakas ang mga bulong niyo?" nakangiting sabi ni Aliah. Awkward na ngumiti rin ang kanyang mga magulang at nagpatuloy na sa pagkain.
***
KINABUKASAN, ala una pa lamang ng hapon ay nasa apartment na nila Aliah si Seth. Ipinagpaalam nito si Aliah sa kanyang mga magulang. Magsisimba raw muna sila at saka magtutungo sa lugar na pagdadausan ng selebrasyon. Pormal ang suot ni Seth kaya naman isang simpleng pink dress ang ipinasuot sa kanya ng mommy niya. Damit raw ito ng mommy niya noong ito'y dalaga pa.
"You look beautiful, honey. Alam mo, lucky charm ko 'yang dress na 'yan. Suot ko 'yan nang makilala ko ang dad mo," kinikilig na sabi nito.
"Ibig sabihin po kasing payat ko kayo noon?" nakangiting tanong ni Aliah.
BINABASA MO ANG
Breaking The Walls
TeenfikceAliah Verde was raised by her grandparents in Cebu. When her grandparents died, happiness has been a thing of the past for her. She has been preoccupied by her own sorrow and minimized her contact with people. Knowing Aliah's sorrow and depression...