Chapter 12

770 89 59
                                    

MASAYANG pumasok si Aliah sa University. Magaan na ang loob niya dahil naayos na ang problema niya sa kanyang mga magulang. Papasok na sana siya sa gate ng University nang marinig niyang may tumawag sa kanyang pangalan.

Lumingon siya at hinanap ang pinanggalingan noon. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makita si Seth na nakangiti sa kanya. Nakasuot ito ng unipormeng pang seaman, hawak ang kanyang white hat. Lalo itong gumwapo sa suot na uniporme. Kaya naman maraming kababaihan ang napapalingon dito.

"Hi!" bati nito sa kanya. Naglakad itong palapit sa kanya, dahilan upang matulala siya rito. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

"H-ha? O-okay naman ako, Seth," may pag-aalangang sagot niya. Hindi niya mawari kung bakit ganun ang tanong nito. Marahil ay nalaman nito na naglayas siya. Sino nga ba ang hindi makakaalam?

Tumango si Seth, "Mabuti. Sabi kasi ng parents mo sumama raw bigla ang pakiramdam mo kaya't bigla kang nawala sa party mo."

"Sumama? A-ahh! Oo... Sorry hindi na ako nakapagpaalam sa inyo."

"Sigurado ka bang okay ka na? Namumutla ka kasi e," tanong ni Seth at inilapat ang likod ng palad sa noo niya. Nag-init ang pisngi niya sa ginawa nito at bahagya siyang napaatras.

"Ugh, Seth, okay lang ako. Salamat sa concern!" sabi niya at pilit na ngumiti. "Sige, baka ma-late na ako e." 

Kumaway siya at tumalikod na. Napatigil siya sa paglalakad nang muling magsalita si Seth. "Hihintayin kita mamaya. Anong oras ang uwian niyo?" 

Napangiti siya at marahang lumingon dito, "Sigurado ka? Alas sais pa ang uwian namin."

Tumango si Seth at ngumiti, "Sige, maghihintay ako."

Pagkatapos noon ay hindi  na maalis ang ngiti sa labi ni Aliah. Pagpasok niya sa classroom ay natahimik ang kanyang mga kaklase. Sinundan siya ng tingin ng mga ito. Nabasag lamang ang katahimikan nang sumigaw ang dalawa niyang kaibigan, "Ayah, girl!" 

Sabay na tumakbo ang mga ito palapit sa kanya at yumakap. Magkakapit-bisig silang nagtungo sa kanilang mga upuan. Tulad ni Seth ay kinamusta rin siya ng mga ito kung okay na ang kanyang nararamdaman.

***

NANG matapos na ang lahat ng klase nila Aliah sa maghapon ay agad niyang tinignan ang cellphone. May isang text message mula kay Seth, "Already here. Waiting. ~Seth 3:45 p.m." 

Tinignan niya ang oras. Passed 6:00 na. Nagmamadaling isinuksok niya ang mga gamit sa bag at binitbit ito. Ang dalawa niyang kaibigan ay nagtatakang napatingin sa kanya. Agad ding binitbit ng mga ito ang kanilang bag at sumunod kay Aliah.

"What's wrong, Ayah?" tanong ni Miriam. 

Hindi sumagot si Aliah dahil abala na siya sa pagte-text. Hindi pa niya nase-send ang text message nang may nakabangga siya. Nabitawan niya ang cellphone. Nagkahiwa-hiwalay ito pagbagsak sa sahig. Napailing na lamang siya sa inis at pinulot iyon.

"Oh! Ayah!" gulat na sabi ng dalawa niyang kaibigan at patakbong lumapit sa kanya. Tinulungan siya ng mga ito sa pagpulot ng nagkahiwa-hiwalay niyang cellphone.

"Ali?" sabi ng nakabangga niya. Napaangat siya ng tingin dito. "Sorry, Ali! Ang clumsy ko talaga. Pagliko ko kasi hindi kita agad nakita." 

Matapos marinig ang paliwanag nito ay ibinalik na niya ang tingin sa cellphone. Inilagay niya ito sa ayos. "Okay lang, Clarence, hindi rin naman kasi ako nakatingin sa daan." 

"Magkakilala kayo?" sabi nila Miriam at Hanna. Lumingon sina Clarence at Aliah sa dalawa. Hindi na nila sinagot ang tanong ng mga ito at ibinaling muli ang atensiyon sa isa't isa.

Breaking The WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon