HINDI pa sumisikat ang araw ay nakaramdam na ng kakaibang init si Aliah mula sa kanyang kinahihigaan. Tinanggal niya ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan. Ang mga kaibigan niyang katabi ay hindi na rin mapakali. Inubo siya na sinundan rin ng pag-ubo ng kanyang mga kaibigan.
Dahan-dahang iminulat ni Aliah ang mga mata dahil sa kakaibang pakiramdam at nagulat siya sa nakita. Ang kalahating parte ng kanyang kwarto ay nilalamon na ng apoy. Napabalikwas siya sa kinahihigaan at inuga ang dalawang kaibigan. "S-sunog! Sunog!"
Napabalikwas rin ang dalawa sa narinig.
"FOOT REST!" sigaw ng mga ito. Nataranta sila at dinampot ang ano mang bagay na makita nila. Nagmamadali silang lumabas ng kwarto. Tumakbo ang dalawa sa kwarto ng parents ni Aliah at kumatok sa pinto nito, "Tito! Tita! May sunog po! May sunog po!"
Bumukas ang pinto sa kwarto ng parents ni Aliah. Gulat ang itsura ng mga ito. Itinuro nila Hanna at Miriam kung saan nagmumula ang sunog at tumakbo ang mga ito papunta roon. Si Aliah ay nasa kwarto pa rin at sinusubukang iligtas ang kanyang mga gamit.
"Honey! Hayaan mo na 'yan! Lumabas na tayo!" sabi ng mommy niya habang hawak siya sa braso at pinipigilan na sa patuloy na paghahakot.
Tumutulo ang luha sa mga mata ni Aliah habang ginagawa iyon. "Mommy, ang mga gamit ko. Iba po sa kanila ay bigay pa nila lolo't lola."
Ang daddy ni Aliah ay pumunta sa labas ng bahay at kinuha ang water host sa garden. Sinubukan niyang iapula ang apoy mula sa labas na bahagi ng kwarto ni Aliah subalit walang nangyari.
Natataranta na sina Miriam at Hanna sa kakahagilap ng numero ng bumbero sa phone directory.
"It's not working! Lumabas na tayo!" sigaw ng daddy ni Aliah mula sa pinto ng bahay. Mabilis na kumakalat ang apoy. Binuhat na nila palabas ng gate ang ano mang bagay na kanilang mahawakan.
PAGKALIPAS ng isang oras ay natupok na ng apoy ang buong bahay. Tulala na lamang silang nakamasid dito. Ang tatlong magkakaibigan ay magkakayakap at nag-iiyakan. Magkayakap rin ang parents ni Aliah subalit hindi sila umiiyak. Lungkot lamang ang mababasa mo sa kanilang mga mata.
Tambak ang gamit sa labas ng gate. Maya-maya pa'y rumisponde na ang mga bumbero at binomba na ng tubig ang nasusunog na bahay. May mga pulis rin na dumating upang imbestigahan ang pangyayari at may mga media.
"Ma'am, ano po ang nangyari dito?" tanong ng pulis habang hawak ang isang ballpen at papel. Matipuno ang pangangatawan nito at hindi akma sa itsura nito ang hawak na ballpen at papel.
"Can't you see? Nasusunog ang bahay namin!" inis na sabi ng mommy ni Aliah. Tumango lamang ang Pulis at may isinulat sa papel na hawak.
"Saan po ba nagsimula ang apoy?" tanong muli ng pulis.
Napakunot ang noo ng mommy ni Aliah. Sumulyap ito sa magkakaibigan, "Sa kwarto ng anak ko."
Hindi na alam ng mommy ni Aliah ang sagot sa iba pang mga katanungan ng pulis kaya naman sila Aliah na ang tinanong nito. Nang tanungin sila Aliah kung saan sa palagay nila nag-umpisa ang sunog, naalala niya ang naiwan nilang bukas na computer bago matulog. Naaliw na kasi sila sa pagkekwentuhan kaya't nawala na iyon sa isip nila.
Inilagay ng pulis sa kanyang note ang sinabi ni Aliah. Nagtanong-tanong din ang pulis sa mga kalapit-bahay nila Aliah, na noo'y nasa labas din ng kani-kanilang bahay at nakiki-usyoso. Ang mommy at daddy naman ni Aliah ay kinukulit na ng media tungkol sa pangyayari subalit tumanggi na silang magsalita.
PASIKAT na ang araw nang maapula ang apoy. Ang bahay nila Aliah na dati'y kulay bughaw ay nag-kulay uling na. Ang mga halaman sa kanilang hardin, ngayon ay abo na lamang.
BINABASA MO ANG
Breaking The Walls
Teen FictionAliah Verde was raised by her grandparents in Cebu. When her grandparents died, happiness has been a thing of the past for her. She has been preoccupied by her own sorrow and minimized her contact with people. Knowing Aliah's sorrow and depression...