NATAUHAN si Aliah nang marinig ang busina sa labas. Si Clarence naman ay napatayo rin nang makita ang reaksiyon ni Aliah. Patakbong lumapit si Aliah kay Clarence, "Clarence! Sila Mommy na ata 'yun? Umuwi ka na!"
Hinawakan ito ni Aliah sa braso at itinulak palabas ng bahay. Natatawa naman si Clarence sa pagpa-panic ni Aliah, "Teka! Hindi mo ba ako ipapakilala sa parents mo?"
"Hindi," sabi ni Aliah at buong pwersang itinutulak si Clarence.
Tinigasan ni Clarence ang kanyang katawan at natatawang nilingon si Aliah, "Sabihin mo muna kung bakit."
"Kasi ayaw ko! Alis na kasi!"
"Kiss muna."
Tinigil ni Aliah ang pagtulak at tinignan ito nang masama. Nginitian naman ito nang nakakalokong ngiti ni Clarence. Kinurot ito ni Aliah, "Nakakaloko ka na ah!"
"Aww! Binibiro ka lang!" natatawang sabi ni Clarence at hinaplos ang bahaging kinurot ni Aliah. Akma uli itong kukurutin ni Aliah kaya naman patakbo na itong lumabas ng bahay.
"Uy!" tawag ni Aliah, "Hindi diyan! Dito sa likurang gate!"
Dali-dali namang umikot si Clarence sa direksyong itinuro ni Aliah. Nang makarating doon ay dahan-dahan nitong binuksan ang gate, tumutunog ang bakal na bukasan ng gate habang tinataas-baba ni Clarence.
Kinabig ni Aliah si Clarence at siya na ang nagbukas ng gate. Pagkatapos ay pinagtulakan na niyang palabas si Clarence.
"Wala ba talagang goodbye kiss?" biro ni Clarence. Inambahan ito ni Aliah ng suntok. Natatawa namang ipinangsangga ni Clarence ang kanyang braso.
"Sige na! Bye!"
"Teka, Ali-" Isinarado na ni Aliah ang gate.
Narinig ni Aliah na bumukas na ang front gate. Lumakad siya sa may garden upang silipin ito. Nakita niyang pumasok ang mommy niya kasunod ang kotseng minamaneho ng daddy niya. Marahan siyang naglakad palapit sa mommy niya. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi niya alam kung paano i-aapproach ito.
Nang makapasok na ang kotse ay isinara ng mommy niya ang gate. Bumaba na rin sa kotse ang daddy niya. Nagpakawala si Aliah ng isang malalim na paghinga.
"Mom! Dad!" nanginginig ang boses na sabi niya. Napahinto ang kanyang mga magulang at sabay na lumingon sa kanyang kinaroroonan.
"Ayah!" sigaw ng mommy niya. Patakbo itong lumapit sa kanya at niyakap siya. Ang daddy naman niya ay matamang lamang na nakatingin sa kanya. Kumalas sa pagkakayakap ang mommy niya at hinawakan siya sa magkabilang braso. "My God, Ayah! We've been searching for you! Saan ka ba nanggaling? Okay ka lang ba?"
Tumango siya.
"God! Thanks you're alright," sabi ng mommy niya at muli siyang niyakap.
"Kanina ka pa ba dito, anak?" tanong ng daddy niya.
"Opo, dad."
"Huwag mo nang uulitin 'yun, anak, delikado para sa isang babae. Nag-alala kami nang husto ng mommy mo."
"Sorry, daddy. Sorry, mommy!" malumanay na sabi niya.
"Let's go inside!" nakangiting sabi ng mommy niya. Inilagay nito ang kamay sa beywang ni Aliah. "Kumain ka na ba, honey?"
"Opo," Naiilang na sabi ni Aliah. Kahit ngayong kaharap niya ang kanyang mga magulang ay may pag-aalangan pa rin sa kanyang puso. Marami pa ring katanungan ang tumatakbo sa isip niya. Katanungang kailangan ng mga kasagutan. Tahimik lamang niyang pinagmamasdan ang magulang niya habang naghihintay ng tamang pagkakataon upang magtanong.
BINABASA MO ANG
Breaking The Walls
Teen FictionAliah Verde was raised by her grandparents in Cebu. When her grandparents died, happiness has been a thing of the past for her. She has been preoccupied by her own sorrow and minimized her contact with people. Knowing Aliah's sorrow and depression...