Chapter 25

358 39 6
                                    

TUESDAY, excited na naglalakad si Clarence sa corridor hawak ang isang supot. May laman itong breakfast na binili niya sa McDonalds. Agad siyang nagtungo sa room nila Aliah.

"Miss, pwede bang pakitawag naman si Ali?" pakisuyo niya sa kaklase ni Aliah na noo'y lumabas ng room.

Kunot-noo naman itong tumingin sa kanya.

"Aliah Verde," paglilinaw niya.

Tumango ang babae at saka muling pumasok ng room, "Hanna! Si Aliah?" 

"Wala pa! Why?" narinig niyang sagot ni Hanna.

"May poging naghahanap sa kanya," sabi ng babae. Napangiti siya sa  narinig. Hindi na sumagot si Hanna.

Maya-maya'y nakangiting lumabas ang babae. "Wala pa raw e."

"Ahh... Sige, salamat!" sagot niya. Tumango ang babae at tumalikod na. Aalis na sana siya nang bigla namang sumilip sa pinto ang mga kaibigan ni Aliah.

"Uy! Si Ali?"

"Hindi pa dumadating. Bakit?" tanong ni Miriam.

"Dinalhan ko kasi siya ng food," sabi ni Clarence at inangat ang supot na hawak.

"Wow, sweet! Ano 'to condo? Dala ka food?" natatawang sabi ni Hanna. "Baka na-late lang ng gising 'yun? Gusto mo kami na lang mag-abot?"

"Kumakain ba kayo ng tapa?" 

"Hindi. Bakit?" sabay na tanong ng dalawa.

"Okay, good. Safe ito sa inyo. Pabigay na lang, ha?" natatawang sabi niya at inabot na ang supot. "Salamat!"

"Don't worry, makakarating ito kay Ayah," sabi ni Miriam.

Tumango siya, "Sige, mauna na ako."

"No! Bata ka pa!" biro ni Hanna. Binatukan ito ni Miriam. "Sige na nga, mauna ka na!"

"Sige, Clarence!" sabi ni Miriam. Kumaway na silang dalawa at pumasok na ng room. Mabagal na naglakad si Clarence pababa ng building, nagbabaka-sakaling makasalubong si Aliah.

***

"Goodmorning, class!" sigaw ni Prof. Samson pagpasok nito sa room.

Sabay-sabay na tumayo ang mga estudyante, "Goodmorning, Ma'am Samson!"

"Sit down!" utos nito.

Siniko ni Miriam si Hanna, "I-text mo nga si Ayah. Sabihin mo nandito na si ma'am."

Tumango si Hanna at pasimpleng dinukot sa bulsa ang cellphone. Ayah, wer n u? D2 na mam! Send.

"Miss Hale! Do you want me to confiscate that thing?" 

Nagulat si Hanna. Tumingin muna siya kay Miriam bago tumingin sa kanilang professor. "N-no, ma'am, I'm sorry. I-I am just turning it off."

Pairap na inalis ni Prof. Samson ang tingin kay Hanna at inumpisahan ang lesson.

Natapos ang kanilang klase nang hindi pa rin nagpapakita si Aliah. Wala rin itong reply sa text ni Hanna. Sinubukan nilang tawagan ito subalit hindi nagri-ring ang phone nito.

***

"Hanna! Miriam!" nakangiting bati ni Clarence nang makita sila sa corridor.

"Hi, Clarence!" sabay nilang bati.

"Si—"

"Hindi pumasok eh." Hindi na nila pinatapos ang sasabihin ni Clarence dahil alam na nila ang itatanong nito.  "Hindi rin namin ma-contact." 

Breaking The WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon