Chapter 29

418 33 5
                                    

FRIDAY, natapos na ang klase nila Aliah sa maghapon subalit hindi pa rin niya nakikita si Seth. Binalewala na lamang niya iyon sa pag-aakalang hindi na tuloy ang kanilang dinner.

Pauwi na sana siya nang may text message siyang natanggap mula kay Seth. 

Aliah, will you wait for me? May inaasikaso lang ako but it won't take long, I guess. 

Okay. I'll be waiting at the student's kiosk. Reply niya.

Thanks.

***

NAGTUNGO siya sa student's kiosk kasama ng kanyang mga kaibigan. Nanatili sila roon nang humigit tatlumpung minuto subalit hindi rin nagtagal ay kinailangan ng umuwi ng kanyang mga kaibigan. Mag-isa na lamang na naghintay doon si Aliah. Tumagal pa siya nang mahigit isang oras doon. Nag-uumpisa na ring dumilim sa paligid.

Ilang estudyante na ang umupo at umalis sa kiosk subalit wala pa ring sign ni Seth. Nangangati na ang kamay ni Aliah na i-text ito, subalit natatalo siya ng pag-aalinlangan. Naagaw ang pansin niya ng mga grupo ng kalalakihan na naghahalakhakan habang naglalakad. Nakilala niya ang grupong ito, mga kaibigan ni Clarence.

Sinuri niya ang grupo subalit hindi niya nakita roon si Clarence. Nagtataka siya dahil hindi na niya ito nakita simula pa kahapon nang umaga. Habang pinagmamasdan niya ang grupo ng kalalakihan ay may biglang tumakip sa kanyang mga mata mula sa kanyang likuran. Bumilis ang tibok ng puso niya. Si Clarence ba ito?

Hinawakan niya ang kamay na nakatakip sa kanyang mga mata. Inalis niya ito na kusa namang kumalas at agad niyang nilingon ang may-ari ng kamay. Kumalmang muli ang kanyang puso, "Seth, ikaw pala 'yan?"

Nakangiting umupo si Seth sa kanyang tabi, "May iba ka pa bang inaasahan?"

"Wala... Wala naman."

"Sorry sa pagpapahintay ko, ha? Akala ko iiwanan mo na ako e. Natagalan kasi ako sa Registrar's office," mahinahong sabi ni Seth. May hawak itong mga papel na kanyang nirolyo at inilagay sa bag.

"Ano 'yun, Seth?" 

"Documents ko. Babalik na ako sa pagsi-seaman," nakangiting sabi nito.

Natuwa si Aliah sa sinabi ni Seth. Hindi niya alam kung paano i-eexpress ang kanyang tuwa. Yayakapin ba niya ito? O kakamayan? Masyado naman atang OA kung ganun. Kaya't dahan-dahan na lamang niyang sinabing, "Wow. That's great!"

"Salamat, Aliah, for reminding me na mahalaga rin 'yung mga pangarap ko."

"Ganun naman talaga dapat, di ba? Nagmamahal tayo para mag-grow as a person, not to lose our identity."

Ngumiti si Seth at huminga nang malalim. Pagkatapos nun ay tumayo na siya mula sa kinauupuan at inilahad ang kanyang kanang kamay, "Let's go?"

"Yup!" nakangiting sabi ni Aliah at inabot ang kamay ni Seth na umalalay sa kanyang patayo.

***

TUWANG-TUWA ang pamilya ni Seth nang makitang muli si Aliah. Pagdating nila sa apartment na tinutuluyan nila Seth ay nagluluto pa lamang ang mommy nito. Gusto sanang tumulong ni Aliah dahil hilig rin niya ang magluto subalit hindi siya pinahintulutan ng mommy ni Seth. Bisita raw kasi siya.

Inaya na lamang siya nila Seth at Ivan na mag-laro ng Call of Duty sa Xbox. Hindi naman makapag-concentrate sa paglalaro si Aliah dahil kay Pauline na patuloy siyang sinusuklayan at kunwaring inaayusan sa mukha.

"Pau-pau, ate Aliah is playing. Huwag mo na muna siyang kulitin," saway ng mommy nito.

"But... But... I don't have playmate, miemie!" sagot ni Pauline na nagke-curve nang paibaba ang mga labi. 

Breaking The WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon