MATAPOS kumuha ng sari-saring pagkain ay naupo na sila Seth at Aliah. Tahimik silang kumain. Kung wala ngang bandang tumutugtog ay marahil nakakabingi na ang katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa.
"Kuya, pwede raw mag-request ng song oh!" sabi ngi Ivan, binatilyong kapatid ni Seth.
Sinulyapan lamang ito ni Seth at nagpatuloy na sa pag-kain.
"Request tayo!" pangungulit nito.
"Ano namang kanta ang ire-request mo?" tanong ng daddy nila.
Nagkibit-balikat ang binatilyo. "Ano po ba ang maganda?"
"Say something," sabi ni Seth habang patuloy pa ring kumakain.
Tumayo si Ivan at lumapit sa isang lalakeng crew. Ibinulong niya rito ang kanilang song request.
"I'm sorry, sir. First three requested songs lang po ang ia-accommodate ng band. May three song request na po pero kung gusto niyo, sir, yung next segment po ng band ay para sa mga gustong kumanta on-stage. Gusto niyo po ba?" sabi ng crew.
"Ganun ba?" malungkot na sabi ni Ivan at nilingon si Seth. "Kuya, wala na raw! 'Yung kakanta na lang daw on-stage."
"Sige, kakanta ako," sabi ni Seth.
"Sige po, sir!" sabi ng crew at lumapit kay Seth. Inabot nito ang isang pirasong papel at ballpen. "Pasulat na lang po ng name niyo rito at song na kakantahin. Tatawagin na lang po kayo sa stage, sir, after ng mga song request."
"Naks! Galingan mo kuya!" nakangiting sabi ni Ivan.
"Ako pa ba, Ivan? E singer 'tong kuya mo e!" may kompyansang sabi ni Seth habang nagsusulat. Pagkatapos ay inabot na niya ang ballpen at papel sa crew. "Salamat."
"Thank you, sir!" nakangiting sabi ng crew at umalis na.
"Sayang! Dapat pala yung pang-duet na ang pinili mo kuya para duet kayo ni ate Aliah!"
Tumingin muna si Seth kay Aliah bago sumagot, "Mahiyain si Aliah e."
Hindi umimik si Aliah. Nakinig na lamang siya sa kwentuhan at biruan ng pamilya nila Seth. Unti-unti siyang nakaramdam ng pagka-out of place sa mga ito. Paminsan-minsan ay tinatanaw niya ang table nila Clarence. Likuran lamang nito ang natatanaw niya. Ano mang pigil niya sa sariling tumingin sa dakong iyon ay madalas pa rin niyang nahuhuli ang sariling nakatingin doon.
Naramdaman niya ang pagtayo ni Seth at ang kamay nitong marahang humaplos sa likod niya. Tinignan niya ito. Seryoso ang mukha nitong lumakad papuntang stage. In-introduce muna ito ng babaeng lead vocalist bago iabot ang mikropono rito. Ang pamilya naman ni Seth ay patuloy itong ichine-cheer.
Tumingin si Seth kay Aliah at matamlay na ngumiti, "Para sa iyo ito, Aliah."
Napatingin sa kanya ang mga tao sa La Fiesta at saka naghiyawan. Nahihiya naman siyang ngumiti pabalik kay Seth. Muli siyang napasulyap sa kinaroroonan ni Clarence. Nakita niya itong napalingon sa stage at dumako rin ang tingin sa kanya. Agad naman niyang iniwas ang tingin at muling ibinaling sa stage.
Say something I'm giving up on you
I'll be the one if you want me to
Anywhere I would have followed you
Say something I'm giving up on you
And I feeling so small
It was over my head
BINABASA MO ANG
Breaking The Walls
Teen FictionAliah Verde was raised by her grandparents in Cebu. When her grandparents died, happiness has been a thing of the past for her. She has been preoccupied by her own sorrow and minimized her contact with people. Knowing Aliah's sorrow and depression...