MONDAY, pumasok pa rin si Aliah sa kabila ng sakunang nangyari. Marami ang nangamusta sa kanya at nag-offer ng tulong, ilan dito ay mga Professors at classmates niya. Labis ang kanyang tuwa sa pagmamalasakit ng mga ito.
In-exempt na siya ng kanilang Dean sa punishment na paglilinis ng classrooms subalit pinili pa rin niyang tulungan ang mga kaibigan. Besides, kung hindi naman dahil sa kanya ay hindi naman mapapaaway ang kanyang mga kaibigan.
"Ayah, sabi naman sa'yo kami na rito e. Pwede ka ng umuwi," sabi ni Miriam.
"Walang iwanan, di ba?" sagot niya. "Kaya hayaan niyo na akong tulungan kayo. Wala rin naman akong gagawin e."
"Hay! Ang bait talaga ni Ayah girl. Who would not fall for this girl?" sabi ni Hanna.
"Ano ka tibo?" natatawang sabi ni Miriam.
"Of course not!"
"Talaga? Hindi?"
"Hindi. Why would I?
"Aba. Spokening dollar ka na pala ngayon, Hanna girl, ah!"
"Inggit ka?" sabi ni Hanna at dinilaan si Miriam.
Nakangiti at iiling-iling na lamang na iniwan ni Aliah ang dalawang kaibigang nag-uumpisa na namang magtalo. Inumpisahan na niya ang paglilinis.
"Hoy! Ano? Tatayo lang ba kayo diyan?" inis na sabi ni Ms. Tambo. Sa likod nito ay taas-kilay namang nakatayo si Ms. Baduy. Pero infairness, medyo nag-improve ang porma nito ngayon. Naka-uniform e.
"Chill mga bebe-goose!" natatawang sabi ni Miriam at pumasok na sa room. Kasunod nilang pumasok ang dalawang kontra-bida. Nilingon ito ni Miriam, "Uy! Mga bebe-goose, dahan-dahan lang sa paghakbang, ha? Baka matalisod kayo sa mababa niyong IQ!"
"What did you say?" sabay na sabi ng dalawa.
"Hay naku, girls, mahal ang TF ni Miriam. Bawal na ulitin ang script! One word, that's enough!" natatawang sabi ni Hanna.
"Miriam, Hanna!" tawag ni Seth. Sabay na lumingon dito ang dalawa. Umiling si Seth. Tumahimik na sila at dinampot na lamang ang mop. Wala ng nagsalita hanggang sa malinis ang lahat ng classrooms.
***
"Wah! Ang sakit ng likod ko," daing ni Hanna habang sila'y magkakasabay nang naglalakad sa corridor. Kumulong bigla ang tiyan nito at hinimas niya iyon. "Nagugutom pa ako."
Tinignan ni Aliah ang kanyang orasan, alas nwebe na ng gabi. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang i-text ang parents niya. "Mom, nakauwi na po ba kayo?"
"Aliah, akin na 'tong bag mo, ako na magbibitbit," nakangiting sabi ni Seth. Hindi umimik si Aliah at noo'y nakatingin lang sa kanyang cellphone. Kinuha na ni Seth ang bag niya at wala naman sa katinuan itong ibinigay ni Aliah.
"Honey, dadaanan namin ng daddy mo 'yung apartment na nakita niya. Iche-check namin kung okay na bang lipatan. Nakauwi ka na ba? Hindi rin naman kami magtatagal," reply ng mommy niya.
"Okay, mom. Ingat po."
Pagkatapos i-send iyon ay napansin niyang gumaan ang kanyang pakiramdam at parang may kulang. Nawawala ang kanyang bag. Nilingon niya si Seth at nakita roon ang kanyang bag. "Seth, ako na niyan."
Ngumiti si Seth at hinawakan siya sa kamay, "Nililigawan kita kaya dapat ako ang magdadala ng bag mo."
Nagulat siya sa paghawak ni Seth sa kanyang kamay kaya't agad niya iyong binawi at ibinulsa. Biglang sumimangot si Seth sa kanyang ginawa. Na-realize ni Aliah na naging rude ang kanyang kilos subalit hindi niya alam kung paano babawiin iyon.
BINABASA MO ANG
Breaking The Walls
Teen FictionAliah Verde was raised by her grandparents in Cebu. When her grandparents died, happiness has been a thing of the past for her. She has been preoccupied by her own sorrow and minimized her contact with people. Knowing Aliah's sorrow and depression...